- - -
Iniwan namin si Izak sa ilalim ng puno. Sigurado naman akong ligtas siya doon. At 'yong ipinulupot ko sa ulo niya ay makapal naman. Pinunit ko rin kasi ang damit niya para pandagdag lunas. Tumigil kahit papaano ang pagdaloy ng kanyang dugo.
Si Rant kasi! Kapag may natipuan siyang patayin, basta na lang siyang sumusugod! Ni hindi man lang niya alamin muna kung sino ang papatayin niya. Baka nga hindi pala niya alam na isa pa lang Congressman iyong nilibing niya sa maleta.
Napabuntong hininga na lang ako sa naisip.
"Iiwan lang din pala natin 'yong Unggoy, bakit hindi ko na lang tinuluyan?", reklamo ni Rant. Nasa likod ko siya, pagitan namin si Yelloe, at sa tingin ko ay malapit na kami sa ampunan. Hindi ko na lang sila pinapansin.
"Yeah, he looked so helpless there. I will miss him~! Dapat may intimate moment pa kami kapag nagising siya eh~ huhu~ fafa Izak!"
Napag-desisyunan kong iwanan na lang namin siya dahil tama si Rant, aspiring detective si Izak at kalaban pa rin namin siya. Isa lang naman ang plano ko. Iyon ay ang maka-alis ng Hemetria City sa lalong madaling panahon. Kaya walang silbi rin lang kapag sinama namin siya.
Kaya nga rin hindi ko masyadong naintindihan 'yong sinabi ni Rant na hindi dapat ako lumapit sa kanya, o hawakan man lang, dahil wala rin lang naman pagkakataon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit inaangkin niya ang hita ko. Samantalang dapat alam niya na sa ngayon na inalay ko na ang kaluluwa ko sa kanya. Hinihintay ko na lang na pagsawaan niya ako. Hindi ko siya maintindihan minsan!
"Malayo pa ba tayo?", si Yelloe ang nakapag-paalis sa'kin mula sa kakaisip, at sakto namang pag-angat ko ng ulo ay bumungad ang backgate ng bahay ampunan.
"Ayan na oh! Kita ko na!", tinuro ko pa talaga para kay Yelloe at mukhang sayang saya naman siya.
Binilisan na naming maglakad. Gutom na rin kasi kami, kanina pa.
Habang papalapit kami ay narinig ko ang mga sigawan at tawanan ng mga bata. Naalala ko noong mga panahong diyan pa ako naninirahan. At si Neomi! Siya lang naman talaga ang tanging ala-ala kong maganda.
"Hintayin ninyo ako dito. Ako na ang kukuha ng pagkain.", kako sa kanila. Nasa may mga damuhan pa rin kami ng bukid na nagtatago.
"Sama na ako.", sunod ni Rant pero pinigil ko siya.
"Hindi ka nila pwedeng makita."
"At ikaw?"
"Magtatago ako."
"Kapag nakita ka nila at wala ako sa tabi mo - "
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Misterio / SuspensoA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...