The Psychopath_23: Sinful Lust, Sinful Love

3.5K 100 6
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Nakakainis! Ilang beses ko nang sinabing gusto ko siya pero parang hindi man lang niya makuha-kuha!

Kaya hindi ko pa siya pinapatay kasi nga alam ko sa sarili kong gusto ko siya. Naguguluhan din naman ako sa sarili, pero simula nang mahalikan ko siya, alam kong iba na. Hindi ko na lang siya gustong patayin. Gusto ko na siyang halikan sa bawat pagkakataon na mayroon ako! Kung pwede nga ay sa bawat minuto ko siya nahahalikan. Ang hirap kayang magpigil. Sa tuwing nagsasalita siya, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanyang mga labi! Simula nang makulong kami doon sa iisang silid, may pagsusumamo na sa aking sikmura na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko siya. Gusto ko siyang nahahalikan!

Hindi na tuloy ako nakapagpigil. At marahas ko na siyang hinalikan! Iyong tipong kinailangan kong bumawi sa madaming mga oras na nagpigil ako. I explored her mouth once again, and I know I won't be able to stop.

Paano ako titigil? Eh, pati siya ay binabangga ang dila sa akin! Paano pa ako titigil niyan? Kung sinisipsip din niya ang aking mga labi kasabay ng paninipsip ko sa kanya!

Damn it!

Narinig ko pa siyang umungol!

Lalo kong idiniin, at lalo din niya akong hinila sa batok, tsaka naglaro ang kanyang mga daliri sa aking buhok, shit, damn multiple times!

Naalala ko ang makinis niyang kutis, kaya hindi ko napigilan ang sariling hawakan siya doon... doon sa ilalim ng kanyang bistida... hinipo ko ang hita niya, samantalang ang isa kong kamay ay nakadantay sa salamin upang hindi tuluyang mahulog ang katawan ko sa kanya, pero... taena, napamura ako sa gitna ng kanyang mga bibig nang gumalaw siya upang salubungin ang aking tumbok sa baba... tuluyan nang nagdikit ang aming katawan!

Damn it, hindi ko na talaga mapigil ang sarili, at nababaliw na ako! Kaya marahas na dumako ang kamay ko sa ilalim pa ng kanyang bestida, patungo sa kanyang dibdib, lalong lumakas ang kanyang ungol nang sapuin ko ang isa. Shit! Nakakapanginig ng katawan!

At gumanti rin siya, idinapo rin niya ang kanyang mga kamay sa ilalim ng t-shirt ko! Gusto ko ang lamig ng kanyang mga palad, dinadarang lalo ang aking nag-iinit na katawan. Nakagat ko ang kanyang labi, dahilan para lumakas ang kanyang ungol...

Nang hindi ko na makayanan ang paghingalo ko ng hangin ay humiwalay ako, tinitigan ko siya, humahampas sa aking mukha ang kanyang malalim na paghinga, tila naghihingalo rin.

Kinilabutan ako dahil nangungusap ang kanyang mga mata, habang hinahaplos pa rin niya ang aking katawan, at ako rin, sa gitna ng kanyang mga dibdib nanatili ang palad ko. Pinapakiramdaman ko ang bilis at lakas ng pagpintig ng kanyang puso! Kinikiliti ako nito, lalo na at ramdam ng tumbok ko ang katawan niya. Fuck, deretso pa iyon sa kanyang gitna kung hindi lang siya naka-suot ng panty!

Kaya naman inilapat kong muli ang labi sa kanya, malugod niya iyong tinanggap. Habang mula kanyang dibdib ay nagtungo ang kamay ko sa kanyang balakang, gusto kong ibaba ang panty niya!

Pero naisip ko ring hindi ko rin lang mararamdaman iyon kapag nakasuot pa ako ng maong...

Teka... ano nang gagawin ko?

Tatanggalin ko ba muna ang pantalon ko, o hahalikan ko muna siya?

No, kailangan ko nang tanggalin ang saplot ko, kung hindi ay mababaliw akong tuluyan!

Kinagat ko ang labi niya nang palayo na ako, at...

Mabilis kong ibinaba ang zipper ng aking pantalon, pero...

"Stop it!", bulalas bigla ni Bree.

Nahihingal, naguguluhan, nagtataka, at namimilog ang aking mga matang napatingin sa kanya... Ganoon din siya, nahihingal at namimilog ang mga mata.

"Sorry!", matinis niyang saad at walang pasabing kumaripas siyang lumabas ng sasakyan.

Naiwan akong naka-maang...

Fuck.

Fuck.

Fuck.

Fuck, fuck, fuck, the fuckshit!

Naiuntog ko ang ulo sa manubela ng sasakyan, napako ang tingin ko sa ilalim, doon sa aking mga paa, at nakanganga pa rin ako habang pilit kong pinapatahan ang aking tumatambol na puso at ang walang humpay kong paghahabol ng hininga...

Malakas akong paulit-ulit na napamura!

"Anong nangyari?", pahikab na paggising ni Saging dahilan para magulat ako. Napalingon ako sa kanya at nag-u-unat pa siya ng katawan, "Did I miss something?"

Lalo akong napamura, pakshit! Nakalimutan kong may Saging pala sa likod!

"Nasaan si Bree?", walang lakas niyang pagtatanong habang kinukusot ang mga mata.

"Matulog ka na lang diyan!", pagalit kong bulalas.

'Yong totoo? Sinong matinong lalaki ang hindi magagalit sa mundo matapos ng nangyari? Matapos niya akong... shit!

Lumingon na lang ako sa labas para hanapin si Bree.

Nakita ko ang likod niya, nakatayo sa harapan ng hindi ko mawaring puno, at nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ganoon? Ayaw ba niya?", bulong ko sa sarili.

"Ayaw ang alin?", antok na tanong pa rin ni Saging. Sinulyapan ko lang siya ng tingin at nakapikit naman ang kanyang mga mata na tila tulog.

"Wala!", agad na sagot ko.

"Edi wala. Tulog na lang ako.", bulong niya sabay humikab pa.

Ano nang gagawin ko? Nakakainis talaga! Hindi pa rin tumitigil ang alaga ko sa baba. Parang naiihi pa rin ako. Shit! Kasalanan ito ni Bree! Kasalanan niya lahat ito! Damn it!

Napapikit na lang ako... Pero ang hubad na katawan ni Bree ang agad kong nakita! Napa-iling-iling ako.

Pinagmasdan ko na lang ang likod niya mula sa labas, at least, nakabalot siya ng jacket.

I want her.

I badly want her.

I fucking badly want her!


- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon