The Depressed_19: Clock, Beats and Chess

3.4K 113 9
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Impit akong kinikilig na parang ewan sa loob ng bathroom. Idinapo ko ang palad sa aking dibdib para damahin pa lalo ang kabog nito. Hindi ko kinakaya! Parang magkaka-heart attack ako!

Hindi ko mapigil ngumiti...

Hinalikan kasi niya ako! Tapos parang ayaw pa niya akong bitawan kahit antagal-tagal na. Hindi na ako maka-hinga e! Kaya kinagat ko na siya para matigil na. Sumasabog na kasi ang puso ko. 'Pag tumagal pa iyon, siguradong baka... sa iba pa mapunta...

Umiling-iling ako at sinipat-sipat ko ang aking pisnging sobrang nag-iinit na! Tumingin ako sa may salamin at pulang pula nga ako! Oh cheesy gizzy cheese!

Bakit ba niya ako hinalikan?

Tapos ay natigil ako nang aking mapag-tanto.

Hindi niya naintindihan ang plano ko!

Baka ni isa sa mga ginawa ko ay wala man lang siyang nahagilap sa utak? Bumuntong hininga ako. What do I even expect from him? Geez!

Pero hindi ko pa rin matigil ang aking ngiti. I've never felt this way! Anong klaseng paki-ramdam ito?

Let me think it through Science. I am definitely diagnosed with Major Depressive Disorder wherein I lack the so-called 'happy hormones'. Kulang ako sa mga hormones na endorphine, dopamine, at serotonin. Kaya kahit anong pilit kong maging masaya ay hindi. Walang paraan kundi uminom ng anti-depressants. Kaya nga gusto ko nang mamatay...

Pero... kapag nakikita ko si Rant, kapag tumititig ako sa mga mata niya, at lalong kaninang hinalikan niya ako... may iba akong naramdaman. Kailan ito nag-umpisa? Noong bang nasa ibabaw ko siya at muntikan niya na akong mahalikan?

I don't think so...

Pwes, ano 'to?

Lust and desire. Ito kaya iyon? The hormones responsible for these are testosterone and/or estrogen. These are associated with the innate need of human beings to procreation. Marami si Saging nito!

Attraction kaya? Serotonin, dopamine, oxytosin, adrenaline, and vasopressin are the hormones responsible for being in love. Kulang ako sa dalawang nabanggit. So it can not be. It's not like I'm attracted to Rant, am I?

Isa lang ang ibig sabihin niyon...

Maybe what I am feeling is lust and desire?

No geezy way!

Nahahawa na ba ako kay Yelloe

Ayo'ko na mag-isip!

Basta ang alam ko, masaya ako at iyon na 'yon!

Bumalik sa aking labi ang abot taingang ngiti. At hindi na iyon natanggal habang naliligo hanggang sa makapag-bihis ako.

Paano ko haharapin ngayon si Rant kung hindi matigil ang bagyo sa aking damdamin? Huminga akong malalim. Normal lang. Back to normal. Act normal. Act like nothing happened.

Kailangan pa naming maka-labas dito...

"Yelloe?"

Matagal siyang sumagot kaya paulit-ulit ko siyang tinawag.

"Yes? Ano 'yon? Sabi sa'yo eh. You're in love~ hihihihi~"

Nag-init ang pisngi ko pero agad kong winaglit iyon. "Ahm, oo nga eh. Salamat ah. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko mare-realize na may pagtingin pala ako sa kanya.", halos masuka ako sa mga pinagsasabi ko. Geez!

"Yiieeh~ ang saya saya ko! Basta ah, galingan mo sa sex ninyo mamaya~", halatang naniwala siya. Sabi na nga bang madali lang siyang paikotin.

"Ahm, may gusto lang sana akong malaman?"

"Ano 'yon?"

"K-kailan ka pala natutulog? Anong oras?", malumanay at pa-sweet kong tanong para hindi siya makahalata.

"Bakit mo naman gustong malaman?"

"Para alam namin ni Rant kung ano... kailan magse-sex at kailan hindi... para hindi mo maka-ligtaan 'di ba? Baka kasi tulog ka kapag naisipan naming gawin. Alam mo na?", sana hindi halatang plastik ang tawa ko.

"Ahm, yes, you're right. Ilang sex ba ang plano ninyo?"

"Who knows?", ngumisi ako. Andali niyang maniwala!

"Ok, basta don't have sex kapag tulog ako. I want it live. Ayo'ko ng record lang. So, yeah, tulog ako by 8 PM siguro or later. And yeah... Depends kung mas maaga kasi napagod ako ngayong araw. Anyways. I'll just tell you kapag matutulog na ako, so you won't do anything. Hihihihi~"

At nawala na siya.

Hindi niya dapat malaman na sisirain namin ang mga camera. Sigurado akong may paraan siya para pigilan ang paninira namin, gaya ng anesthesia gas na maaring ipalaganap niya sa buong silid. I can not take that risk. High-tech pa man din ang mga kagamitan dito.

Kailangan lang namin siyang antukin.

Naghanap ako ng mga pampa-antok na bagay dito sa closet. Mukhang madami namang kagamitan dito. There must be something I can use. Nasulyapan ko ang isang chessboard. Bingo!

Agad kong kinuha iyon at lumabas na.

Walang paalam akong pumwesto sa harap ni Rant at niyaya ko siyang maglaro. Alam kong nakaka-bagot ang larong ito para sa kanila. Matutulog si Saging. Si Rant kaya? Pft.

"Wag kang mag-alala. May premyo ang mananalo at parusa sa matatalo.", kako nang hindi na pinag-isipan.

Ngumisi siya. "If I win, I can kiss you anytime I want.", tumaas baba pa ang kanyang mga kilay...

Nainis lang ako. "Rant, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo, pero huwag mo na sana akong idamay."

Opz, baka narinig pala ni Yelloe! Nakagat ko ang labi at agad kong binawi, "Oo naman! You can kiss me anytime you want. Hehehe."

Geez!

Ngumiti siya...

Teka... bakit parang ngayon ko lang siya nakitang ngumiti?...

Hindi ko rin tuloy napigilang ngumiti. Ang gwapo pala talaga ni Kamatayan...

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon