The Depressed_34: Hunting the Hunter

2.4K 71 1
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Delikado ang pagpasok sa mansyon nina Julius. Iyon ang una kong plano. Kailangan naming ma-hack ang information system sa bahay na iyon. Pero sa tulong ni Yelloe, hindi na namin kailangang lumusob sa kalaban.

"Nakakalimutan mo na yata bebe Bree~ marami akong connections~ ugh~ ugh~"

Malaki talaga ang tulong sa amin ni Yelloe. Nagtulung-tulong din naman kami sa paggawa ng information system pero siya ang may pinaka-maraming nagawa. Siya pa nga ang maraming connections sa DeepWeb.

Malaki rin ang tulong ni Izak sa hacking skills niya. Siya rin ang nagpu-punta sa teritoryo ng mga gangsters para maglagay ng connection sa information system nila dito sa amin. Magaling siya doon.

At si Rant naman... Sakit nga siya sa ulo kung tutuusin pero mas panatag ang loob ko kapag sumasama siya kay Izak. Ayokong mapahamak si Izak kaya pinapa-sama ko si Rant para protektahan siya. Alam ko rin namang magaling sa pakikipag-laban si Izak pero sadyang may tiwala lang ako kay Rant sa larangang iyon.

Si Rant din naman ang kadalasang nakikipag-usap nang harapan sa mga gangsters para sa mga negosasyon.

At ako naman, I'm the strategy planner. Obviously. At sa paglipas ng mga araw, natutunan ko rin ang paggamit nitong mga computers at ang paliguy-ligoy sa information system. Nakulong ako sa loob ng box ng ilang taon, remember?

Gaya na ng sinabi ko, may connection na kami sa system nina Julius. We are now trying to hack them.

"Pero may isa lang tayong problema", saad ko.

Nasa tabi ko si Yelloe at nasa likod namin si Izak. Kaming tatlo ay nakaharap sa mga monitor ng mga computers. Dinig sa buong sala nitong apartment ang clicking sounds galing sa mga ito. Naka-upo lang din sa sofa si Rant, kanina pa. Hindi ko na alam kung anong ginagawa niya dahil masyado nang nakuha ang aking atensyon nitong ginagawa namin.

Naramdaman ko ang paglingon nilang lahat sa akin habang naka-tutok pa rin ako sa tatlong monitor na nasa harapan ko.

"Ano 'yon Bree?"

"Si Raver."

"Raver?..~"

Huminga akong malalim bago ko sila hinarap. "Si Raver ang anti-hacker nina Julius."

"Ilang anti-hacker na ang natalo natin baby Bree~~ so, why would we be threatened?"

"Kasi magaling siya. At wala pang ni sino ang nakatalo. Alam ko 'yon dahil napanuod ko na siya dati. In just a split, nalaman na nila ang location ng mga hacker. I don't know how he does that but I can tell you, he is a professional. There is a big risk here."

"I don't know if I'll be scared by that but, what are you suggesting?~~"

"Bakit hindi niyo na lang i-redirect ang location natin sa system?"

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon