The Psychopath_07: Bloody Hell of a Song

4.8K 148 5
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


"Awieeh, iiyak na 'yan!", panunukso ni Bree kaya naman natingin ako sa kanya nang masama.

"Hindi ako mahilig sa kahit anong kanta!", saad ko sabay agaw sa cellphone niya at pinatigil ang tugtog. Agad naman niyang inagaw sa'kin.

"Grabe ka naman!", tapos pinatugtog niya ulit.

Nag-agawan na kami sa cellphone niya at ako ang nagtagumpay. Binulsa ko kaagad iyon.

"Tumahimik ka na lang ok?", utos ko.

"Gusto ko na siyang pakinggan ngayon! Bigay mo sa'kin!", pagpupumilit pa niya sabay pilit niyang kinukuha sa bulsa ko.

"Pwes huwag mo akong dinadamay! Kailangan ko ng katahimikan!", tinulak ko siya at tumigil naman pero nanatili ang mapanuyo niyang tingin sa'kin.

"Bakit? Iyakin ka ano? Kaya ayaw mong pakinggan?"

"Tumahimik ka na nga!"

"Ako na lang kakanta kung ayaw mong magpatugtog!"

"Wag kang kumanta!"

"Kakanta ako!"

Nakakinis! Naiinis na ako sa kanya! Gusto ko na siyang sakalin!

"Sasakalin mo ako? Sige go!", nakangiti pa niyang saad.

Tumigil na ako at nagtimpi na lang ng galit. Hindi ko pa siya pwedeng patayin! Lalaruin ko pa siya!

Pero teka... bakit pakiramdam ko ngayon, ako ang nilalaro niya? Damn her!

"Relax, hingang malalim.", saad pa niya sabay tapik sa likod ko. "Inhale, exhale...", at dinemo pa niya sa'kin kung paano huminga. "Masyado kang control freak, at may anger management issue ka rin! Tsk. Iniinom mo ba ang gamot mo?"

"Gamot?", naguguluhang tanong ko.

"Oo, iyong binigay ng Psychiatrist mo!", tsaka siya tumawa. Iba pa rin ang lalim ng mga mata niya kahit tumatawa siya. They're still dead even though she smiles. Huminga na lang akong malalim at pumikit.

"Tang ina naman.", I barely cursed. Kalma lang, kalma...

Pagmulat ko ng mata ay agad na bumungad sa'kin ang nagmamasid na mga mata ni Bree. Kahit isang hinlalaki lang ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa ay hindi ko pa rin matukoy ang nasa likod ng mga mata niya, kung anong mga iniisip niya. Kung sino o ano ba talaga siya. Hindi siya anghel...

"Ano, amin na! Takas mental ka 'noh?", tanong niya sa kabila ng kanyang poker face.

At hindi na ako nakapag-timpi. Kinulong ko ang maliit niyang pagmumukha sa palad ko. Nagpumiglas siya bilang depensa. "Nakakainis ang pagmumukha mo!", bulalas ko.

Tsaka niya agad namang naagaw ang kamay ko at walang pasabi niyang basta na lang kinagat!

"Waah! Ano baaa!", sigaw ko pero lalo lang akong nasasaktan kapag hinihila ko ang aking palad mula sa kanyang nakabaong ngipin!

Nakatitig pa siya sa'kin habang kinakagat ako, mukha siyang pusa! Itim pa man din ang kulay ng mga mata niya! Shit! Pakshet talaga!

Nang magsawa siya ay tumatawa pa siyang pinakawalan ako. Agad kong hinimas ang kamay ko at kitang kita ang namumulang bakat ng kanyang mga ngipin.

"Bakit ka nangangagat?", reklamo ko sa kanya.

She just shrugged then stuck out her tongue, "Bleeh!". Lalo lang akong nainis!

"Hindi mo talaga naiintindihan ang sitwasyon mo ano? I'm more dangeruos than you think, Bree! Pagsisisihan mo 'to!", pagbabanta ko sa kanya dahil sa kumukulong dugo ko, nakakapang-galit! Fuck!

"I like dangerous.", agad naman niyang sambit na parang hindi man lang niya pinag-isipan.

Nang-aasar talaga siya! Kung ordinaryong tao lang siya ay siguradong kanina ko pa binali-bali ang mga buto niya sa katawan! That would be a satisfying sight!

"Wag kang mag-alala, sira ulo rin ako. May gamot din akong iniinom, antidepressants, prescribed by my Psychiatrist. Pero hindi na ako umiinom niyon kasi hindi naman effective. Para sa'kin ah.", paliwanag niya na parang wala lang sa kanya.

Bakit na naman niya sinasabi sa'kin iyan? Ah, inaakala talaga niyang takas mental ako. Shit this girl... Kalma lang Rant, kalma... Baka makaka-patay na naman ako nang wala sa oras. Nakaka-irita!

"MDD. Major Depressive Disorder.", pagtukoy niya sabay ngiti sa'kin.

Nanahimik ako pero pagkala-unan ay hindi ko rin lang naiwasang sagutin siya. "Pwede pang lunasan iyan. Isa pa, hindi naman baliw ang mga may MDD.", naiinis kong tukoy.

"Right.", bumuntong hininga siya. "Masaklap lang kasi, tingin ng mga tao kapag nagpatingin ka sa isang Psychiatrist or Psychologist or anumang tawag sa mga doktor na ganoon, baliw ka na."

Iniwas ko ang tingin mula sa kanya. Hindi ako interesado sa usapan!

"Sa'yo siguro walang lunas. You're doomed.", takte naman talaga, "But it's always a choice..."

Napailing-iling na lang ako. Salita nang salita e!

"Kung papatay ka ng tao o hindi. Choice iyon."

Nilingon ko siyang naiinis. "Same goes for you then. Choice mong maging malungkot.", depensa ko.

At bigla siyang nanahimik.

Tumingin ulit ako sa labas. Buti naman natahimik na siya. Kapayapaan, sa wakas!

Ilang saglit pa ay may nadinig na akong pumapatak na ulan... Umaambon na sa labas.

"Hindi ko pinili 'to!", biglang sambit niya kaya nilingon ko siya. Nakakapagtaka... kung hindi ako nagkakamali, may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. "Andaling sabihin ano? Choose to be happy? Mga bobong tao!", at isang patak ng luha ang tumulo sa kanyang pisngi. "Hindi kasi nila naiintindihan, kaya madali lang sabihin..."

Nangyayari? Bakit siya umiiyak? Baka dahil sa cellphone niya?

Huminga akong malalim at hinugot ang cellphone niya mula bulsa ko. Inabot ko sa kanya. "Oh, mukang kailangan mo ngang kumanta.", tsaka ako ulit lumingon sa labas.

Pinagmasdan ko lang ang mga tumutulong patak ng ambon sa may salamin...

Ilang saglit pang kapayapaan nang nag-umpisa ang kantang pinatugtog ni Bree. Sa hindi ko maipaliwanag na rason ay nakinig akong mabuti... Siguro dahil na rin sa himig ng nagbabadyang ulan, ang gitara sa kanta, at ang lirikong tumatagos ang bawat linya sa... aking dibdib.

Sa unang pagkakataon ay may naramdaman ako...

Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, ay naalala ko si... Red...

'Yong kapatid ko...






▶️Now Playing: Sa'yo by Munimuni

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon