The Psychopath_15: Exit with a Bang!

3.6K 128 7
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Kinakailangan naming bumaba mula bangin sa pamamagitan ng paunti-unting pag-apak sa mga bato pababa. Ibinaba ko si Bree at nauna na ako. I'll just catch my angel from down there...

Maganda na nga ang naisip ko, kaso sumunod sa akin si Bree na bumaba. "Dahan dahan, madulas.", paalala ko na lang sa kanya.

Hindi pa naman siguro mamatay ang mahuhulog, pero siguradong magkaka-bali ang mga buto sa paghulog. Anupaman, ayo'kong madulas ang anghel ko.

Binilisan ko na lang ang pagbaba, para kapag mahulog man siya, handa na ako para saluhin siya...

"No~ I'm afraid! I can not go down there! Fafa Rant, catch me please~", mangiyak-ngiyak na sabi ni Saging na nasa taas pa rin. Psh!

Naka-apak na ako sa baba, at nababasa na ang sapatos ko ng tubig-dagat na humahampas dito sa mga bato. Tiningala ko si Bree at nasa kalagitnaan na siya. Namimilay pa siya habang humahakbang. Inilahad ko na lang ang aking mga kamay upang paghandaan ang paghulog niya...

Hanggang sa kinabahan na lang ako nang muntikan na siyang madulas! Tumigil siya sa paghakbang at tumingin pa sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin...

"Wag kang matakot, sasaluhin kita.", saad ko. Wala naman akong nakitang takot sa mga mata niya na gaya ng dati pero lumabas na lang kasi iyon sa bibig ko na hindi ko sinadya. Teka, pag-isipan kong mabuti kung bakit...

Huwag na lang, pasasakitin ko pa ulo ko e!

Nag-umpisa ulit siyang humakbang pababa... Nasulyapan ko na rin si Saging na inumpisahan na ring bumaba...

Hinawakan ko na si Bree sa kanyang baywang nang maabot ko na siya. "Bumitaw ka, hawak na kita.", utos ko at sinunod naman niya. Nahulog ang katawan niya sa'kin at dagli ko na lang din siyang binuhat.

Agad siyang lumayo mula sa'kin at mabilis naman akong umupo patalikod sa kanyang harapan upang udyukin siyang sumakay ulit sa likod ko. Nakuha naman niya ang gusto kong iparating at muli ko siyang binuhat.

Nag-umpisa akong maglakad dito sa pagitan ng dagat at matayog na bangin, ramdam ko sa kabila ng aking basang sapatos ang matutulis na mga bato. Malakas at malamig din ang ihip ng hangin, pero mas ramdam ko ang init ng hininga ni Bree sa may pisngi at tainga ko, pati na ang mainit na katawan niya sa aking likod. Dinig at ramdam ko rin ang tibok ng kanyang puso...

"Para tayong nasa dulo ng mundo.", bulong niya bigla.

Tumingala ako mula sa pagkakatuon ng aking atensyon sa mga nadadaanan kong bato.

Hindi ko makita ang kung anumang nakikita niya hanggang sa kanyang ipaliwanag...

"Malawak at walang dulong dagat...", umpisa niya kaya napalingon naman ako doon...

"Bangin, na parang sine-separa ang mundong ito mula sa mundong nasa kabila...", tumingin ako sa aking kanan...

"Mga tala na tila nagdidiktang palabas na nga tayo patungong kabilang mundo...", sa kalangitan sunod na dumako ang tingin ko...

Napakunot-noo na lang ako. Hindi ko siya maintindihan.

"Tingin mo, kung nasa kabilang mundo tayo, anong buhay na mayroon tayo?", malumanay niyang tanong.

Hindi ko talaga maisip... Sumasakit ulo ko kapag nag-iisip nang malalim. Pwede bang wala nang isip-isip?! Tsk!

"Sana ipinanganak ako sa kabilang mundo, ano? Para sana hindi ganito...", naramdaman kong may pumatak na tubig sa aking leeg. Napagtanto kong lumuluha na naman ang anghel ko.

"Sana, siguro may maganda kaming pamilya ni Neomi. Baka nga magkapatid pa kami sa kabilang mundo.", tumawa siyang malungkot. "Tingin mo Rant, may reincarnation? Kapag namatay ako, baka sa kabilang mundo na ako maipanganak. Naroon na kaya si Neomi? Hinihintay kaya niya ako?", nanginig ang katawan niya marahil dahil pinipigilan niyang maiyak.

"Kaya nga patayin mo na lang ako 'di ba? Para magkita na kami. Baka kasi naiinip na siya kakahintay sa'kin. Kasi ako, naiinip na ako!", isinubsob niya ang mukha sa balikat ko na nababasa na talaga ang damit ko sa kanyang luha.

Hindi na siya umimik at nanatili siyang ganoon...

"Ako rin!", bulalas ni Saging na nagitla ako. Naka-sunod na pala siya sa'min, pero hindi ko siya nilingon man lang...

"Gusto ko ring pumunta sa kabilang mundo, pero sa pamamagitan naman ng spaceship!", nasisiyahang dagdag ni Saging. "Baka kasi naroon pala ang soulmate ko. Ano kayang itsura niya? Sure akong gwapo iyon!"

"Spaceship?", bulong ni Bree. Suminghot siya ng kanyang mga uhog, mukhang natuwa siya sa sinaad ni Saging.

Ilang saglit pa ay natahimik sa pagitan namin. Maliban sa pinagsama-samang himig ng dagat, hangin, at paghinga ng aking anghel - musika sa aking pandinig...

"Rant? Ikaw? Gusto mo rin bang pumunta sa kabilang mundo?", dagdag niyang liriko sa musika.

Napa-kunot noo lang ako. Sabing ayo'kong mag-isip 'di ba? Sakit sa ulo!

"Kung nasa kabilang mundo tayo, siguradong hindi tayo magtatagpo.", sambit ulit ni Bree... The what?!

"Pwes walang silbi ang kabilang mundong tinutukoy mo!", naiinis kong sagot sa kanya. Damn it!

"Hindi mundong matatawag ang mundo kung saan hindi tayo nagtagpo. Kung nasaan ka, naroon ako! Hindi ko pipiliin ang kahit na anumang mundo kung saan wala ka. Reincarnation? Psh, I'd rather burn in hell for eternity than live a life not knowing an angel like you. Damn all worlds without you, Bree."

Natahimik ulit sa pagitan namin... At tumigil yata sa paghinga si Bree na kinailangan ko pa siyang sulyapan sa gilid ng aking mata para makasigurong buhay pa siya...

At wala pa rin akong naaninag na emosyon galing sa kanya kaya sa mga bato na lang ulit ako tumingin.

Teka nga lang...

Natigil ako sa paglalakad para isiping mabuti kung tama ba ang kung anumang nasabi ko...

At...

Hindi ko alam kung bakit pero... bigla na lang na sumabay ang pintig ng aking puso sa pintig ng puso ni Bree na ramdam ko sa aking likod! Malakas at mabilis, walang preno...

Ano 'to?...

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon