The Depressed_20: Tasty Fiesty Moans

3.5K 112 7
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


"Kunware lang!", tarantang bawi ko nang tumahimik bigla si Rant. Nakita ko siyang kumurap-kurap.

"K-kunyare lang?", ulit ni Rant na parang hindi naniwala.

"Oo!", agad na sagot ko. Tinalikuran ko na siya at lumayo na. Sa may likod ng sandalan ng sofa ako sumandal. Baka kung ano na namang magawa niya sa'kin. Kumabog tuloy ang dibdib ko!

Tumahimik muna sa pagitan namin. Hindi ko na alam kung nasaan siya dahil ayo'ko na siyang lingonin. Natatakot na ako!

Hindi naman ako takot sa kanya dati ah? Geezy cheese!

Huminga akong malalim para palakasin ang aking loob na magtanong, "Alam mo b-bang umungol?", nasa pader ang aking tingin.

"Ha?", halatang naguluhan na naman siya.

"Yong parang huni ng nasa TV kanina?", kabado kong paliwanag.

"Oo n-naman, ako pa!", pilit na pagmamayabang niya.

"Pwede mong s-sanayin kung hindi mo a-alam...", siguradong namumula na naman ako. Nakaka-hiya kaya 'to!

"Sabi kong alam ko 'di ba? B-Baka ikaw ang hindi nakaka-alam..."

Hindi ako kumbinsido. "Virgin k-ka pa, 'di ba?"

"Hindi ah! Madami na akong na-ano!", pumiyok siya sa huling salita. He then cleared his throat. "Anong tingin mo sa'kin?"

"Dapat wala. Ikaw si Kamatayan e.", naiinis kong sagot. Basta lang, nakakainis siya! Mamatay na lahat ng na-ano niya! Geez!

"Pft."

"Sige nga!", hamon ko.

"Ano?", nakaramdam ako ng kaba sa kanyang boses, pero guni-guni ko lang siguro.

"You try moaning as if you're... you know.", pinilit kong lumabas iyon sa aking bibig.

"Bakit ako?", mabilis niyang depensa. "Tsaka bakit ba kailangan iyon?"

"It's essential to my plan. We need to moan as if we're doing it."

"As if?", mahinang ulit niya sa sinabi ko, "Pwede namang totohanin."

Sa pinaghalong kaba at inis ay hinablot ko ang isang nabaling piraso ng kahoy at ibinato iyon sa kanya. Malakas na dumapo iyon sa kanyang ulo!

"Aray!", bulalas niya at agad rin lang akong tumalikod. "Ba't ka nambabato?"

"Kung anu-ano kasi iniisip mo!"

"Ikaw kaya ang unang nagsabi!"

"Kunware nga lang 'di ba?"

"Kaya nga, oo nga, kunware na nga."

"Nakakainis ka talaga! Ba't ba may nilalang na kagaya mo?!"

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon