- - -
Halos nalagutan ako ng hininga dahil sa gulat at higpit ng yakap ni Izak. Wala akong panahon dito, kaya agad ko siyang tinulak.
"Bree?", sumalubong sa'kin ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata, "Bree... anong nangyari sa'yo? Nabalitaan ko na lang isang araw na kinidnap ka ng isang serial killer. Akala ko hindi na kita mahahanap!", lumapit pa siya sa'kin para hawakan ang magkabila kong pisngi sabay tinitigan ako, "Buti ligtas ka. Huwag kang mag-alala, nahuli na iyong kumidnap sa'yo. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinutulungan kanina pero nahuli na siya. Saglit at...", naguguluhan siyang napalinga sa paligid, "Tatawagan ko si Mayor. Nag-aalala na ang mga magulang mo."
Nataranta ako sa kanyang sinaad kaya nasapak ko siya, "Izak!"
Napahawak siya sa kanyang gilid ng labi na ngayon ay dumudugo na, "Bree?", binigyan niya ako ng nagtatakang mga tingin.
"Hindi ako kinidnap ni Rant at tumakas ako mula kay Julius!", mabilis kong paliwanag sa kanya.
Kitang kita ko ang kaguluhan sa ilalim ng kanyang mga mata, "Izak, maniwala ka sa'kin."
"H-hindi ko maintindihan?"
"Nahuli si Rant nang dahil sa'yo!", hindi ko napigilang bulalas sa kanya, "Nasaan siya? Saan nila siya dinala? Anong hospital?"
"Sa St. Therese Hospital, doon naman dinadala ang mga pasyente. Kahit pa mga sugatang kriminal."
Mabilis akong naglakad paalis, papunta sa hospital, patungo sa kung anumang sasakyang pwede kong gamitin.
Hindi pwedeng mahuli si Rant. Kung mahuhuli lang din naman siya, mas mabuti pang sabay na kaming mahuli!
Nawala ako mula sa kaka-isip nang hablutin ni Izak ang aking braso, nagkaharap muli kami, "Bree anong nangyayari? Saan ka pupunta?", bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Kasalanan mo ang lahat! Dahil sa'yo kaya nahuli si Rant! Hindi ka mapagkaka-tiwalaan! Bitawan mo ako!"
"Sinong Rant ba iyon? Sinong tinutukoy mo?"
"Si Rant! Iyong akala mo kinidnap ako!"
"What? But that guy is a serial killer! Madami na siyang napatay. Ang katunayan ay siya ang suspect ng mga nawawalang kalalakihan at ilang mga kababaihan. He is being tracked by the bureau. Isa ka sa target niya kaya ka niya kinidnap mula sa mansiyon ninyo."
"I don't have time for this Izak!", winaglit ko ang kamay niya mula sa'kin. Mabilis ulit akong naglakad palayo pero hindi niya ako tinitigilan.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...