The Psychopath_08: Run! Run! Run!

3.9K 147 7
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Hoy! Buksan niyo nga 'to!", paulit-ulit na katok ng istorbong pulis.

Binuksan ko na iyong bintana dito sa gilid ko kung saan siya kumakatok, at binigyan ko siya ng isang napaka-samang tingin. Sa totoo lang, ganito talaga kasama ang tingin ko sa mga pulis. Normal na iyan.

Itinutok niya sa'min ang mapanilaw niyang flashlight kaya napapikit-pikit ako.

"Ano ba?", reklamo ko. "Wala naman kaming ginagawa rito!"

Pinatay niya na 'yong flashlight. "E bakit kayo nag-park dito sa tapat mismo ng station? Gabing gabi na!", mapang-dudang bulalas niya.

"Nag-chi-chill lang kami manong!", depensa ni Bree.

"Anong klaseng chill iyan ha? Drugs? Sex? Pambihira, sa tapat pa talaga ng pulis station!"

"Chill lang...", ulit ni Bree sabay taas sa palad niya bilang tanda ng kunyareng pagsuko. "Walang drugs dito, at lalong, pft, sex? The heck?", binato pa niya ako ng nandidiring tingin... Makyu!

Anong akala ng babaeng ito? Adik ako sa sex? Mamamatay tao lang ako pero berhen pa ako sa kama! Besides, nakakadiri iyon! Parang gusto kong masuka! I hate humans, that's why!

"Ah basta! Umuwi na kayo!"

"Right. Manong. Uuwi na kami. Mamaya. Bukas.", nauutal na sagot naman ni Bree.

"Ilang taon na kayo? Alam niyong may curfew ang mga minors, kung gusto niyong palagpasin ko 'to, umuwi na kayo! Ngayon na.", giit pa rin niya.

"18 na kami manong, 'di na kami minor.", depensa pa rin ni Bree.

"18? Nasaan ID niyo?"

Paktay tayo niyan!

"Ahm, meron ata dito, wait lang manong hanapin ko..."

Napansin kong titig na titig ang pulis na iyan kay Bree, kanina pa... isang manyak din ito e!

"Geh, uwi na lang kami.", saad ko na lang sabay pina-andar ko na ang kotse.

"Teka nga, parang kilala kita e!", dinuro pa niya si Bree.

Napakunot noo akong lumingon kay Bree na halatang kinakabahan na...

"Nakita na kita kung saan...", pilit niyang kinilatis ang itsura ni Bree habang hindi na siya makagalaw at makatingin sa taong pulis na iyan!

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon