- - -
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na kanina pa nakatutok sa'king mukha. Paglingon ko sa paligid ay narito pa rin ako sa munting gubat - nawawala ang anghel ko!
Agad akong tumayo at napatakbo sa kung saan-saan, pinaghahanap si Bree... Natigil din lang ako at bumalik sa may puno, baka hindi ko lang siya nakita sa gilid pero - wala talaga siya!
"Bree!", sigaw ko. Inaasahan kong may sumagot pabalik dahil ni hindi ko alam kung saang direksyon ako tatakbo. "Bree!", inumpisahan kong maglakad... Damn it, saan ba nagpunta iyon? Nahuli ba siya habang tulog ako? "Bree!", paulit-ulit kong sigaw...
Lakad ako nang lakad...
Hanggang sa napansin ko na lang na nag-iba na ang lugar na nilalakaran ko...
Teka, alam ko ang lugar na ito! Naka-punta na ako dito. Pamilyar ang huni ng tawanan ng mga bata, pamilyar ang amoy ng tinapay, pamilyar ang anino ng bahay... Pamilyar ang puno na iyan! Puno ng Camachile. Pero ang tawag ni Sister Tremaine ay Damortis kasi Ilocano siya. Kaya ang tawag namin ni Red ay puno ng Damortis...
Red?...
Nakita ko ang isang batang babae na umaakyat sa puno habang pilit inaabot ang isang tangkay ng Damortis.
Ang lakas ng pakiramdam kong si Red iyon!
"Red! Mahuhulog ka riyan! Bumaba ka!", pagsisigaw ko. Inumpisahan kong maglakad palapit sa puno pero... kahit naka-ilang hakbang na ako ay hindi pa rin ako nakaka-lapit...
Hanggang sa nakita ko siyang nadulas sa isang sanga, at sa sobrang kaba ko ay napatakbo ako bago pa man din siya mahulog!
Takbo ako nang takbo!
Pero hindi ko siya maabot-abot!
"Red! Bumaba ka na kasi riyan!", nag-aalala kong pagsisigaw...
Hindi niya ako naririnig!
Hinihingal na ako sa kaka-takbo... Abot kamay ko na siya pero hindi ko siya mahawakan. Kahit anong pilit ko! Hanggang sa natigil akong tumakbo. Bigong napa-luhod na lang ako dahil sa sobrang pagod, naghi-hingalo ng hangin - at nahulog na nga si Red!
"Red!", tanging sigaw ko!
Wala akong narinig na imik sa kanya - pero dagli siyang humarap sa'kin. Akala ko ay umiiyak na naman siya pero hindi.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Misterio / SuspensoA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...