- - -
Tama naman si Bree. Bakit hindi ko naisip kaagad iyon? Na-nosebleed nga lang ako sa mga pinagsasabi niyang percent percent na 'yon. Kaya mabilis ko siyang binitawan at agad akong natakbo papunta kay kumag.
Nakita ko pa siyang tumalikod at mukhang aalis na siya. Natagalan pa akong habulin siya dahil sa mga humaharang sa'kin. May isang hinatak pa ako sa leeg, tapos ang isa ay hinila pa ako sa tuhod, sabay suntok sa'kin ng isa na naman. Ang ginawa ko, sinipa ko 'yong nakabitin sa tuhod ko, sinapak ko rin iyong nanuntok sa'kin, at hinila ko ang braso ng sumasakal sa'kin tsaka ko binaliktad at binali!
Nakita kong papasok na si green-hair sa loob ng kotse kaya ibinato ko ang dagger sa kanya, at bulls-eye! Bulls-kamay pala! Kasi sa kamay niya tumusok 'yong dagger. Na-stuck tuloy 'yong kamay niya sa pintuan ng sasakyan. Sumigaw siya nang sumigaw! Nakakatawa ang itsura niya dahil sobrang natataranta siya na natatakot na ewan. Binilisan ko pang tumakbo, habang pinagsasapak ko ang mga humaharang, hanggang sa makalapit ako kay green-hair...
Sinubukan pa niyang labanan ako pero mukhang namimilipit na siya sa sakit dahil sa dagger na nakatusok sa likod ng palad niya, agad ko siyang sinapak, tsaka ko mabilis hinatak ang dagger, tsaka ko siya sinikmura. Napaluhod siya sa harapan ko, kaya naman pumwesto ako sa likod niya tsaka ko siya sinabunutan at itinutok ang dagger sa leeg niya.
Nangingiti akong lumingon kay Bree pero pinagpapasa-pasahan na siya niyong mga lalaki! Pota! Ako lang ang may karapatang laruin ang anghel na iyan!
Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa galit...
"Bitawan niyo si Bree, o sasaksakin ko ang kumag na 'to!", hindi ko sinadyang maidiin ang dulo ng dagger sa leeg niya kaya may tumulong dugo mula sa kanya, napasigaw din siya habang pilit na kumakawala siya sa'kin.
Itinayo ko na siya at sinakal tsaka sunod kong itinurok ang dagger sa mata niya, pumikit siya kaagad.
"May collection ako ng mga mata ng tao, baka gusto mong idagdag ko ang mga mata mo?", natatawang banta ko sa kanya.
Nahihingal siyang napamura. "Tang ina! Bitawan mo ako!"
"Hindi pa rin nila binibitawan ang anghel ko...", at inumpisahan kong ibaon ang dulo ng dagger sa talukap ng kanyang mata. Napasigaw ulit siya.
Doon ko na naaninag ang takot sa mga mata at awra ng mga tauhan niya. Basta na lang din nilang binitawan si Bree, nadapa tuloy siya.
"Hinay hinay naman!", banta ko sa nantulak kay Bree. "Pag iyan namatay, ikaw ang isusunod ko."
"Hindi, ok lang ako kuya. Pasasalamatan pa kita.", saad ni Bree na ikina-inis ko lang, napasigaw pa si green-hair dahil naitusok ko na naman pala 'tong dagger. Taenang iyan e!
"Sabihin mo sa kanilang pakawalan na kami.", utos ko sa sinasakal ko.
Tumango naman siya agad. "Sundin niyo ang inuutos niya!", garalgal ang boses niyang sigaw. Nanginginig na rin ang katawan niya.
"Pero Master!", sigaw ng isa.
"Ano? Gusto mo akong mamatay?!", pagalit na bulalas ni green-hair dahilan para manahimik silang lahat.
"Hoy ikaw!", bulalas ko sa isang nasa harapan.
"Ako?", sabay na sagot niyong apat sa harap ni Bree.
"Basta isa sa inyo! Buhatin mo iyang anghel!", utos ko. "Ilagay mo siya sa loob ng sasakyan!", at sinunod naman niya habang, "Nasaan ang susi?", tanong ko kay green-hair.
"N-nasa bulsa ko...", sagot niya.
"Sabihin mo sa kanilang 'wag silang lalapit. Paalisin mo sila, 'yong hindi ko sila nakikita!", utos ko ulit.
"Narinig niyo ang sinabi niya! Alis na muna kayo!", sigaw niya pero nadinig ko siyang bumulong sa mangiyak-ngiyak na tono, "Wag niyo akong iwan..."
Dahan dahan naman silang nagsi-alisan. "Maliban sa'yo!", utos ko sa nambuhat kay Bree at tumigil naman siya. "Ibato mo iyang susi sa kanya.", baling ko sa bihag, "At ikaw, paandarin mo 'yang kotse!", sinunod nila lahat ng inutos ko.
Lumabas naman agad iyong lalaki mula sasakyan, nakita ko sa mga mata niya na mukhang may binabalak siya kaya umatras ako ng limang beses. "Wag mo ituloy binabalak mo, gago, kala mo hindi ko talaga mapapatay 'tong kumag na Master ninyo? Yuko!", banta ko sa kanya pero hindi niya ako sinunod. "Sabing yumuko ka!", ulit ko at hindi ko ulit sinadya na maibaon ang dagger na napasigaw na naman si kumag.
Agad na yumuko 'yong lalaki. "Alis! Hanggang sa hindi ko makita ang anino mo! Alis!", at paunti unti siyang naglakad nang nakayuko.
Pinagmasdan ko muna ang paligid. May mga naaninag pa akong mga anino nila kaya sigurado akong hindi talaga sila umalis at pinapanuod lang kami ngayon. I'm sensing another ambush as soon as pinakawalan ko itong gago.
Lumapit ulit ako sa sasakyan at kinatok ko si Bree. "Hoy! Ano na?!", tanong ko sa kanya. Siya naman may plano nito.
"Malay ko sa'yo! Sabi ko iwan mo na lang ako 'di ba?", pabalang niyang sagot at hindi man lang siya nagalaw mula sa kanyang pagkakahiga sa likod ng driver's seat. Mukhang ine-enjoy niya a, pocha!
"Pakakawalan ko ba 'to o hindi?!", naiinip na ulit ko.
"Hindi kita tutulungan. Bahala ka...", walang emosyon niyang sagot. Kainis!
Biglang tumawa ang bihag ko. "Hindi kayo makakatakas!"
"Bree! Ano ba?! Siguradong nagpa-plano na sila ngayon!", ulit ko.
"Pakawalan mo ako, ano pa ba?!", si kumag ang sumagot.
"Tama, pero mag-iwan ka ng sugat sa kanya, basta 'wag mo siyang patayin.", nakadungaw sa bintana na paliwanag ni Bree. Bakit biglang nagbago isip nito? Sira ulo talaga!
Isinaksak ko ang dagger sa mata ni kumag, tsaka ko siya sinipa palayo, at mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan...
Mabilis pa sa segundo na pinaharurot ko ang sasakyan, at gaya ng inasahan ko, may mga sumunod sa amin...
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...