The Depressed_06: Brawn and Bree

4.6K 160 12
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Kala ko ba makakatakas na tayo?", reklamo ni Rant habang pabilis na pabilis ang pagmamaneho niya na halos mauntog untog ako sa bintana ng sasakyan.

"Duhh? Nakatakas ka na nga 'di ba? Sinama mo pa ako!", sagot ko naman.

"E bakit hinahabol pa rin nila tayo?!"

"E kasi sabi ko, iwan mo na ako 'di ba? Kapag iniwan mo ako, walang maghahabol sa'yo kahit makatakas ka!", bulalas ko sa kanya.

"Ha?!"

"Raulo! Kapag ginamit mo si moss-head na hostage at nag-iwan ka ng sugat sa kanya, at nakatakas ka, at iniwan mo ako, hindi ka na nila hahabulin. Iyong iba, idadala si moss-head para gamutin, iyong matitira sa'kin, para tuluyan na! Pero dahil sinama mo ako, ayan!", paliwanag ko. Sana naman naintindihan niya dahil kung hindi, wala na talaga siyang pag-asa sa mundo! Such an idiot!

"Basta! Akin ka na! Kaya magmula ngayon, isasama kita sa lahat!", walang kwentang argumento niya.

"Fine, basta mangako kang tutuparin mo ang death wish ko!", I bargained.

"Oo, kapag nagsawa na ako.", bumuntong hininga siya. "Papatayin din kita kapag nagsawa na ako sa'yo."

"Ok, good. Inaalay ko na sa'yo ang buhay ko, Kamatayan. Iyong iyo mo na ako.", agad na pagde-desisyon ko.

"Mabuti naman kung ganoon.", nakita ko sa may salamin ang pagngisi niya.

"Mga 60 percent times 25, may 15 katao ang humahabol sa atin ngayon. Sampu ang natira para dalhin si moss-head sa mang-ga-gamot. Hindi sila pupunta sa hospital dahil mga gangsters sila. Hindi rin sila pupunta sa police station dahil takot silang makulong. Right, doon tayo tutungo!", utos ko kay Rant.

"Ako ang pinaka-takot sa mga pulis. Serial killer ako!", pagpapa-alala niya.

"Ahy geez! E saan tayo pupunta?!", tarantang tanong ko.

"Hindi ko alam!"

"Sa police station tayo pupunta! Hindi pa naman nila alam na killer ka 'di ba?"

"Ok! Fine!", at lumiko liko naman siya sa mga dinadaanan namin.

"Wag ka mag-alala. Hindi naman tayo papasok doon e. Tatambay lang tayo sa harap ng station. At magkunwaring sinumbong sila. Para lang tumigil sila at umalis. Kapag wala na sila, tsaka tayo aalis nang tuluyan.", dagdag ko.

"May point ka."

"Ako pa! You're talking to Adira Bree Maya... Ang pinaka-batang national champion sa Game of the Generals. Muntik na akong naging internatio-"

"Ang daldal mo pala talaga ano?!", iritadong akusa niya sa'kin.

"Hindi ako madaldal. Tahimik talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako dumadaldal sa'yo...", pabulong na depensa ko.

"Psh, daming alam."

Lumingon ako sa paligid at mukhang malapit na kami sa mga pulis, nilingon ko rin sa likod at mukhang palayo kami nang palayo mula sa kanila, o 'di naman kaya napansin na nila kung saan kami pupunta kaya binagalan na nila ang takbo ng kanilang mga motor at kotse.

"Mukang effective ang plano mo.", pansin din ni Rant.

"Basic lang naman iyan. Kahit sino alam ang ganyang taktika. Ikaw lang ata hindi nakaka-alam, idiot."

"Nambu-bwisit ka ba?"

Hindi ko na siya sinagot. Nakaka-ewan kapag pinatulan ko pa.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa police station. May mga tao naman akong nakita na nasa loob, kahit gabi na. May mga taong pagala-gala rin. Pero hindi naman gaanong kadami.

Doon sa lumang Chinese town, walang katao-tao doon dahil under renovation ang street na iyon. Dito naman ay kalahating buhay pa ang lugar. Nawala na ang kaba at takot ko. Napalitan nga lang ng ibang klaseng takot... Takot na baka kapag nakita ako ng mga pulis ay agad na ipagsabi nila sa mga magulag ko kung nasaan ako.

"Oh ano? Papasok ba tayo diyan?", habang nagmasid masid ang paningin ni Rant sa labas.

"Wag na lang pala. Dito na lang tayo."

"Sabi mo e."

"Nasa paligid pa rin sila."

"Sino?"

"Siguradong pinalibutan nila ang street na ito. Let's wait until their guard is down..."

At tumahimik na sa pagitan namin...

Wala pa sigurong isang minuto nang mabagot ako sa nakakabinging katahimikan kaya napasinghal ako.

"Tanggalin mo na nga itong mga nakatali sa'kin...", tukoy ko sa mga paa at kamay ko. Sanay na akong nasasaktan pero masyado nang mahapdi!

Hinarap naman ako ni Rant at inumpisahan niyang buhulin ang tali sa kamay ko. "Hindi ka naman siguro tatakas at basta na lang i-report ako diyan?", tukoy niya sa mga pulis.

"Hindi! Ayo'ko rin sa mga pulis!", at natanggal ang tali. Ako na ang sumunod na tumanggal sa tali sa aking paa. Nang matapos ako ay nagtungo ako sa harapan, sa tabi ng driver's seat.

Wala pang isang minutong naupo ako pero nakakabagot talaga dahil hindi man lang magsalita si Rant. Ako na ang nag-umpisa sa convo.

"Gusto mong pakinggan ang favorite song ko?", hamon ko sa kanya at nilingon naman niya ako ng isang matalim na tingin.

"Guess what? BTS 'yan 'noh?"

"Fakeuh loovee!", paulit ulit na kanta ko dahil iyon lang naman ang lyrics na kaya kong bigkasin. "Fakeuh loovvee!", sabay kumintang kintang pa ako. "Fakeuh loove!"

"Tama na!", iritadong bulalas niya.

"Wala akong bias dahil crush ko silang lahat. Pangarap kong makapunta sa isa sa mga concerts nila.", nasisiyahan kong kwento sa kanya.

"At nagpapakamatay ka talaga sa lagay na iyan!", sarkastiko niyang tukoy.

Nagmuktol na lang ako. Ano pa bang inaasahan ko? Palagi namang ganyan e! Palagi na lang akong nahuhusgahan... "Hindi mo alam ang kwento ko!", mahinang depensa ko.

"Wala akong pake!"

"Fine.", pinagsa-walang bahala ko na lang. Sanay na ako. "Pakinggan mo itong favorite song ko.", at binuksan ko ang aking cellphone tsaka pinatugtog ang tinutukoy kong kanta.

Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni Kamatayan... at mukhang maiiyak na nga siya.

Mission accomplished.

Gusto ko siyang paiyakin. Mwehehehe...


- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon