- - -
"Umalis ka diyan. Hindi mo pagmamay-ari ang libingang iyan!", bulalas ko sa kanya."Eh kanino? Sa'yo? Ililibing mo rin ang sarili mo nang buhay?"
Hindi ko talaga mapagtanto ang kanyang emosyon sa tono ng boses niya. Hindi ko alam kung nagiging sarkastiko ba siya sa'kin o talagang may sayad lang siya sa utak!
Bumangon siya at nalaglag ang hood niya sa kanyang likod. Doon ko tuluyang nakita ang kanyang pagmumukha. Mukha siyang mangkukulam!
Inabot niya sa'kin ang kamay niya na ikinataka ko.
"Hatakin mo ako!", walang emosyon niyang utos. Ako lang ba 'to? O sadyang wala talaga siyang kaemo-emosyon? Hindi siya natatakot sa'kin?
"Paano ako makaka-alis dito kung hindi mo ako tutulungan ha?", nakakabwisit na dagdag pa niya.
Inabot ko na lang ang kamay niya, at hinatak ko siya pataas.
Nang bigla na lang na may kung anong tumulak sa akin at nadulas ako. Dahil hawak ko pa siya ay napunta sa'kin ang kanyang bigat, at natumba ako sa lupa... kasama ko siyang natumba kaya naman nadapa ang katawan ng nilalang na ito sa katawan ko! Taena!
Sumakit ang likod at ulo ko dahil sa pagbagsak ko!
At tuluyan ko nang nasilayan ang pagmumukha ng nilalang na ito, dahil sa sobrang lapit na niya! Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa pisngi ko. Damn it!
"Ang gwapo pala ni Kamatayan.", sambit niya habang nakatitig sa'kin. Napakunot noo ako, sino raw?
Mukha talaga siyang mangkukulam! Ang gulo ng buhok, ang lalim ng itim na mata, ang puti masyado, wala man lang kabuhay buhay ang pisngi niya! Para siyang isang kaluluwa na pagala gala...
Shit! 'Di kaya...
Tinulak ko na siya...
"Multo!", bulalas ko. "Isa kang multo!", akusa ko sa kanya tsaka ako dagling lumayo.
"Raulo, hindi ako multo! Ikaw ang multo!", sabi niya tsaka siya tumayo.
Tumayo na rin ako at umakyat. Nahulog pala kami dito sa ilalim ng binungkal ko. Muli ko siyang pinagmasdan at sinubukan niya ring umakyat. Wala ata siyang lakas para buhatin ang sarili niya. Kaya inabot ko na ang palad ko.
Napagtanto kong hindi nga siya multo, kahit na sobrang gaan niya, mukha lang talaga siyang multo.
"Salamat!", walang emosyon pa rin niyang tukoy nang makalabas na siya mula sa libingan.
"Umuwi ka na bata! Hindi ito ang tamang lugar para gumala.", saad ko. Kinuha ko iyong itak na nahulog ko kanina at pinagpatuloy kong magbungkal. Pinagtataga ko iyong ugat ng halaman.
"Anong ginagawa mo?", tanong niya.
Hindi ko siya pinansin. Wala akong balak pansinin siya.
Natanggal ko na iyong ugat at sunod akong nagbungkal ulit. Nang akala ko umalis na iyong babae pero... "Ok na iyan. Malalim na! Kasya na 'yong maleta."
Nilingon ko siyang nagtataka. At pinapanuod niya pala ako, naka-indian seat pa siya na parang nanunuod lang ng movie sa bahay. Paano niya nalaman ang pakay ko? Hindi ko pa rin siya pinansin at pinagpatuloy ko lang magbungkal.
Nang matapos ako ay kinuha ko iyong maleta at ibinato ko sa ilalim. Tsaka ko sunod na inilibing. For good.
Nang matapos ako ay nagpahinga ako saglit. Umupo ako sa isang puntod.
"Hulaan ko kung ano ang nasa maleta.", biglang dinig ko. Nilingon ko iyong nagsalita at hindi ko akalaing nariyan pa rin ang nilalang na iyan! Naka-upo siya sa isang puntod na mas mataas sa kinauupuan ko kaya tiningala ko siya.
Naaninag ko ang isang ilaw na lumiliwanag sa kanyang likod. Parang tuloy siyang isang alitaptap sa loob ng kanyang itim na pananamit, naka-hood pa siya at nakapamulsa sa kanyang jacket. Hindi siya multo, hindi siya mangkukulam, bampira ba siya?
"Anong klase kang nilalang?", hindi ko napigilang tanong ko.
Matagal siyang sumagot at nakatingin siya sa malayo. Hindi ba niya ako narinig?
"Kako, anong klase kang---"
"Isang anghel.", malamig na sagot niya.
Shit! Kinilabutan ako. Bigla akong natakot sa kanya. Narito ba siya para parusahan ako?
Nang bigla siyang lumingon sa'kin kaya napagtanto kong titig na titig pala ako sa kanya, nagtama ang mga mata namin... Walang kahit na anong emosyon sa mga mata niya, pero nakita ko na dati ang ganyang mga mata...
Ganyan ang itsura ng mata ng mga tao kapag napatay ko na...
Her eyes are dead! They're dead! This girl is as good as dead! Or is she really dead?
Natawa ako bigla! Baka nga anghel siya...
"Bakit ka natawa?", tanong niya.
"Ganyan pala ang itsura ng mga anghel.", sagot ko.
Narinig ko siyang humingang malalim at... "Ganyan pala ang itsura ni Kamatayan."
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...