- - -
"What's with you and that guy?", biglang basag ni Izak sa katahimikang namuo sa aming dalawa.
Nandito kami ngayon sa Minimart. Dalawang liko mula sa hotel. Bukas ito 24/7 kaya dito kami nagtungo. Maliit lang ang lugar pero sari-sari ang binebenta. Maliban na lang sa pagkain. Namimili lang ako rito ng mga tee-shirt. Hindi na kailangang pag-isipan, basta kung ano na lang. Mukhang unisex naman ang mga ito at para sa mga travellers talaga. Shorts lang din ang mayroon dito. 'Yong adjustable sa kahit anong size. Great.
"Wala.", sagot ko kay Izak.
"Wala? You look so close together?"
Bumuntong hininga ako bilang na rin pagpapahiwatig na ayoko sa usapan.
"Hindi ako makapaniwalang mahahanap pa kita. Dati sa TV lang kita nakikita. Mukhang masaya ka kapag lumalabas ka sa TV kasama ang bago mong pamilya. Tingin ko dati, napaka-swerte mo at inampon ka ng pinaka-mayaman at-", napabuntong hininga siya at umiling-iling. "I should have thought. Kung alam ko lang Bree. Sana may nagawa ako para tulungan ka."
Ang daldal din nito. Dati tahimik lang siya ah. Pero pitong taon nga naman ang lumipas. Everyone changes over time I guess.
Natigil ako mula sa kakatingin ng mga damit dahil sa pananahimik ni Izak. Nagitla na lang ako nang matagpuan ko ang kanyang mga matang napako sa'kin. Nakasandal ang kanyang mga braso sa mga damit, habang pinagmamasdan pala ako. Kanina pa ba?
"Alam mo, matutuwa si Neomi kapag nakita ka niya ngayon.", nginitian ko siya.
Kunot noo ang kanyang sinagot tsaka ko siya nilagpasan para magtungo na sa mga shorts.
Natigil muli ako nang marinig ko ang mga pamilyar na kaganapan... sa TV... May malaking TV kasi sa may harapan ng Cashier. Kanina pa iyon na maingay... At... Ang kaganapan sa San Antonio Bridge ang laman ng balita.
"Wala si Mayor dito kaya umalis na kayo!", sigaw ng isang guard sa labas ng gate ng Celegriña Mansyon.
"Tingin ko, dahil malapit na ang eleksyon kaya nagawang i-ambush si Mayor ng mga kalaban niya.", pahayag ng isang pulis.
"Ngunit ano po ba ang nakikita ninyong pakay ng mga kawatan na sumalubong kina Mayor?", desperadong tanong ng isang reporter.
"Ano pa ba? Tsaka sinu-sino ba ang mga tumatakbong Mayor ng Hemetria City? Sigurado akong malamang isa sa kanila ang may gustong pabagsakin ang ating butihing Mayor na si Mayor Julius Celegriña.", saad ni Gabriello Celegriña, siya 'yong kapatid ni Julius na walang ibang ginawa kundi sumipsip sa kayamanan ng kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...