- - -
Sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Nasisilaw ako. Pinilit kong bumangon. Pinagmasdan ko ang paligid, at nasa isang maputing silid ako. May salamin sa gitna, at sa kanan ko ang pintuan.
Kinabahan ako. Agad akong nagtungo sa pintuan at sinubukang buksan. Hindi ko siya mabuksan. Wala itong doorknob. I pounded hard on the door, gusto kong sumigaw pero mas pinili kong i-konserba ang enerhiya. Sunod akong nagtungo sa salamin. Wala akong makita sa labas! Lalo akong kinabahan!
My heart is beating so fast and loud, it's all I can hear in this room.
Nang wala pa ring sumasagot sa'kin ay napa-luhod ako. I stared blankly at the wall.
"Tulong.", I whispered, pero mas malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. "Rant. Tulong.", bulong ko pa rin, hinahangad kong itangay ng hangin ang bulong kong ito at mapadpad sa kung nasaan si Rant.
Nasaan na nga ba si Rant?
The room is an enclosed space, even wind is not present.
Doon na ako sumigaw... Ang buong lakas at boses ko, aking ginamit sa paulit-ulit na pagsigaw.
"Tulong! Rant! Tulong! Tulungan mo ako! Rant nasaan ka? Rant?!"
Naubos ang aking boses, hindi ko na alam kung ilang oras na ako sumisigaw. Wala na akong alam. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung buhay pa si Rant.
Kasalanan ko ito.
I insisted on taking revenge against Julius Celegriña. I was willing to put my life on the line. Yelloe and Izak are not willing to put their life on the line. Rant... I don't want Rant to die. Pero bakit ko ipinagpatuloy ang plano?
Gusto kong masira si Julius. But along with him, more stronger group of people are now running after me. Nadamay doon sina Yelloe at Izak.
Izak...
Okay lang ba si Izak? Duguan ang buong katawan niya. He was drowned in his own blood. Pero okay lang siya, sigurado. Malakas siya. Kung tutuusin, mas madami pang panahon na mas malakas si Izak kaysa kay Rant.
"Tulong! Rant!"
Nawalan ako ng lakas. Pero hindi ako tumigil, kahit binubulong ko na lang ang mga salitang ito. Nahiga ako sa sahig, at nakatulog.
Nagising akong ganoon pa rin ang pwesto. Nahihilo akong inangat ang ulo dahil may kung sinong pinagmamasdan ako. And then two men grab my arms and drag me to stand up. Doon ko na nakita ang mukha ng isang babae.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...