The Psychopath_37: Red Riding Hood and the Wolf

1.8K 68 9
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- - -

Nagtungo kami sa Tunnel. Iyong daanan patungo sa pinuntahan na naming bahay-ampunan. Kung saan ako nadakip, kung saan madaming nakaka-iritang mga bata!

Pupuntahan daw namin si Sister Hendra. Wala pa rin talaga akong tiwala sa mga madre. Tingin ko, siya ang may pakana sa pagkasunog ng bahay-ampunan.

"May malasakit si Sister Hendra sa mga bata. Hindi niya magagawang ipahamak sila.", pagtatanggol ni Bree sa kanya.

"Oo nga. Pero tingnan mo ang ginawa niya sa'yo. Hinayaan ka niyang mapunta doon kay Julius at kung anumang ginawa niya kay Neomi!"

"Si Julius Celegriña ang pumatay kay Neomi."

Tumahimik na lang ako. Matagal ko nang tanggap na hindi ako mananalo sa anghel ko.

Nagpapahinga kami rito sa may Tunnel. Sa labas nito, malamang, kung saan kita namin ang mga ilaw sa syudad. Andaming nangyari at sa sobrang sakit ng aking katawan, himalang nakarating pa kami rito ni Bree habang nagtatago sa mga tao. Madali lang naman magtago dahil ang daan patungo rito ay madilim at walang masyadong tao.

Naka-upo na lang kami sa damuhan. Bukas ay siguradong lalakarin na namin ang daan papuntang bahay-ampunan. Bakit kasi kailangan pa niyang makita si Sister Hendra?!

"Paano kung hindi pala ako ang kakambal mo, Rant?"

Kita mo? Kung anu-ano tinatanong niya. Dahil lang ito sa pagod, sigurado. I squeezed her unto my arms.

"Wala akong pake-alam sa kung sino ka. Basta akin ka, 'yon na 'yon."

"Alam mo ba..."

Napakunot noo ako. Ayan na naman tayo. May sasabihin na naman siyang hindi ko maiintindihan.

"Bawal magmahalan ang mga magkapatid."

"Ha?"

"Ang tawag doon ay incest. Kapag 'yong magkapatid ay nagmamahalan nang higit pa sa magkapatid."

"Hindi kita maintindihan."

"Nga naman.", bumuntong hininga siya. "It was just some rules that humans made anyway."

"I can break every rule for you Bree."

"Even the rules of Physics?"

Napakunot noo na naman ako.

"I mean, no one can break the rule of gravity for example."

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon