The Psychopath_32: Storm before Storm

2.1K 67 10
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Kuya!", masayang sumalubong sa'kin si Red. Kagagaling lang namin ng bayan ni Sister Tremaine. Namili kami ng mga pagkain. Gusto niyang sumama kanina pero hindi siya pinayagan dahil may lagnat siya.


"Red. Ayos ka na ba?", pinakiramdaman ko ang init niya sa kanyang noo.

"Upo.", nangingiti siyang tumango kahit na ang totoo ay mainit pa rin siya. "Tingnan mo kuya! Ginawan kita ng bracelet!"

Nginitian ko siya sabay kuha sa bracelet. It was made of yarn in red and black color. May apat na beads ang nakalagay sa pagitan nito.

W. O. L. F.

"Wolf.", mahinang pagbasa ko sa mga letrang magkakasunod.


Napabalingkwas ako ng bangon. Nanlalabo ang aking paningin nang unti-unti akong mamulat. Nahihilo ako pero ramdam ko ang paghaplos sa'kin ng mga maiinit na kamay. Hanggang sa may kung sinong hinawakan ako sa buong mukha at tila ba tinititigan ako.

Red?

Tama ba ang nakikita ko?

"Ikaw si Red..."

Boses. Nag-e-echo ang boses sa paligid. Tila ba nasa isang madilim na tunnel ako.

"Red Riding Hood."

Anong ibig niyang sabihin?

"At ikaw naman... Wolf ang pangalan mo."

Wolf? 'Yon 'yong nasa bracelet...

"Magkakambal kayo."

"Rant!", halos mabingi ako sa biglang pagsigaw ng kung sinumang nasa harapan ko.

Pahirapan ko siyang tinitigan sa kabila ng pananakit ng aking ulo.

Si Red...

"Rant! Inumin mo itong gamot.", naramdaman ko ang pagka-taranta niya sa kanyang boses.

Sinunod ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero may tiwala ako sa kanya.

Lalo na nang papikit na akong muli ay idinampi niya ang labi sa'king noo. "It's okay. Rant, it's okay, I'm here."

Niyakap ko siya... Nang sobrang higpit. Ayo'ko na siyang pakawalan muli...

Nagising akong naninikip ang dibdib. Agad naman akong inalalayan ni Saging na sumandal sa headboard ng kama.

"Gising ka na.", nginitian niya ako. "Saglit, kunin ko lang pagkain mo.", at nagtungo na siya sa may mini-sala.

Mas magaan na pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman sinubukan kong tumayo mula sa kama. Tsaka ko lang napansin sina Bree at Unggoy nang pabalik na si Saging dala mga naka-plastic na mga tinapay.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon