- - -
"Ayo'ko na!", bulalas ko. Naiinis lang ako kasi kanina pa kami rito. Hindi ko man lang siya matalo ni isang beses! Naka-ilang round na kami. Nababagot na rin ako!
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya at naka-tuon ang paningin sa mga chess pieces.
"Sabi ko ayo'ko na!", reklamo ko ulit.
Hindi pa rin siya sumagot.
"Bree, matagal pa ba kayo diyan? Nababagot na ako, antok na rin ako. Kanina pa kayo diyan eh~", maarteng sabat ni Saging. "Ilang oras na!"
"Isa pa Rant.", mahinang saad ni Bree na tila hindi pinansin si Saging. Hindi rin siya lumilingon sa'kin. Inayos niyang muli ang mga chess pieces.
Bumuntong hininga ako upang umangal. "Sabing ayo'ko na 'di ba?"
"Ayaw mo na sa'kin babe?", biglang panunuyo na naman niya sabay titig pa sa'kin. Damn it!
"Palagi ka namang panalo e!", iritado kong saad.
"Ayaw mong makuha ang premyo mo kapag natalo mo ako?", mapang-akit na naman ang boses niya. Alam ba niyang iyan ang kahinaan ko? Oo, siguradong alam niya, at ginagamit niya iyan para pasunurin ako! Paano ko ba kasi iyan lalabanan? Kainis!
"Ayo'ko na~ Itigil niyo na 'yaaan~", bagot na bulalas ni Saging.
"Pero gusto kong maglaro eh!", parang batang pilit pa rin ni Bree.
"Oo na!", sa inis ay nakamot ko na lang ang ulo.
Bumalik ang seryosong mukha ni Bree sabay pinanlisikan niya ako ng mata. Nang matapos na maayos ang mga chess pieces ay inumpisahan niyang igalaw ang pawn. Tinuruan niya ako kanina kung paano ang galaw ng bawat pyeso, pero paminsan-minsan ay nakakalimutan ko, dahilan para lalo lang akong naiinis!
Pinagpatuloy namin ang laro na walang umiimik. Napaka-seryoso niya! At ako rin naman, umaasa pa rin ako sa pangalawang halik! Pero sa tingin ko, pinagbi-bigyan niya lang ako para humaba ang laro. Tipong aabot hanggang sa wala na akong mga pyeso at iyong King na lang ang matitira. Putspa naman! Ilang beses nang ganoon!
"Ayo'ko na!", biglang bulalas ni Saging na nagitla ako. "Tutulog na lang muna ako. Good night guys! 'Wag muna kayong magse-sex. 'Yong usapan natin Bree, tuparin mo 'yon! Bye~"
Natahimik muna sa pagitan namin ni Bree. Buong atensyon pa rin siya sa chessboard. Siya na kasi ang susunod na gagalaw. Mukhang pinag-iisipan pa niya.
Ilang saglit pa ang nakalipas at bigla siyang humingang malalim. "Gonggong talaga, bakit 'di mo kinain ito?", kunot-noong saad niya sabay pitik sa black knight. Tumalsik iyon palabas ng kama. "Di ba, dapat kinain nitong knight 'yong rook ko?", umiling-iling pa siya. Tsaka siya maangas na tumayo sa sahig at nag-unat-unat ng katawan, "Yelloe? Yelloe? Yoohoo?", sabay tawag niya.
Naiinis ako! Mula sa sinabi niyang gonggong ako, hanggang sa hindi niya pagpansin sa'kin ngayon. Ginulo ko ang ang mga pyeso sa chessboard sa sobrang pagka-irita!
"Mukang tulog na si Yelloe.", mahinang sabi niya sabay harap sa'kin. Seryoso ulit ang mukha niya at gaya ng dating walang buhay ang mga mata, "Oh? Ba't 'di maipinta ang mukha mo diyan?"
Hindi ko siya pinansin at nag-iwas ako ng tingin...
"Kailangan na nating sirain ang mga camera bago pa siya magising. Hindi ko tinanong kung ilang oras siya natutulog. Pero sapat na ang fifteen minutes para masira ang mga camera. Naalala mo naman 'yong tinuro ko sa'yong mga bagay 'di ba?"
Paglingon ko sa kanya ay naka-talikod na siya sa'kin habang hawak-hawak ang laruang katana. Nagitla ako nang ihampas niya iyon sa isang babasaging vase!
"Anong ginagawa mo?", inis ko pa ring tanong.
Nabasag na nga iyon pero maraming beses pa rin niyang pinaghahampas ang mga pira-piraso nito na tila ba ay galit siya!
Nang matapos ay hinihingal na hinarap niya ako. Sa isang segundo ay parang bang nakita ko ang sarili sa kanyang anyo. Hindi ko sinadyang mapa-ngisi. Nakahanap na nga ata talaga ako ng katapat!
"Lalabas tayo rito Rant. Isang bitag ang gagawin natin para kay Yelloe para wala siyang ibang magagawa kundi buksan iyang pinto.", mayabang niyang paliwanag sabay turo sa pinto gamit ang dulo ng katana. Naka-puting polo pero napaka-dark ng aking anghel!
Ngingisi tuloy akong tumayo sa sahig at lumapit sa kanya. "Ok then. Ako nang bahala.", tsaka ko inagaw ang katana mula sa kanyang kamay. Saglit na nagkatitigan kami nang maglapit ang aming katawan, tsaka ko siya mariing tinulak palayo. Umupo siya sa kama.
Inumpisahan kong binasag ang mga magkaka-sunod na vase. Doon ko na nakita ang mga kakaibang maliliit na bagay na tumatalsik kung saan, iyon ang aking mga lubos na pinag-diskitahan.
Nang matapos ako roon ay tsaka tinuro ni Bree ang iba pang mga bagay. Alam kong hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat niya kaya marahil ay mas gusto niyang naka-upo lang sa kama. Hindi naman ako magre-reklamo. Dapat lang na makapag-pahinga na ang anghel ko.
Pinagpatuloy ko ang paninira. Natagalan ako dahil iyong iba ay mga matitigas na kahoy na kinailangan ko pang bali-baliin. Halos bawat sulok ng silid ay nagkalat na ng mga pira-piraso.
"Ano pa?", tanong kong hinihingal na.
Tinuro niya iyong chandelier na nasa kanyang tuktok.
Gumilid siya palayo at pumatong ako sa kama upang maabot ang chandelier. Hinampas ko ang katana doon at tila ice iyon na nabasag at nagsihulugan ang mga piraso. Hinanap ko ulit iyong kakaibang bagay na parang lens ng camera at paulit-ulit ko iyon na winawasak.
"Isa na lang.", saad ni Bree.
Tinuro niya ang headboard ng kama.
"Pero hindi natin iyan sisirain. Diyan naka-lagay ang audio-recorder.", dagdag niya.
Tumango lang ako. Sunod niyang ipinang-takip ang makapal na kumot doon sa headboard.
"On to our next step. Hintayin natin na magising si Yelloe."
"Tapos ano na?", nagtatakang tanong ko.
Seryoso siyang sumagot, "Pwede na tayong mag-sex."
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...