- - -
"Ah wait, alam kong pagod kayo kaya take your time muna. You can eat then sleep first. Tapos, may bathroom din diyan sa loob ng kwarto kaya feel free to get refreshed! Gusto ko, full force! Baby Rant, gusto ko 'yong... ugh, ugh! Full force!", tumawa pa siya.
"What? Anong pinagsasabi niya?", naguguluhang bulalas naman ni Bree.
"Malay ko!", agad na sagot ko. Hindi, ah... alam ko talaga... Naalala ko na ang utang na sinasabi niya. Pero alangan namang sabihin ko iyon nang lantaran kay Bree?
Aking anghel, gusto niya tayong mag-sex. Gusto mo ba?
Dapak! Napa-iling-iling ako. Hindi, mali...
B-bree, ikakama kita, maghubad ka!
No! Para akong ewan!
Sex daw tayo. Taena!
What, masyadong blunt! Paano ko ba ipapaliwanag?
Ahm, kasi ano, h-hindi naman sa gusto ko pero, ikaw? Kung gusto mo, edi, gusto ko na rin. Sex tayo?
Sinong matino ang magsasabi ng ganoon? Stop thinking Rant! Hindi ikaw ang taong nag-iisip!
Napa-sabunot ako sa sarili dahil sa pagka-lito, nagitla na lang ako nang tapikin ako ni Bree at deretsong tumitig sa'kin! Damn!
"Rant, gawin mo na.", malalim ang mga mata niya habang binibigkas iyon, tila mapanuyo! Oh, shit.
"H-ha? G-gusto mo?", napa-lunok ako, tama ba ang nakikita ko?
"Gusto kong makalabas dito, ano pa ba?", she shrugged then raised her eyebrows. "Umpisahan mo nang gawin. Matagal ba kasing gawin iyon?"
Umiling ako. "M-malay ko!", napa-pikit na lang akong parang ewan dahil bakas sa boses ko ang kaba, matinis kasi na tumaas! Oh damn! Bakit ganito?
Naramdaman ko ang paghaplos ng isang palad sa noo ko. Pagmulat ko ay sobrang lapit na ni Bree, "Nilalagnat ka ba?", agad akong napalayo at, shit! Nabangga tuloy ako sa pader! Nauntog ang aking noo at bumagsak pa ako sa sahig. Nauna ang aking pwet! Pota!
"Nababaliw ka na naman!", bulalas ni Bree.
Nahiya at nataranta akong tumayo, nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nag-tungo ako sa malaking sofa sa kabilang dingding. "Wag mo kasi akong hawakan!", kunwaring naiinis kong bato sa kanya. Ang totoo niyan ay parang... mapapaso ako kapag hinawakan niya ako!
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Misterio / SuspensoA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...