The Depressed_01: Demons and Angels

9.4K 258 17
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Ikaw babae ka! May kinakalantaryo ka pala!", sigaw ni manong. Manipis lang ang pader na pagitan ng kwarto namin. Minsan nadidinig kong umuungol 'yong asawa niya kapag wala siya. Apparently, nahuli na ang babae sa kakatian niya. Narinig ko silang nagsisigawan. Naisip kong 'wag na lang sanang pansinin pero iyong mga anak nila ay nag-iiyakan na, at mukhang nagkakabasagan na sila ng mga kung ano.

Bumuntong hininga na lang ako at pinilit kong isarado ang tainga. Hindi iyon madali para sa'kin. Pakiramdam ko, dinig ko ang bawat hinaing ng bawat tao sa bawat mundo ng bawat universe! Ang ingay ingay!

Napagtanto kong nakatulog pala ako. Inasahan kong hindi na ako gigising sa impyernong ito pero mali na naman. Sinubukan kong gumalaw pero kada isang galaw ko ay parang umiikot ang mundo, parang akong nasa umiikot ikot na sira sirang roller coaster at ilang segundo na lang ay mahuhulog na ako. Kumikirot din sa bawat parte ng katawan ko na parang bang ilang beses akong nasaksak!

Ah, naalala ko na. Naglaslas nga pala ako...

Pahirapan kong hinanap ang aking cellphone na kadalasan ay katabi ko lang, at tiningnan ko kung anong oras na. Malabo. Hindi ko mabasa. Hilong hilo ako na... tuluyan na akong nasuka! Geez!

Nang matapos akong masuka ay bumangon na ako. Nagkalat ang paligid na gaya ng dati. Madilim at tanging ang napupunding lampside ang umiilaw. Pero kabisado ko na ang maliit na appartment na 'to kahit nakapikit kaya nagtungo ako sa banyo, na pagewang gewang. Sinindi ko ang ilaw. Nilinis ko ang dugo na tumulo sa braso ko. Tsaka ako naghilamos.

Tiningnan ko ang sarili saglit sa salamin... parang hindi ako 'to. Parang kaluluwa ko na lang ito. Dark circles around my eyes, cheekbones na lumilitaw dahil tig-isang cup noodles lang ang nakakain ko kada isang araw, magulong buhok na ilang buwan ko nang hindi nasuklayan, pale skin dahil hindi pa ako lumabas simula nang lumipat ako dito...

Tingin ko, malapit na lang rin naman akong mamatay... kaya nagbihis na ako. Ayo'ko namang madatnan nila ang nabubulok kong katawan dito. Kaya lumabas na ako at kailangan kong makarating sa sementeryo bago pa man din ako matuluyan...

Naglakad lang ako patungong sementeryo. Tumingin ako sa cellphone at 3:13 AM na! Dalawang oras akong naglakad kahit na ito ang pinaka-malapit na sementeryo dito sa syudad mula sa appartment. Anlayo pala!

Sa tuktok ng mga puntod ako sunod na dumaan para masulyapan ko ang kabuuan ng lugar. Sobrang madilim pero maliwanag naman ang buwan. Tahimik rin maliban sa mga huni ng uwak, insekto, palaka, at nagkikiskisang mga dahon. Isang gubat ang sementeryong ito, at makaluma na kung tutuusin. Mas madami nang nga puntod kaysa puno. Butas butas na rin ang mga puntod, at may kaonting amoy sa hangin ng nabubulok na katawan. May mga napaglipasang kandila rin sa mga puntod na nadaanan ko.

Umakyat ako sa patag na sementadong bubong ng isang puntod para lalo ko pang masilayan ang kadiliman. Saang parte ng sementeryong ito pwede ako mamayapa? Umupo ako at ikinalambitin ko ang hita pababa tsaka ko pinagmasdan ang lugar... This is it! This is the perfect place to die! Creepy much, pero bagay na bagay sa isang kagaya ko.

Nang may maaninag akong anino sa hindi kalayuan. Naglalakad... may dala siyang maleta...

Naka-hood siya kaya hindi ko makita ang mukha, naka-jacket ng itim, itim na pantalon, sapatos, itim na usok ng awra na umaaligid... Parang ako lang... Doppelganger ko ba siya? Sabi nila, 'pag nakita mo ang doppelganger mo, mamamatay ka na!

Tingin ko naman, ganoon talaga ang anyo ni Kamatayan. 'Yong tipong wala talaga siyang anyo pero gagamitin niya ang itsura mo kapag kukunin ka na niya. Tama! Iyan na nga ang Kamatayan ko!

Nagdalawang isip ako kung lalapitan ko siya... hanggang sa nag-umpisa siyang magbungkal sa lupa. Matagal din bago siya tumigil. At naglakad... Pinagmasdan ko siya hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

Saan kaya nagpunta 'yon? Matagal tagal pa bago ko naisipang lumapit... Lumundag ako mula bubong at nagtungo doon sa binungkal niya. Pinagmasdan ko ang kapaligiran at sinilip ko ang lalim ng kanyang binungkal. Siguro hanggang tuhod ko na ang lalim.

Nang biglang may narinig akong kumaliskis na dahon at naaninag ko ang itim na usok niyong Kamatayan ko!

Nataranta ako bigla dahil nakakatakot siyang nakayuko habang palapit nang palapit, at may dala na siyang itak, malaking itak na sumasayad sa lupa! Napakurap kurap ako! Ilusyon kaya 'to?

Kinabahan ako bigla kaya, for a moment, naisip ko pang tumakbo...

Tumalikod na ako pero... biglang parang may humatak sa'kin mula likod, at nadulas ako, at... nahulog... kumirot pa sa sakit ang balakang at ulo ko dahil sa aking pagbagsak! Kainis!

Agad na sana akong babangon pero... lumitaw si Kamatayan sa paningin ko!

Lalo akong kinabahan!

Kitang kita ko ang mukha niya... At parang bang lumiliwanag siya! Ganito pala ang itsura ni Kamatayan! Akala ko ay nakakatakot siya... pero... nakaka-akit ang itsura niya!

Ito na iyon! Dito na ako mamama-alam sa mundo!

Tumingin ako sa bilog na buwan sa huling pagkakataon, habang sinambit sa tonong hindi ko sinadyang pagmamaka-awa...

"Ilibing mo na ako."

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon