The Psychopath_21: Challenging Rant

3.4K 102 9
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -



"Waaaaah!", sigaw ni Saging sabay pilit na nagpupumiglas. Napapa-ubo pa siya dahil sa higpit ng aking pananakal. Gusto ko na siyang balatan nang buhay!

"Wag mo siyang patayin Rant.", saad ni Bree dahilan para matigil ako. Nilagpasan niya lang kami ni Saging at walang paalam siyang lumabas ng silid.

Naguguluhan akong sumunod sa kanya habang sinasakal ko pa rin si Saging, "Bakit hindi?"

"Yes, yes, my savior, baby Angel Bree~ help me~", mangiyak ngiyak na bulalas nitong gago. Lalo lang humigpit ang yakap ko sa leeg niya na tila hindi ako nakukontento sa walang tigil niyang pag-ubo.

"Kailangan natin ang pera niya Rant.", sagot ni Bree na hindi nalilingon sa'kin.

Nakarating kami sa parte ng lugar kung saan nagmumukhang kusina. Kumalam ang tiyan ko sa gutom.

"Right! M-madami a-akong p-pera! K-kaya~"

"Shut up!", halos nalagutan siya ng hininga sa paghigpit ko sa yakap. Hindi ko napigilang mangiti dahil sa namumutla niyang mukha. Mamamatay na siya! Gagong Saging, gagawin na talaga kitang turon!

"Rant!", saway ni Bree at hinarap pa niya ako kasama ang nanlilisik niyang mga mata.

Kunot noong sumunod na lang ako sa kanya. Siya ang anghel eh! Dapat lang na sumunod ako sa anghel ko. Niluwagan ko lang ang pananakal at hindi ko pa rin binitiwan ang saging.

"Anong gagawin ko dito?", yamot na panre-reklamo ko.

"Pakawalan mo ako fafa Rant, hindi ko na uulitin 'yong ginawa ko. I swear. Just let me go~"

"Tsk, isa pang salitang lumabas sa bunganga mo, puputulin ko na ang dila mo!", banta ko tsaka ako tumingin kay Bree na ngayon ay may hinahanap na sa loob ng refrigerator, "Hindi naman siguro natin kailangan ang dila nito 'di ba?"

"Oh no! My tongue is useful for licking! Don't! Not my tongue!", dada pa rin ni Saging.

"Bakit ba ang kulit mo? I said shut the fuck up!"

"Hindi. Hindi natin kailangan ang dila niya.", walang emosyong sagot ni Bree at may kinakain na siya. Tingin ko ay ice cream iyon.

"Gusto ko rin niyan!", kako.

Lumapit siya sa'kin at sinubuan ako ng tatlong kutsarang puno ng ice cream. Tsaka niya ako nginitian sabay binalik ang kutsara sa kanyang bunganga. Nangiti na lang din ako sa kanya.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon