- - -St. Therese Hospital.
"Nasaan 'yong isa?", bulalas ni Izak habang naka-hawak sa kwelyo ng isang lalaking namumukhaan kong isa sa mga nadakip mula sa bahay ampunan.
Apparently, kilala ni Izak ang mga pulis na nagbabantay sa dalawang lalaki at nasa labas sila ng hospital room na ito, naglalaro ng Scrable.
"Hindi ko alam. Bakit hindi mo tanungin sa mga pulis?!", agad na sagot niyong lalaki.
Naka-disguise ako bilang isang nurse kaya hindi ako namukhaan, at si Yelloe naman ay nanatili sa sasakyan. Dahil sa narinig kong sagot ng lalaki ay agad akong lumabas ng kwarto at sinugod ang mga pulis.
"Nasaan ang isang pasyente?", agad kong bulalas sa kanila. Walang ni isa ang binalingan ako ng tingin dahil nagkatinginan silang tatlo tsaka mabilis na nagtungo sa loob. Hindi man lang ako pinansin? Geez?!
"Tama namang dalawa lang sila.", dinig kong pailing na saad ng isang pulis na nakasalubong ko nang sundan ko sila sa loob.
"Dalawa? 'Di ba tatlo sila?", si Izak na ang sumabat.
Walang atubili ang tatlong pulis na bumalik sa nilalaro nilang Scrable, tila ba ay hindi nila kami nakikita.
"Hoy! Tumingin ka nga sa'kin, kinaka-", hindi na naituloy ni Izak dahil mabilis na pina-ikot ng isang pulis ang kanyang braso. "Aray, aray, ano ba?!"
"Pwede ba, OJT ka lang sa NBFI 'di ba? Kung maka-asta ka akala mo kung sino, naglalaro kami rito oh!", at tinulak niya si Izak na halos natumba siya.
Agad niyang inayos ang sarili.
Hindi pa rin ako pinapansin ng mga pulis.
Naramdaman ko na lang na tila bumigat ang aking katawan. Pagkaka-alam ko naman ay hindi basta basta tumataas ang percentage ng gravity sa Earth pero bakit ganoon?
Sinalo ako ni Izak sa kanyang mga braso, "Ayos ka lang?", hinaplos niya ang mga pisngi ko para punasan ang mga likidong lumalabas ng aking mga mata. Hindi ko mapigil. Kahit anong pilit ko, hindi ko mapigil...
"Halika na.", inalalayan niya akong maglakad.
"Paano kung... pinatay na nila si Rant?", nanginginig na bulong ko. Hindi kasi iyon ma-process sa utak ko. Hindi na ba ako nag-iisip? Simula noong umiral ang sigaw sa dibdib ko, hindi na nga yata ako nag-iisip.
"Mahahanap din natin siya. Kailangan muna nating bumalik sa -"
"Alam ko na!"
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...