Rant

2.7K 84 11
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -



Humakbang ako, isang beses. I stretched out my arms, aabutin ko ang aking anghel.

Pero...

Natumba ako sa semento. Naunang nahulog ang aking siko, sunod akong nadapa. Hindi ako makahinga. Pinipilit kong luminga ng hangin.

But I found something even more life-giving. Mahal ko... Ang mga mata ng taong mahal ko... Ang aking anghel... Punung-puno ng luha ang mga mata niya.

"S-stop c-crying..." I managed to whisper. Pero hindi ata niya ako narinig, patuloy pa rin siyang umiyak.

May sinasabi ang aking anghel, bumubuka ang kanyang mga bibig. Pero hindi ko marinig. Wala akong marinig.

"S-top c-crying..."

Aabutin ko ang pisngi niya, pero hindi ko maigalaw ang aking kamay. Gusto kong punasan ang mga luha niya sa pisngi. Please...

Please, just let me... let me touch her face... let me brush my fingers to her rosy cheeks.

I can't move.

"B-bree..."

She leaned closer.

"Don't cry."

Pero nanginginig na siya. Ramdam ko sa aking dibdib ang nanginginig niyang dibdib.

Hinaplos niya ang buo kong mukha at pati kamay niya ay nanginginig.

I want to touch her, at pinagbigyan niya ako. Kinuha niya ang kamay ko at idinampi ang pisngi sa'king palad.

Nangiti ako. Kompleto na ako. Ang mga mata niya sa'kin, ang palad ko sa kanya. Kompletong kompleto na ako.

"Sing a s-song."

Gusto ko ulit marinig iyon. 'Yong paborito niyang kanta. Ipina-alala ng kantang iyon ang maraming bagay nang mapakinggan ko... Ang kakambal ko - nasa harapan ko nga pala ang aking kakambal, ang taong mahal ko, ang aking anghel - at ang lahat ng masasayang araw na kasama ko siya noong mga bata pa kami, siyang aking hinahangad na maranasan muli. Pero mukhang... hindi na.

Doon ko na narinig ang boses ng mahal ko, nanginginig at nangangaralgal, habang hinahaplos -haplos niya ang aking buhok. Dinuduyan ako ng mga lyrico nito...

Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling araw
Na kumukulay sa alapaap

Nagagalak ako, kasama ko na ulit si Bree. Gaya ng sinabi niya na magkakasama kami hanggang sa huli... Gaya ng ipinangako niya. Mananatili siya sa tabi ko... Wala na akong ibang mahihiling pa. Gusto kong tumawa, pero isang ngiti lang ang aking nagawa...

Ang ngiti mo'y parang isang tala
Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
Kung kailan .... wala na

Pumikit ako...

Kilala ko ang pakiramdam na ito.

May kung sinong umaakay sa'kin, hinahagod ang aking dibdib, napaka-maliwanag... ang pagngiti niya sa'kin ay napaka-maliwanag.

"My baby." Bulong ng babae sa'kin. "Please live a long life. A long and happy life. Kayo ng kakambal mo, mahal na mahal ko kayo mga anak."

Narinig ko ang kanyang pagtawa, at boses ng isang lalaki, "Of course they will. Mana sila sa'kin." Hinalikan ako ng lalaki sa noo.

Ang buhay mo'y parang kandila na pumapawi
Sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
At ng lagim

Sabay nila akong inaakay, hinehele-hele...

Nangiti ako lalo.

Nanay... Tatay...

Bawat segundo ay natutunaw
Tumutulo parang luha
Humuhugis na parang mga puting paru-paro

Minulat ko ang aking mga mata, at si Bree muli ang sumalubong... Kumakanta, umiiyak, nanginginig, nangangaralgal lalo ang boses...

Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paru-paro
Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?

Gusto kong pagtawanan siya. Hindi niya bagay maging singer.

"Rant..." Hinaplos-haplos niya ang aking palad sa kanyang buhok. "Rant..." 

Saka ko naalala na noon
Nang una kong masabi ang pangalan mo
Nakalunok ako kaya siguro

"Rant... Batukan mo ako, sabihin mong hindi ako marunong kumanta. Sabihin mong ayaw mo sa kanta! Please!"

"Bree..."

"I love you." Niyakap niya ako. "I love you so much. Mahal na mahal kita. I love you... I love you... I love you... Rant... Please, mahal na mahal kita."

Pumikit akong muli. Sana... Sana hindi ito ang naging una at huling beses kong nasabi... Sana sa bawat oras na kasama ko siya, nasabi ko...

"Mahal na m-mahal din k-kita, Bree..."



- - -
THE END.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon