- - -
Konting kindat ko lang sa nurse na nag-aalaga sa'kin, nahulog na siya...
Nahulog ang gamit niyang hairpin mula sa kanyang buhok. Ginamit ko iyon para makawala mula sa posas.
Nabatid kong may mga nagbabantay sa labas ng hospital room kaya naman sa may loob ng banyo ako nagpasyang gumawa ng paraan palabas. Malay ko ba kung ilan silang nagbabantay sa'kin doon? Wala akong chance.
Wala nga rin palang lalabasan mula sa CR na 'to! Putspa, walang kwenta 'yong ilang araw kong pagpa-plano.
Teka nga...
Tingin ko susugod na lang ako. Kahit may mga baril sila, sigurado. Ano ngayon? Baril lang naman. It's not going to kill me, right? Unless, tinutok at tumama ang bala sa'kin... Pft, malamang.
Teka nga lang...
Kailangan kong pag-isipang mabuti 'to. Kung nandito lang si Bree, anong gagawin niya?
Ah, disguise.
But as what?!
The doctor?
Anong oras darating dito ang doctor?
Right. Dadating lang siya kapag kunyari malapit na akong mamatay...
Bumalik ako sa hospital bed tsaka kunyaring ibinalik ang posas sa aking pulso, at iba pang mga nakaturok sa'kin kanina. Damn, this takes a lot of fuckin' work! Pero kailangan kong makawala dito bago pa ako dalhin sa prisinto.
Antagal maghintay. Nakatunganga lang ako sa kisame, walang magawa. I'm so bored. Paano pa kapag nasa loob na ako ng prisinto? Lalo lang nakaka-baliw iyon! At isa pa, kailangan ko nang makitang muli ang aking anghel. Si Bree...
Napangiti na lang ako nang maramdaman ko ulit sa aking bibig ang malambot niyang mga labi. It felt so real. It felt much more thrilling than hunting the prey. It felt more exctingly good than killing humans.
Sa pagpatay lang ako nakakaramdam ng kakaibang taas ng emosyon. Pero kay Bree... Mas mataas at mas mabilis pa ang daloy ng aking dugo sa aking buong kalamnan kapag ngumingiti na siya. Ang mga mata niya... Damn those perfectly shaped eyes when she smiles! Walang emosyon ang mga iyon dati, noong unang beses ko siyang nakita. Pero bakit? Hindi ko ba namalayang may nagbago? Ang huling emahe niya sa aking isip ay may kung ano sa ilalim ng kanyang mga mata... Noong matapos ko siyang halikan sa labi, sa gitna ng kaguluhang nagaganap sa paligid...
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...