The Psychopath_14: Fire, Water, Seashells

3.6K 111 1
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -




"Ahy, grabe sila. May panahon pa kayong maglandian sa sitwasyon na 'to? Iba rin!", saad ni Saging na umiling-iling pa, dahilan para sasapakin ko na talaga siya kundi lang hawak-hawak ko ang aking anghel.

Ayo'ko na siyang pakawalan, damn it!

Nilibot ko kanina ang silid pero wala siya, at nakita ko ang butas sa may kisame kaya naisip ko na baka nakatakas na siya. Nagpadali-dali akong hinanap siya sa kahit saan, habang nakatago pa rin sa mga madilim na sulok. Naisip ni Saging na baka nagtungo ang anghel ko sa piitan para sa'kin, at kahit nagduda ako ay agad pa rin akong bumalik ng piitan. Kaso wala talaga siya. Sa sobrang pagkainis at pagkalito, kung saan saan ko na siya hinanap, habang nagkaka-gulo pa rin ang mga katulong at mukhang may meeting silang nagaganap sa may malawak na sala, hanggang sa naisip kong bumalik ng silid kung saan siya dating nakakulong... para lang maghanap ng anumang bagay na makakapag-sabi kung nasaan siya.

Pero nang maka-liko ako dito sa may pasilyo, isang likod ng babaeng humahagulgol sa sahig ang agad na nasilayan ko sa may bungad ng lagusan - alam ko nang si Bree iyon...

Kinulong ko siya kaagad sa ilalim ng braso ko, iyong tipong parang nakahuli ako ng isang malaking ibon na kinakailangan ko talagang higpitan ang pagkakahawak para hindi na makawala pa...

"S-sino ang Minion na 'yan?", nagtatakang tanong ni Bree. Inakay ko na siya patayo dahil parang wala siyang lakas, at matutumba pa.

"Extra lang 'yan, huwag mo nang pansinin.", sagot ko naman.

"Fafa Rant naman eh!", maarteng depensa ni Saging. "Ako nga pala si Yelloe, you can call me Sexy...", at namaywang pa siyang parang beauty queen. Hindi nga siya pinansin ni Bree.

Nag-umpisa kaming maglakad, pero namimilay ang anghel ko kaya agad akong umupo patalikod sa harap niya. "Sakay.", utos ko.

"Ah, you're talking to me?", si Saging na nasisiyahan.

"Bree, sakay na.", naiinip kong bulalas.

Sumakay naman siya sa aking likod, at inayos ko ang mga braso niya sa magkabilang balikat ko paikot, tsaka ako humawak sa mga hita niya, at binuhat ko siya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng aking mukha at tainga, pati lalo ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso sa likod ko. Baka kasi napagod na siya sa mga nangyayari.

Nag-umpisa kaming maglakad paalis ng lugar habang salita pa rin nang salita si Saging, "Aaw, gusto ko rin ng piggy-back. I need a fuckin' boyfriend, seriously, 'yong marunong sa fuckin' talaga, like duhh?"

"They'll hear you. Shhh...", mahinang saway ni Bree sa kanya nang makarating kami sa salas kung nasaan naroon pa rin ang mga katulong. May isang nasa gitna nila at mukhang sinasabihan sila. Nasa madilim na sulok pa rin kami.

"Alam mo ba kung paano lumabas dito?", tanong ko kay Bree.

"Isang pintuan lang ang palabas, nakikita mo iyon?", may kung ano siyang tinuro, "Sa may kanan pa..."

"Shit!", napagtanto kong hindi kami makakarating doon nang hindi dadaanan ang mga katulong na iyan. Makikita at makikita kami.

"Palabas iyon sa guest area, kung saan nagaganap ang mga events. Tapos may tatlong pintuan pang dadaanan mula roon. Sa pangalawang pintuan ay may mga naka-bantay nang mga butlers. Tapos-"

"We don't need to go there, may alam akong short cut...", saad ni Saging.

"Wala na akong tiwala sa'yo!", malakas at iritadong bulong ko sa kanya.

"Promise, I really know the secret passages here. Iyon nga lang ang mine-morize ko sa blueprint e.", bawi niya.

"I don't know any secret passages. Kung mayroon man, baka trap lang iyon.", mahinang bulong naman ni Bree.

"Mula rito sa kinaroroonan natin, ang pinaka-malapit na sexret passage ay 'yong sa kitchen, kasi may tunnel doon palabas. They made that pathway for them to go fuck someone while on duty.", nakatawang paliwanag niya. "It's really a nice place to have sex, so dark and creepy. You can hear their moans at night if you just listen-wait, hintayin niyo naman ako, fafa Rant naman eeh~"

Hindi ko kinakaya ang kadal-dalan ni Saging, pero mukhang may naitutulong ang kalibugan niya kahit papaano, kaya tinitimpi ko na lang ang inis. Pagkatapos ng lahat ng ito, humanda siya sa'kin.

Dahan-dahang binuksan ni Saging ang pintuan ng kitchen, at nang maaninag naming walang katao-tao roon ay pumasok kami. Malawak ang kitchen at maraming kagamitan sa pagluluto. Naaninag ko ang lagayan ng mga kutsilyo, nagtungo ako roon...

"Kuha ka ng isa.", kako kay Bree dahil hindi ko naman mahahawakan. Nasa bulsa ko pa ang baril ng gwardiya kanina. Inabot naman niya ang isang maliit at hinawakang mahigpit.

"Kailangan mong matutunang depensahan ang sarili mo.", kako habang balik-sunod sa likod ni Saging.

"Bakit pa? Mamatay din lang.", bulong niya.

"Hindi ka mamamatay hangga't hindi kita pinapatay.", naiinis kong reklamo.

"Kailan mo ba ako papatayin? Sana ngayon na."

Napakunot-noo ako. At minamadali pa talaga niya ako?

"Maghintay ka.", kako na lang.

"Opz, ang alam ko, dito iyon e.", tigil ni Saging sa harapan ko. May kung anong pader ang nasa harapan niya. "Teka, I think, painting iyon?"

"Painting ng ano?", tanong ni Bree.

"Malay?"

"May painting sa may kabila...", humarap kami sa aming kinalilikuran at dahil hindi nakasindi ang ilaw at tanging kaonting liwanag lang ang sumisilip sa mga bintana ay wala kaming makitang painting.

"Basta diyan, may painting diyan.", saad ni Bree kaya naglakad pa kami palapit.

Hanggang sa unti-unting lumitaw ang isang malaking mala-pader na painting ng dagat.

"Tama! 'Yan nga 'yon!", bulalas ni Saging at nagmadali siyang sinubukang tanggalin iyon.

Ibinaba ko na muna si Bree, at tinulungan ko si Saging...

Nang biglang sumindi ang nakaka-silaw na liwanag! May kung sinong pumasok sa loob ng kusina!

Dagli kaming napa-upo sa sahig tsaka gumapang sa pinaka-malapit na matataguan...

Pumasok sa loob ang lahat ng mga katulong! Damn it!

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon