The Depressed_05: Twin Destiny

5.4K 184 5
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Tatlong lalaking maskulado ang lumapit kay Kamatayan at mabilis na sinuntok siya sa mukha! Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Sira ulo talaga ang gagong iyan! Iyong pangalawang may balbas ang sunod na sinipa siya sa sikmura. Tapos iyong pangatlo naman na may kulay pink na buhok ay sa likod siya sinipa!

Nadapa si Kamatayan pero tumatawa pa rin siya! Kanina pa iyan a! Hindi ba niya alam na nasa panganib siya? Ako ok lang ako dito, pero siya? Nagpapakamatay din ba siya na gaya ko?

Nang mapansin kong tatlong kalalakihan din ang sunod na nilapitan ako habang patuloy pa rin nilang bugbugin si Kamatayan doon. Kinabahan na ako. Oo, excited na akong mamatay. Pero, hindi ko pa rin naman maiwasang kabahan at matakot.

Lalo na at nakangsisi sila sa'kin na tila ba kakainin nila ako matapos akong letchonin. Dinilaan pa ng isa ang buo niyang bibig na parang bang takam na takam!

"Ok lang na patayin ninyo ako, pero pwedeng mabilisan na lang para once and for all?", tsaka ko pinilit ang pagngiti sa kanila baka sakaling magkasundo pa kami kung paano nila ako papatayin. Sana kahit hindi iyong madugo, basta mabilisan lang, ok na sa'kin.

Tumawa sila, oh goodness! Nakakatakot ang tawa nila!

Tapos mabilis akong hinatak ng may tatlong hikaw sa tainga at ilong, "Sabi ko nga kahit ano na lang. Kayo nang bahala sa'kin ah.", pilit ko pa ring pagngiti nang biglang nabitawan niya ako at humalindusay siya sa semento.

Gulat na gulat ako nang hatakin muli ako ng isa pang kasamahan nila, pero nahuli ang buhok ko ni... hindi ko makita... at sinabunutan ako... tsaka niya sinipa iyong nanghatak sa'kin sa baywang... dahilan para mabitawan niya ako, at... goodness! Si Rant lang pala! Sinasabunutan ako ni Rant habang sabay sabay na nakikipag-suntukan siya sa mga nakapaligid sa aming dalawa!

"Aray! Aray! Bitawan mo ako!", reklamo ko sa kanya, at parang lang akong manika na umiikot ikot sa katawan niya habang sapilitan niyang nilalayo ako mula sa kanyang mga kalaban. Dumako ang kamay niya mula sa buhok ko patungo sa aking baywang, inayos niya ang nakatali kong mga kamay at isinuksok niya ang ulo sa pagitan ng aking mga braso! Mabilisan niya lang ginawa iyon. At geez, namimilog ang mga mata ko at sigurado akong bumagal ang ikot ng mundo!

Yakap ko siya! Geez! At nakapulupot din ang isang braso niya sa baywang ko! Oh cheesy geezy geez! Habang sa tuwing may lalapit na kalaban ay sisipain at susuntukin niya, making sure that no one can even touch me! Limitado lang ang galaw ko dahil nakatali pa rin ang mga paa ko, kaya kontralado niya ako! Pero oh goodness! Wala akong ibang magawa kundi ang magpati-anod sa sitwasyon ko! Geez! Kaya naman tulalang tulala ako sa pawisang mukha niya! Si... si Kamatayan... Si... Rant... His eyes are so... deadly! Parang bang makakapatay siya kahit sa isang tingin niya lang! Oh geezy cheesy cheese!

Bumalik ako sa katinuan ko nang mapansin kong may lalaking susugurin siya sa kanyang likod gamit ang martilyo kaya napasigaw ako! Agad akong napayakap pa lalo kay Rant, "Ahh! Sa likod mo!", natatarantang tukoy ko sa kanya at humarap naman siya at isang lalaki na naman ang susugurin siya sa likod, "Sa likod mo ulit ano baaa!"

"Oo alam ko, napalibutan nga tayo 'di ba?", at humarap ulit siya. Doon ko na napansin na hawak ni Rant ang maliit niyang kutsilyo at iyon ang ipinanglalaban niya sa kanila sa tuwing may susugod, minsan sinisipa niya sila.

"Pabayaan mo na lang kasi ako at iligtas mo na lang ang sarili mo!", saad ko.

"Wag ka nga sumigaw, nabibingi ako!", reklamo niya dahil yakap ko nga pala siya at nasa pisngi ko ang tainga niya.

"Ahy sorry.", bulong ko na lang.

"Ano?", sigaw din niya.

"Wag ka ring sumigaw!"

"Ahy sorry.", bulong din niya.

"Nabilang ko kung ilan sila. May 25 na tao. Kabilang na ang mga nasa rooftop at taas ng steel gate. Ika 26th iyong si moss-head.", paliwanag ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang nakikipag-laban sa kanila.

"Moss-head?", ramdam ko na sa dibdib ko na hinihingal na siya at anlakas na rin ng pintig ng puso niya. His blood pressure is really going up now! Bilang na bilang ko!

"Yung Master nila. Green ang buhok.", sagot ko. "Base sa calculations ko, mayron kang 73.33 percent na makatakas. Iyon ay kung iiwan mo ako dito. Kaya dapat iwan mo na lang ako. Pero dahil nga mukhang may gusto ka sa'kin at patuloy mo akong nililigtas, na para sa'kin hindi mo naman talaga ako nililigtas dahil labag sa'king kalooban ang ginagawa mo -"

"Putang ina naman! Ang daldal mo!", pahingal niyang bulalas.

"Wag ka na lang magsalita. Bumababa ang percentage of survival mo by 1.6667 percent tuwing nagsasalita ka. Conserve your energy, idiot!", paliwanag ko.

"Shit!", he cursed angrily. Tingin ko sa'kin siya galit.

"Ganito ang gawin mo para makatakas ka. You have to let me go. Tapos gawin mong hostage ang Master nila... Siya ang huliin mo! Kapag hawak mo na siya, aakyat sa 95.67 percent ang waaahh -", hindi ko na natuloy dahil bigla na lang niya akong nilayo at binitawan tsaka mabilis siyang tumakbo...

Bumagsak ang katawan ko sa semento, at dagling may humablot sa'kin... bumagal ulit ang orasan...

Nakita ko kung paano mabilis tumakbo si Rant habang kanyang sinisipa, sinasapak, sinisiko, sinisikmura, at sinasaksak ang kung sinumang humarang sa kanya!

"Bitawan niyo si Bree, o sasaksakin ko ang kumag na 'to!", sigaw niya nang mabihag niya si moss-head, iyong Master nila.


- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon