The Psychopath_33: Red and Neomi

2.4K 68 0
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Left. Right. Magtago kayo sa loob ng 23C door. Nakita mo? Rant?... Rant!"

"Oo nakita ko. Huwag kang maingay!", malakas kong bulong sa earphone. Kausap ko si Bree sa kabilang linya. Nasa bahay sila ni Saging. Kasama ko naman ang Unggoy.

Nasa teritoryo kami ng Henzel and Gretel Group. H&G Group for short. Sila ang grupo ng mga distributors ng iba't ibang klase ng illegal drugs dito sa buong Hemetria City. Ano nga bang ginagawa namin dito? Aba malay ko sa kasama kong Unggoy! Nandito lang naman ako dahil inutusan ako ni Bree na bantayan ang hayop na ito.

Si Bree...

Naalala ko tuloy ang nangyari sa'min. Ilang linggo na rin ang lumipas, nakapag-patayo na kami ng computer system at information system sa bahay. Kinailangan kong pigilan ang sarili ko noong araw na iyon. Mahirap magpigil. Kay Bree lang talaga ako nahihirapan at nakakainis naman talaga! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang... ang kung anumang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, at... Sadyang napakadelilado dahil nagsasama na kami ngayon sa iisang bahay!

Okay na kasi sana iyon. Kung kaming dalawa lang. Ang kaso, kasama itong gunggong na Unggoy at ang dilaw na Saging! Panira sa tuwing lalapitan ko si Bree... Sumusulpot na lang kung saan ang Unggoy! Ang sarap niyang patayin pero sabi kasi ni Bree... potek! Lahat na lang ng ginagawa ko, para kay Bree!

Ang hirap magpigil! Lalo na at gigil ako nitong Unggoy kung makadikit sa anghel ko!

Pero...

Nakakatulong rin naman sa'kin iyon para hindi tuluyang mai-kama ang aking anghel. Oo na! Inaamin ko na! Gusto ko siyang ihiga sa kama at lasahan ang buo niyang katawan! Kainin? Hindi naman literal na kainin, pero... 'Yong hawakan at haplusin at... Ah basta!

Ngayon ko lang naramdaman ito! Dati ang gusto kong lasahan sa mga walang kwentang tao ay ang kanilang mga dugo! Blood... At ang nakakatawa nilang itsura kapag nagmamaka-awa sila para sa kanilang buhay! Iyon ang masarap gawin!

Iyon pa rin naman ang gusto kong gawin, lalo na sa Unggoy na 'to!

Totoo nga namang anghel si Bree!

"Rant, may nakabantay na lalaki sa loob ng Studio. At naroon din si alyas Kean.", saad ni Bree sa mala-teknolohiyang tunog. "Hayaan mong si Izak ang pumasok. May mga parating din diyan mamaya."

At pumasok na nga sa Studio Room si Unggoy. Nag-sign language pa siya sa'kin pero hindi ko naman naintindihan, putspa, malamang! Walang kwenta iyang Unggoy eh!

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon