The Depressed_33: Red and Neomi

2.3K 87 12
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Iginilid niya ang sasakyan dito sa lumang China Town. Marami na ring nangyari dito sa lugar na ito simula nang umpisahan namin ang plano laban kay Julius Celegriña.

Dito namin hinaharap sa pakikipag-kalakalan ang mga iba't ibang grupo ng mga gangsters. Marami nang mga naging kasunduan ang naganap sa lugar na ito, tila naging teritoryo na rin naming apat.

Tama, bumubuo kami ng mga alliance. Tinatawag namin itong Pabagsakin ang Mayor Alliance, or something. Hindi ko alam. Hindi kami magkasundo sa pangalan pero basta ganun. Geez!

Nagitla na lang ako sa kakaisip nang bumaba ng sasakyan si Rant. Walang mga tao dito sa abandonadong building kaya malaya lang kami nakagalaw. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Favorite place. Kitang kita mula rito ang mga nagkikislap na mga bitwin at pati mga munting iba't ibang kulay ng syudad sa paligid. Mayroong sirang sofa sa gilid kaya naman doon siya umupo. Parang pagod siya maghapon sa itsura niya.

Umupo na lang ako sa kanyang tabi.

"Rant...", umpisa ko. Gusto ko siyang kausapin nang malumanay. Total masyadong maganda na rin naman ang mga kislap ng ilaw sa paligid namin kaya medyo relaxing. "Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit palagi na lang mainit ang ulo mo?", wala akong narinig na sagot. Hinayaan ko munang lumipas ang malamig na hangin. Sinandal ko na rin ang ulo sa likod ng sofa at tumingin sa taas. Sa mga tala. Paminsan minsan lang may mga stars dito kaya naman parang ansaya lang na nadatnan namin sila.

"May crush noon si Izak kay Neomi.", natutuwa kong umpisa sa kwento. "Napaka-bait niya sa'min noong bata kami. Hindi siya nagsasalita at hindi niya kami nilalapitan noon pero minsan nagtagpo ang mga sulyap namin at doon alam ko na! Aha! May gusto siya kay Neomi. Pinagtanggol din kasi niya kami noon kay Sister Hendra noong nahuli na naman kami sa kalokohan namin. Siya tuloy ang naparusahan.", natawa ako nang konti. "Pinagkakatiwalaan ko siya Rant kaya sana ikaw rin..."

Dinig ko ang kanyang buntong hininga kaya nilingon ko siya, "Gusto ko siyang patayin!"

"Gusto mo rin naman akong patayin dati."

"You wanted me to kill you."

Hindi ko na siya sinagot.

Natahimik sa pagitan namin nang ilang minuto.

Napabuntong hininga ako dahil sa katahimikan. It's the most soothing moment everytime I'm with Rant at ganito kami katahimik.

"What if..."

Nilingon ko siya dahil sa lalim ng kanyang boses. Napaka-seryoso na sa tingin ko guguho na ang mundo. Geez! Kinabahan ako bigla.

"What if mahanap ko ang kakambal ko?"

Napanganga ako sa binigkas niya. "May kakambal ka?"

"Meron.", tinapunan niya ako ng tingin. "Red ang pangalan niya."

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon