The Psychopath_04: Deathly Wish

5.8K 185 12
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Inubos ko muna ang aking kape bago binuksan ang mga computers. May CCTV ako sa ilang mga lugar sa hospital na ito. For security purposes. May mga naka-away na rin kasi akong mga sindikato at... oo na, marami talaga akong kaaway. Isa na doon ang mga pulis sakali mang malaman nilang ako ang serial killer. Kailangan ko ang CCTV para malaman ko kung may mga intruders dito sa lungga ko.

Nakita ko naman agad si Bree.

Nangiti na lang ako sa hindi ko malaman na dahilan... Bree? Nakaka-ewan naman ang pangalan niya! Bree...

Adira Bree Maya...

Binigay niya sa'kin ang buo niyang pangalan kahit alam niyang pumapatay ako. Whoa, hindi niya alam kung gaano kadelekado kapag nalaman ko ang pangalan ng isang tao! Bobo rin iyon e! Paano niya ako napagkatiwalaan nang ganoon kadali?

Nang maalala ko... nagpapakamatay nga pala siya! Oo nga... kaya mabilis niya lang binigay sa'kin ang pangalan niya. Ibang klase...

Naliligaw na siya! Kanina pa siya paikot-ikot sa iisang lugar... Ang kitid ng utak ng anghel na iyan! Ang liit na nga na building, maliligaw pa!

Bumuntong hininga ako at napailing iling na lang...

Naisipan kong matulog na ulit. Marami pa akong gagawin mamayang gabi. Susunugin ko pa 'yong maleta.

Napangiwi ako nang maalala kong tumabi pala sa'kin ang anghel na iyon kanina. Pocha naman e! Tang-buset! Kinikilabutan ako! Paano ba naman?! Nakayakap ako sa kanya kanina! Shit!

Pinag-u-untog ko ang aking noo sa pader para mawala sa isipan ko! Pero lalo lang na bumabalik! Taena this! Buti na lang agad ko rin lang siyang tinulak nang magising ako! Un-fuckin-believable!

Patungo na ako sa shower nang maaninag ko sa gilid ng aking mata ang mga monitor ng computers... Shit!

Isang lalaki ang pumalo sa batok ni Bree!

Hindi ko na pinag-isipan at dagli akong natakbo papunta sa parking space! Mga tang-ina nila, kapag pinatay nila si Bree, papatayin ko silang lahat!

Teka... teka teka teka lang...

Saglit! Tumigil akong tumakbo at malalim akong napa-isip. Ano namang pake-alam ko sa isang anghel? Wala naman a!

"Master, may lalaking nakatayo dito!", dinig kong sigaw ng kung sinuman at paglingon ko ay may mga tao na sa aking harapan na pinagmamasdan ako. Pakshet! Nakarating na pala ako sa parking space!

Kita ko si Bree na buhat ng isang lalaki na parang sako ng patatas! Siguro paalis na dapat sila pero nang makita ako ng payatot na sumigaw ay ayan! Mukang ako ang susunod na pagdidiskitahan nila...

"At sino naman ang isang iyan?", maangas na saad ng isa sa kanila. Iyong lalaking katabi ng may buhat kay Bree.

May lumapit sa'kin at dagling kwinelyuhan ako. "Sino ka ha?", pasindak na tanong niya na naamoy ko pa ang nabubulok niyang hininga! Putik! Kaya naman agad ko siyang tinulak.

Pero kwinelyuhan niya ulit ako. "Sabi ko sino ka?!", bulalas niya na isang patak ng laway ang tumalsik sa pisngi ko. Pocha naman oh!

Kaya sinikmura ko na siya gamit ang tuhod ko at dagling tinulak tsaka sinipa!

Nag-umpisang lumapit sa'kin ang mga iba pa pero, "Teka lang. Hayaan muna natin siyang magsalita.", pigil sa kanila niyong isa. Baka siya ang boss nila?

"Sige na. Dalhin niyo na ang bihag sa sasakyan.", utos niya ulit tsaka siya lumingon sa'kin, "Nandito ka ba para sumali sa grupo namin?"

"Saglit!", sigaw ko na hindi pinapansin iyong nakakairitang nagtatanong sa'kin. "Hoy ikaw na may hawak na anghel!", tawag ko sa may buhat kay Bree. Tumigil naman siya at humarap, habang ang mga kasamahan niya ay nagtawanan.

"Anghel daw bruh! Hahaha!"

"May sayad ang isang ito! Hahaha!"

"Ano kamo? Anghel?", tanong ng boss nila na halatang pinipigil ang pagtawa.

"Pagmamay-ari ko ang buhat mo!", saad ko.

Lalo lang silang nagtawanan na umugong pa talaga sa buong gusali!

"Pagmamay-ari mo ang mamamatay tao na ito?", tanong ulit ng boss. Gago pala ito e!

"Mamamatay tao?", naguguluhang tanong ko rin.

"Oo! Pinatay niya ang isang kasamahan namin!", sagot ng isa sa kanila.

"Pinatay niya si Perguson!", sigaw ng isa pa.

Nginisian ko sila. Mukhang napagkamalan ang anghel na iyan na ako! Hindi ko sila masisisi. Napagkamalan ko rin naman si Bree na doppelganger ko.

"Perguson? Mukhang kilala ko ang taong iyon... Siya ata 'yong chinap-chop ko ang katawan tsaka itinapon ang mga pira-piraso sa iba't ibang parte ng karagatan?", natatawang saad ko na ikinanganga lang ng mga panga nila...

Narinig ko ang kanilang pagka-alarma, naramdaman ko ang killer awra nila, at agad nila akong pinalibutan.

"Ikaw ang pumatay kay Perguson?", pagalit na bulalas ng boss nila habang ang may buhat kay Bree ay basta na lang ibinagsak siya sa sahig at dagli ring lumapit sa eksena.

Shit! Nabagok ulit ang ulo ni Bree! Lalo pang magiging sira ulo iyan, putspa! Patayin ko na kaya silang lahat?

"Oo... Tingin ko ako nga. Hindi ko kasi masyadong maalala.", pabalang na sagot ko na lang.

"Bugbugin iyan hanggang sa maalala niya!", pagalit na sigaw ng boss nila...

At dagli nila akong pinagka-isahan...

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon