The Depressed_22: Detect the Detective

3.4K 107 1
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -




Underground parking lot. Nasa ilalim kami ng gusali. May mga ilaw na nakasindi kaya naman sa may malaki at madilim na dingding kami nagtago. Isa, dalawa, tatlo... teka, apat sila na nililibot ang kabuuan ng parking lot. Isa na iyong may salamin sa mata na mukhang taga-bigay ng utos. Nakinig akong mabuti nang muli silang magkumpulan sa tabi ni Four-eyes.

"Wala sila rito.", saad ng isa habang hinihingal pa.

"Ito iyong sasakyan sa CCTV. Siguradong nandito sila sa loob ng gusali."

"Baka nagtungo lang sila dito tapos lumabas din lang sila sa kung saan. Mga karatig-lugar nitong gusali."

Nasapo ni Four-eyes ang kanyang panga na tila nag-iisip pa nang malalim. "Hindi. Kailangan nating halughugin ang bawat floor nitong building.", sabay halos lakad-takbo siyang nagtungo sa may lagusan na may nakatatak na Entrance. May isang naka-tokang gwardiya na naroon. Sumunod sa kanya ang iba pa.

"Kailangan nating makuha ang CCTV footage ng lugar. Ako na kakausap sa mga tao rito.", dagdag pa niya bago sila naglaho sa loob.

Nakahinga na ako nang maluwag.

"Rant, alam mo bang magpa-andar -", natigil ako dahil walang pawis na nagtungo si Rant sa pinaka-malapit na sasakyan. Hinimay muna niya iyon sakali mang may built-in na alarm ito. Nang mapagtantong wala ay agad niyang binasag ang salamin gamit ang kamao tsaka siya pumasok sa loob. Nang maandar niya ang sasakyan ay muli siyang lumabas habang pumasok na ako sa sasakyan, at basta na lang niyang inilapag ang katawan ni Yelloe sa likuran, "I hate you both~ Why are you doing this to me~ Dapat pasalamat kayo sa'kin dahil ~ if it weren't for my brilliant ideas, hindi uusad ang love story ninyo~ I'm so alone~", pagrereklamo niya habang inumpisahan nang magmaneho ni Rant palabas ng gusali.

Nagpatuloy lang sa pag-iingay si Yelloe. I could just guess the pincode for her ATM cards but that would take me too long. Time is of essence here. At mukhang hindi naman niya ibibigay ang mga codes nang basta basta. Ibang klase rin siyang nilalang kung tutuusin. Kailangan pa namin siya hangga't hindi niya kami binibigyan ng pera.

Kung plano man namin ni Rant na magpakalayu-layo ng Hemetria City, kailangan talaga namin ng pera.

Sa tono ng pananalita ni Four-eyes kanina, at apat lang sila, ibig sabihin ay nasa kamay pa rin ng mga Detective-under-investigation ang kaso ni Rant. Tsaka lang magpapa-dala ng pulis kapag napatunayan ang lugar na maaaring pinagtataguan ng kriminal. Kayang kaya ko pang lusutan ang Detective. Pero dahil mukhang may connection na si Julius sa kaso, na kung tutuusin si Julius naman talaga ang nagpa-labas na si Rant ang pumatay sa Riego na iyon kahit wala silang ebidensya, at iyon ay para iparating sa buong ka-pulis-an na kailangan na nilang ma-alarma. Nasa panig ni Julius ang mga pulis.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon