The Psychopath_03: Evil Devil Tortures

6.8K 195 22
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Take your what? Are you fuckin' kidding me?", naguguluhang bulalas ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro. I want to die already. This life is as miserable as fuck! So just, take it! Take me.", dagdag pa niya nang hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha, bakas sa tono niyang desididong desidido siya, and her eyes are dead as ever... Walang kaemo-emosyon!

Pero bakit ba kasi ako nagdadalawang isip? Kanina ko pa dapat siya tinaga nitong itak, para wala nang mangungulit sa akin na anghel!

Teka, kung ganoon ay hindi siya nandito para parusahan ako. Hindi kaya... fallen angel siya na gaya ni, anong pangalan niyon? Lucifer?

Pagkaka-alala ko, hindi lang si Lucifer ang naging fallen angel, madami sila... at nahuhulog lang sila dito sa lupa kapag may nilabag silang utos.

Alam ko ang mga bagay na iyan dahil lumaki ako sa isang simbahan. Pinalaki ako ni Father Rumulos kaya naman alam ko ang kwento ng Bible. Hanggang sa umalis ako mula doon sa lugar na iyon dahil... hindi ko alam, hindi para sa'kin ang lugar na iyon.

Nangangati lang talaga ang palad kong pumatay ng mga tao!

"Aanhin ko naman ang buhay mo, ha?", pabalang na tanong ko kahit na balak ko talaga siyang iwanan.

"Ikaw bahala... Kapag kinuha mo na ang kaluluwa ko, ikaw na bahala...", walang emosyon pa rin niyang sagot.

"Hindi ako nangunguha ng kaluluwa. Hindi ako si Kamatayan. Pumapatay lang ako, pagkatapos, hindi ko na nakikita ang kaluluwa nila.", paliwanag ko. "May kaluluwa ba ang mga anghel?", dagdag kong tanong dahil paano nangyari iyon?

Bumuntong hininga siya. "Ok fine! Hindi kasi ako anghel! Tao ako! I can't believe you fell for that, idiot!", nakakainis na saad niya.

Tinawanan ko lang siya, sa tingin niya maniniwala ako doon? Nasabi niya na ang totoo sa'kin, isa siyang fallen angel kaya hindi niya na pwedeng bawiin iyon. Anong tingin niya sa'kin? Paniwalain? Sinasabi niya lang na tao siya para linlangin ako!

"I won't fall for your tricks! Layuan mo na ako, kung sino ka man!", tsaka ako tumalikod at naglakad na paalis.

"Tanga talaga 'to! Ang bobo mo!", bulalas niya sa likod ko.

"Anong sabi mo?", pagalit ko siyang hinarap muli pero kay lapit pala niya kaya nabangga siya sa'kin. Nagtama tuloy ang mga mata namin at... shit! Kinikilabutan talaga ako kapag tumitingin siya nang ganyan!

Tapos ay kwinelyuhan niya ako, hindi ko alam ang gagawin kundi magulat lang, at... 'di hamak na mas matangkad ako sa kanya pero... she is so intimidating!

"Tao ako! Hindi anghel! Bobo!", sabay pinandilatan niya ako. Nagtaasan ang mga balahibo ko, at sa unang pagkakataon ay kinabahan ako. Wala pang ni sinuman ang binantaan ako nang ganyan! Damn this little angel!

Pero hindi ako pwedeng magpatinag sa babaeng ito kaya ngumisi ako. "At dahil tinawag mo akong bobo, hindi mo makukuha ang gusto mo! Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako! Naintindihan mo?", pinandilatan ko rin siya. Oo, tinatakot ko talaga siya! Dapat lang na matakot siya sa'kin...

Pero nainis lang ako lalo dahil poker face pa rin siya! Taena naman! Hindi talaga siya nagpapakita ng kahit na anong emosyon! Tingin ko, ganyan talaga ang mga anghel... Ano ba naman kasing katatakutan nila?

Tapos ay dagli niya akong binitawan tsaka yumuko... At kahit na bumulong siya ay narinig ko pa rin, "Pwes wala ka palang kwenta.", at tumalikod na siya...

Pinagmasdan ko siya na dahan dahang naglakad palayo...

Ibang klase ang nilalang na ito! Para siyang zombie na naglalakad... humihinga pero walang buhay...

"Teka lang!", wala sa sariling pigil ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bigla pero may kumakalam sa sikmura ko na kailangan kong malaman ang tungkol sa kanya, at siguro sapat na kahit pangalan lang. Tumigil naman siya at nanatili siyang nakatalikod sa'kin. "Anong pangalan mo?"

"Bree.", parang bulong lang na dumampi sa tainga ko iyon.

Tapos ay bigla na lang siyang humalindusay sa lupa!

Sa sobrang pagkagulat ko ay natatarantang lumapit ako sa kanya...

"Huy! Babaeng anghel, anong nangyari sa'yo?!", at pinagsasampal ko siya. "Uyyy!", niyugyog ko pa siya nang pagkalakas. "Uyyy! Gumising ka!", at pinag-uuntog ko na siya sa lupa... Hindi pa siya pwedeng mamatay, wala pa akong ginagawa sa kanya!

Teka... Wala dapat akong pake-alam sa nilalang na 'to! Hindi naman siya tao. Mga tao lang ang pinapatay ko! Tama... concern lang ako sa kanya dahil anghel siya! Tama... walang personalan dito!

Binuhat ko siya na parang sako ng bigas at agad ko siyang dinala sa kotse ko. Diyan sa abandonadong gusali lang naman ako pumapatay pero may sarili akong bahay. Doon ko siya dinala...

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon