- - -
Droplets of water from his wet hair started running down my cheeks, while fresh scent from him invaded my nose... Naroon ang sabon na kanyang pinang-ligo, pero naroon pa rin ang amoy niyang kilala ko. Amoy Rant. Amoy sariwang dugo, 'yong parang basang puno ng kahoy, 'yong matamis na kalulutong pandesal. Pagsama-samahin ang tatlong iyon at, iyon ang amoy ni Rant. Matamis na matigas at nakakapang-gigil!
Nang pumaibabaw siya sa'kin ay nagkatitigan muna kami. Nakita ko ang aking repleksyon sa kanyang mala-araw na mga mata. I looked confused, because I am confused!
Ano bang ginagawa niya?
Halos lumuwa sa'king lalamunan ang bilis at lakas ng tibok ng aking puso! Gaya niya ay hindi ko maipaliwanag ang pagha-habol ng aking hininga.
Idinampi niya ang noo sa aking noo... Nagdikit ang dulo ng aming ilong na dagli niyang mariing ikiniskis! Nakita ko ang gustong iparating ng kanyang mga mata bago niya ipinikit...
Lust.
Geez!
I don't know what 'lust' is, pero iyon ang unang salitang pumasok sa isip ko. Parang... napa-lunok ako... Parang gusto niya akong... halikan...
Napa-pikit na lang din ako...
I even pleaded him to go away, pero ni hindi ko sinadyang kusutin ang puting polong suot niya, dahilan para lalong magdikit ang aming katawan...
Like how I was craving for death, I suddenly craved for him!
At gaya rin ng pag-dampi ng dulo ng kanyang ilong sa dulo ng aking ilong ay hinintay ko rin ang kanyang labi... Doon na ako natigil huminga...
"Damn! I can't go away.", malumanay na sambit niya na lalong nagdulot ng kuryente sa aking diwa. Lalo akong mariing napa-pikit. Nakalimutan ko nang huminga...
"Nagiging saging na ako sa'yo!", bulalas pa niya at...
Naramdaman ko na lang ang bigat ng kanyang katawan sa aking dibdib. Agad akong napa-mulat!
Dinaganan niya ako, tapos nakasubsob na ang kanyang pagmumukha sa gilid ng aking leeg deretso sa unan...
Anong nangyari?
Napa-kurap-kurap ako dahil lalo akong nalito...
"R-rant?", hindi pa rin ako naka-galaw, hindi pa rin tumitigil ang bagyo sa'king damdamin, hindi ko pa rin alam ang gagawin! "Rant, oiy?", inayos ko ang aking mga kamay dahil dagan-dagan din niya, tsaka tinapik-tapik ko ang kanyang likod. "Uy, Rant?!"
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...