The Psychopath_22: Detect the Detective

3.3K 96 2
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -




"Kailangan na nating umalis. Maghanda ka Rant.", saad ni Bree nang pakawalan ko siya. Sumunod akong nagtungo sa loob ng banyo doon sa loob ng silid kung saan kami nakulong.

Naghilamos si Bree sa may lababo, at ako naman ay sa may gripo sa bathtub naglinis ng mukha at mga braso. Mabilisan na lang ang aming mga galaw.

Nang matapos ako ay dagli kong tinanggal ang aking suot na puting polong madumi sa ice cream. Binuksan ko na rin ang shower para matanggal pa ang mga malagkit sa aking katawan. Iniisip ko pa rin kung paano ko malulusutan ang mga pulis na siguradong pinaghahanap na ako ngayon, nang matigil ako dahil paglingon ko kay Bree ay mariin niya na pala akong pinagmamasdan. Napakunot noo ako sa itsura niyang nakagat ang labi. Shit naman, at ngayon pa talaga niya ako aakitin?

"Tumigil ka Bree, hindi ito ang tamang panahon para bigyan mo ako ng ganyang tingin.", saway ko sa kanya.

Nagitla siya at mabilis na nag-iwas ng tingin tsaka umubo-ubo pa, "Yong sa ano, ehem, ano eh, hehe, sige, bye!", at nagtungo na siya sa may closet. Wirdo rin iyon paminsan-minsan.

Teka, kadalasan pala.

Tumigil na rin ako at nagtungo sa loob ng closet, namilog ang aking mga mata at isang beses na tumalon ang puso ko dahil naka-hubad si Bree na nadatnan ko, putspa! Naka-bra at panty lang siya!

Hindi ko napigil ang sariling pagmasdan siya habang kanyang isinusuot ang kulay blue na bistida. Hindi ko naiwasang mapatitig sa ganda ng kanyang kutis. Masyado siyang maputi at makinis. Lalo na sa gitna ng kanyang mga dibdib, parang gusto kong - "Rant, tulungan mo ako dali!", nahimasmasan ako.

Lumapit ako sa kanya, hinawi ang kanyang buhok, tsaka itinaas ang zipper ng bistida sa kanyang likod, "Kailangan ba ito ang suotin mo?", inis kong pagreklamo.

Natawa lang siya.

"Heto at pinaghahanap na ako ng mga pulis at nagawa mo pang matawa. Great!", pilit ko matapos maisara ang zipper.

Hinarap niya ako, "Sorry na.", naramdaman ko pa ang kanyang mainit na hininga dahil sa sobrang lapit namin. Dumako ang kanyang tingin sa aking katawan, nasapo ko na lang ang kanyang panga para pigilin siya sa pagkagat ng kanyang pang-ibabang labi, "Bakit mo ba ginagawa iyan?", inis na reklamo ko ulit.

"Ano?", kunot noo niyang singhal.

"Kung nagugutom ka, 'wag iyang labi mo ang kagatin mo, tsk!", baka kasi hindi ako makapag-pigil at ako na kakagat, damn all my fucking hesitations!

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon