- - -
Sinipat-sipat ko ang aking pisngi, pero sa tuwing pumipikit ako ay si Rant ang tumatambad, 'yong hubad na katawan niyang binabasa ng tubig mula sa shower. Oh geez! Lalong tumatambol ang puso ko, hindi ko talaga mapaki-samahan!
Naisip kong mag-breathing exercise...
Inhale.
Exhale.
Paulit-ulit. At sa tingin ko naman ay nakakatulong din ang malamig na hangin na humahampas sa buo kong katawan.
Wala na. Finish na talaga! Ramdam ko ang palad ni Rant sa parte ng aking katawan kung saan niya ako hinawakan! Napa-cross legs na lang ako habang nakatayo. Nakagat ko rin ang labi, at nasa imahe ko pa rin ang mga mata ni Rant na puno ng pagnanasa! Marahas akong napa-iling-iling, at malakas ko na ring sinasampal ang sarili. Pero wala pa ring epekto!
Kaya ang sunod kong ginawa ay nag-enumerate na lang ako ng mga pangalan ng mga Scientists at Inventors, at nakatulong naman iyon kahit papaano.
Pero agad din lang naglaho ang determinasyon kong maging Dalagang Pilipina nang magitla ako sa boses na tumawag sa'kin. Sino pa ba? Edi iyong dahilan nitong lust and desire sa katawan ko! Oh geez!
"Bree, pasok ka na sa kotse. Malamig.", walang gana niyang anyaya.
Napapikit ako at pilit ko siyang hindi pinapansin. Ayo'ko. Please, ilayo niyo siya sa'kin! Help me! Isang beses pa...
Isang beses pang tumitig ako sa kanya at baka tuluyan nang malaglag itong panty ko. Nope, that is not a good joke! Masamang biro iyon!
Pero naramdaman ko ang mainit na hininga ni Rant sa harapan ko, lalo akong mariing tumuklip at pumikit. Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan niya ako para sa tingin ko ay i-ayos ang hood ng jacket sa aking ulo. Tapos ay sinapo niya ang aking magkabilang pisngi. Nakapikit pa rin ako...
"Nanginginig ka na sa lamig.", malumanay niyang sambit. Muli kong pinagbangga ang aking mga hita, at nakagat ko rin ang labi. Hindi ako nakasagot.
"Sorry rin.", sambit niya ulit. "Hindi ko na uulitin iyon. Nagulat ata kita? Promise, pipilitin kong magpigil.", binitiwan niya na ako. Seryoso ba siya?
Nang sa tingin ko ay lumayo na siya, doon na ako naglakas ng loob na imulat ang aking mga mata. Pero gulat na gulat ako at napa-atras pa ako dahil ang naka-ngising mukha ni Rant ang tumambad!
"Ah-ah-eh!", kumaripas ako ng takbo paloob ng sasakyan, doon sa tabi ni Yelloe. Ayo'ko na! Bakit ganito?
Nakita ko pa ang malawak na ngisi ni Rant nang papasok na rin siya. Hindi siya kumibo at nanatili ang kanyang tingin sa harapan.
Nanahimik sa aming pagitan.
Tanging puso ko lang ang naririnig ko. Teka, dinig din kaya niya?
"Damn it! Naririnig mo rin ba ang pintig ng puso ko?", biglang anas niya.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...