The Depressed_08: Run! Run! Run!

3.9K 134 1
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


"Magkita ulit tayo. Tandaan mo ang pangako mo sa'kin.", paalala ko kay Rant.

"Ano na naman?", atentibong nagmamaneho pa rin siya nang napaka-bilis samantalang kanina pa ako nauuntog. Halos paliparin niya na ang kotse!

"You will fulfill my death wish!", madiin kong saad para naman hindi niya makalimutan. Kainis!

"Oo, hindi ko nakakalimutan iyon. Basta hindi pa ako nahuli ng mga pulis!"

"Hindi ka nila mahuhuli, akong bahala sa'yo.", tsaka ako nagtungo sa backseat. "Maghanap ka ng isang mataong lugar, doon tayo tatakbo."

"Teka nga, hindi naman ako ang hinuhuli nila ngayon e, 'di ba ikaw?", bigla na naman siyang nag-preno kaya nauntog ako sa likod ng inuupuan niya. Geez!

"Tsk, tsaka ko na ipapaliwanag.", naiinis kong sagot sa kanya. "Basta, kapag bababa tayo, doon ka sa kanan lumabas at tumakbo. Ako, dito sa kaliwa.", dagdag na paliwanag ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot. Marahil ay iniisip niya ang pakay ng taktika ko.

Alam ni manong madaldal na pulis na sa kanan ako naka-upo kaya siguradong iisipin niyang sa kanan din ako tatakbo. Syempre, babaliktarin ko ang sitwasyon para si Rant ang habulin nila. It's also a 50-50 risk, dahil maaaring habulin din ako ng ibang kasamahan nila. Pero priority nila ngayon ay ang mahuli 'ako'... kaya si Rant ang palalabasin kong 'ako'. Rant is capable of running more than I am. Baka mahimatay na naman ako kung saan.

Nang biglang may nagpa-putok na naman ng baril! "Fuckshit!", naiinis na bulalas ni Rant, habang nagpa-gewang gewang na ang sasakyan at bumabagal na ang takbo!

"Anong nangyayari?", halos lumuwa na sa aking lalamunan ang puso ko! Heck with all this!

"Yong gulong ng kotse!", tukoy ni Rant na natataranta rin.

Hanggang sa tuluyang natigil sa pagtakbo ang sasakyan, lumingon ako sa labas, at sobrang lakas pa rin ng ulan. Halos zero visibility! Natatakot ako! Hindi ako pwedeng mahuli!

Humarap sa'kin si Rant at hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay.

"Bree, takbo na!", nag-aalala ang mga mata niya sa'kin.

Lumingon ako sa likod at saktong tumigil ang sasakyan at wangwang ng mga pulis.

Nawawalan na ako ng hangin! Hindi ako makahinga nang maayos!

Tila ba wala akong naririnig kahit na sinisigawan na ako ni Rant...

Tila ba bumagal ang pagtakbo ng oras...

"Bree~~, tumakbo~~ ka~~ na~~!"

Ayo'kong bumalik sa mga nag-ampon sa'kin! Ayo'kong bumalik sa bahay na iyon! Ayo'ko na ulit makulong! Sana mamatay na lang ako, ngayon na!

"Ili~~ligaw~~ ko~~ sila~~!"

Napailing-iling ako sa takot!

Ayo'kong makulong! Ayo'ko na sa Mathematics! Ayo'ko na sa Physics! Ayo'ko na sa mga libro! Ayo'kong pumunta ng China! Ayo'kong makulong! Ayo'kong makulong sa isang silid na puro libro ang laman! Ayo'ko sa mga nag-ampon sa'kin! Ayo'ko nang mapagalitan! Ayo'ko nang maalala si Neomi sa lahat ng bagay! Ayo'ko nang mabuhay!

"Bree, we have to run!", muling sigaw ni Rant sabay yugyog sa'kin dahilan para magitla akong bumalik sa tamang pag-iisip!

Hinaplos haplos niya ang buo kong mukha na basang basa na pala ng mga luha ko. Pilit kong pinakalma ang sarili...

"Rant, number 49 Zoneville Apartments. Hintayin kita!", mabilis kong tukoy sa kabila ng nanginginig kong katawan.

Hinintay ko pa siyang tumango bago ako mabilis na lumabas mula sa sasakyan, sumalubong sa'kin ang malamig na hangin at tubig ulan, nakita ko pa sa gilid ng aking mata ang papalapit na mga pulis, sabay takbong sobrang bilis!

Run! I have to run for my freedom! I have to run, hoping that this running would finally kill me even before I'm caught!

I'd rather be dead than caught!

Sumulyap lang ako saglit sa aking likod at papalayo na rin si Rant, apat na pulis ang kanyang nasa likod. Dalawang pulis naman ang sumunod sa akin!

Tama. Gaya ng inasahan ko. Sana hindi mahuli si Rant. Sana!

Itinuon ko na ang buong atensyon sa harapan ko. Nagsisitayugang mga gusali ang lahat ng nasa paligid, may nakabunton pang mga basura sa iilang mga gilid, at may mga mangilan-ngilang tao rin na pansin ko'y mga iskwater na nakatira mismo sa daan.

Paano ba ako makakatakas?

Sa kalagayan kong ito na kumikirot na ang aking mga hita, sumasakit na pati mga tuhod ko, pabigat nang pabigat ang bawat malalaking paghakbang ko (with splashes of water everywhere), sobrang bilis ng tibok ng aking puso, at humahapdi na rin ang baga ko dahil sa paghingalo ko ng hangin - kailangan ko ng pagtataguan!

"Hoy! Tigil!", at bigla akong nakarinig ng isang malakas na putok! Nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang balikat ko!

Agad kong hinaplos iyon, pero lalo lang na sumasakit kapag hinahawakan ko, lalo na at parang may likidong lumalabas, pagtingin ko ay... pula! Dugo!

Naramdaman ko na ang pagbagal ng aking takbo dahil hinihingal na talaga ako. Nanunuyo na ang aking lalamunan, na kahit ang ulan na humahampas sa aking mukha ay hindi kinayang ibsan!

Lumingon ako sa likod, at umiikot na talaga ang aking paningin... hindi ko mapagtanto kung malapit na ba sila, o malayo? Bumabaliktad na rin ang sikmura ko!

Nang bigla akong nadapa! Dumeretso ang tuhod at palad ko sa magaspang at basang semento, lalong namilipit sa sakit ang sugat sa aking balikat!

Sinubukan ko pang tumayo, pero tuluyan nang bumagsak ang katawan ko...

"Pare naman! Sabing buhay daw! Bakit mo pinatay?!", narinig ko pang bulalas ng isang Pulis bago tuluyang namayani ang kadiliman sa aking paningin.

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon