- - -
Computer shutdown. Tama lang. Hindi na mao-open pa ang information system namin. Nang pinutol ni Rant ang lahat ng wires dito sa hideout ay hindi pa talaga nabura ang IS namin, but now VIRUS had just destroyed all our database. Gaya ng ginawa ng VIRUS sa IS ng mga Celegriña.
Red alert was also sent to NBFI who has been tracking us from the very beginning! This is our plan that's supposed to be done after weeks. Pero dahil may nakahuli sa amin nang hindi namin inaasahan, wala na akong magagawa pa. I trust Izak that he is on his way here with the Police.
Dahil, geez! Pinapa-ulanan na nila kami ng mga bala!
"Damn it!", bulalas ni Rant sa tabi ko.
Nakatago kami dito sa maliit na mesa, at lahat na ng computers ay nagkasira-sira na! Sobrang gulo na sa buong paligid! All sorts of things are everywhere!
Buti na lang at may nakatago na baril sa may ilalim ng mesa kung saan naka-upo si Rant kanina, kaya naman nakikipag-palitan din siya ng mga bala. At kami naman ni Yelloe ay nagmadaling gumapang patungo sa box ng mga baril na nasa pinaka-gilid ng silid.
Nang dumungaw ako mula sa pinagtataguan namin, at magpaputok din ng baril sa kung kaninuman sa kanila, hindi ko na nahagilap ang kanilang leader. Siguradong umalis na iyon nang magsimula ang barilan.
"Parating na ang mga pulis! Kailangan na nating umalis!", sigaw ng isa sa kanila na hindi ko na masyadong narinig dahil sa walang tigil na barilan.
Pero nang tumakbo ang tatlo sa kanila ay deretsong tinamaan sila ng bala galing kay Rant! Lumingon ako sa kanya.
"We also have to go!", bulalas ko sa kanya.
"Fafa Rant, I'm scared!"
"Tara na!", sunud-sunod na nagpaputok ng baril si Rant habang mabilis kaming tumakbo sa may pinaka-malapit na pintuan sa amin, patungo sa likod-bahay.
Hindi kami tumigil sa pagtakbo nang makalabas kami. This is also planned. How we escape from this house is also a plan!
Nakarating kami sa gitna ng dalawang building. Sa maliit na eskinita kami nagpadali-daling tumakbo, hanggang sa lumiko sa may main street, dito na kami nakasalubong ng iilang mga tao. Sa gilid lang ito ng China Town, patungo sa Market kung saan mas madaming tao.
Natigil kami sa may kanto dahil sa biglang pagsulpot ng isang sasakyan. Saktong sunud-sunod na putok ng baril ang humahabol sa amin!
"Get in!", bulalas ni Izak na nasa driver's seat. Wala pang isang segundo at kaming tatlo ay kumaripas na pumasok sa loob ng sasakyan. Lumiko kaagad ito at isang bala ang tumama sa may salamin kung nasaan si Yelloe.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...