- - -
"Tulong!", walang humpay na sigaw nitong walang kwentang nilalang na buhat ko. Nabibingi na nga ako, ang likot likot pa niya! Buti na lang magaan lang siya, kaya ko siyang itilapon hanggang dulo ng China! I mean, hanggang dulo ng lumang China town kung nasaan kami ngayon, running for our god-forsaken lives from those gangsters! Nasa likod ko lang sila. Kaunting mali lang ng pagliko ko ng takbo ay siguradong huli na naman ako!
"Hayaan mo na kasi ako!", sigaw pa rin niya. "Hindi mo ba naiintindihan? Nagpapakamatay nga ako tapos... you're... ah, what are you doing anyway?", walang tigil na dada niya. Potek!
Nang mas nilakasan pa niya ang pagpupumiglas mula sa pagkakahawak ko sa kanya. Muntik ko na siyang nahulog, fuck!
"Tumigil ka na nga muna!", reklamo ko sa gitna ng paghingalo ko sa hangin dahil sa kakatakbo. Minsan pa kinailangan ko pang umakyat sa mga bunton ng basura, at sipain ang mga naka-harang na mga drum at kung anumang bagay. This takes a lot of fuckin' sweat!
Nang nagitla akong sa pagliko ko sa isang kanto, sa pagitan ng dalawang Chinese House, ay deadend na! Isang malaki at matayog na steel gate ang nasa harapan ko! Kaya naman kinailangan kong lumiko ulit, pero walang daanan sa kanan at kaliwa! Fuck! How did I ended up here?!
"Nowhere else to run!", sigaw ng kung sinuman sa likod ko. At dinig ko ang mga yapak nila na nagsisidatingan.
Hinarap ko sila.
"Haha! Sabi sa'yo e! Wala ka nang kawala ngayon Kamatayan!", saad ng buhat kong tumigil na sa pagpalag. Nakakainis talaga! "Aray naman!", reklamo niya nang basta ko na lang siyang binitawan.
Hinanda ko na ang sarili. Isang madugong away at gulo ang nagbabadya sa harapan ko! Pumwesto ako palikod sa harap ni Bree upang sanggain ang mga taong iyan sa anumang pakay nila sa kanya. I won't let them get my new toy!
"Lahat naman nadadaan sa matinong usapan.", humarap sa'kin ang boss nila, habang pinalibutan na nila ako.
May mga taong nasa tuktok ng magkabilang gusali, may tatlong nakatayo sa taas ng steel gate... Isa, dalawa, tatlo, shit! Lagpas bilang ng daliri ang dami nila!
"Mag-sabi lang kayo ng totoo. Sino sa inyong dalawa ang pumatay kay Perguson?", mainhin na tukoy ng boss nila.
Tapos ay may nagsidatingan na may dalang nakagapos at duguan na lalaki. Basta na lang nila siyang tinulak, na dagli namang napaluhod siya sa harapan ng boss.
"Master, siya 'yong traydor!", paalam ng isa.
Sinabunutan niyong tinukoy nilang Master ang duguang bihag. Hindi ako nagkamaling iyang panget na may pataas na kulay berdeng buhok nga ang boss nila!
"Pernando, sabihin mo sa akin kung sino sa kanilang dalawa ang pumatay kay Perguson.", utos ni Green-hair.
Dagli namang pumaharap sa akin ang tinukoy na Pernando, at nagpabaling baling siya ng tingin sa amin ng laruan kong anghel.
"Ako!", sigaw bigla ni Bree. "Ako ang pumatay kay Perper!", napa-face palm na lang ako. Putspa naman e!
Nagtawanan ang mga gangster pero lumaki lalo ang butas ng ilong ni Green-hair. "Perper?!", pagalit niyang sigaw. "Are you making fun of Perguson, the holy trinity co-leader of Ree-Yuan Fraternity?!", lumulobo rin ang mga ugat niya sa leeg. Napansin ko ang kakaibang accent niya sa pagbigkas ng "R", masyadong matigas! Natawa tuloy ako, tangina! "Why are you laughing?! May nakakatawa ba?"
"Patawa ka e!", tawang tawang akusa ko sa kanya. Shit! Hindi ko mapigilang matawa na tumatagos pa talaga hanggang tiyan ko! Sakit sa panga, taena!
"He is not in his right mind.", sulpot ni Bree sa tabi ko na ngayon ay nakatayo na. "Ako ang pumatay sa kanya! Ako ang pumatay kay Per-gunggong!", tapos lumundag lundag pa siya papalapit sa kanila.
"Namimihasa ka na ah!", at naghanda ng kamao si Green-hair at lumapit din.
Pinigilan ko na si Bree, naiintindihan ko namang nagpapapakamatay siya, at ayo'ko pa nga siyang mamatay! Lalaruin ko pa dapat siya!
Kanina ko lang din napag-desisyunan. Kaya ako mabilis na natakbo kaninang nakita kong nasa panganib siya, at kaya sinubukan kong karatehin ang mga gunggong na iyan, at kaninang habang tulog siya nang nakagapos kami... napag-desisyunan kong kaya lang gusto ko siyang iligtas ay dahil nga nakahanap na ako ng bagong laruan! Tsk, lalaruin ko pa siya... bawat parte ng katawan niya... Shit! Iniisip ko pa lang, nasasabik na ako!
"Bitawan mo nga ako!", palag muli niya sa'kin, pero hinigpitan ko ang hawak sa braso niya at tinulak ko siya paatras. Bumangga siya sa steel gate. "Gago ka e!"
"Master!", bulalas ni Pernando kaya natigil si Green-hair na lumapit.
Halatang nanginginig ang buong katawan ni Pernando, paos din ang boses, tingin ko ay dahil sa kakasakal sa kanya. Natatawa ako sa itsura niya! Ganyang itsura ang gustong gusto ko. Mas masarap sanang pagmasdan ang kalagayan niya kung ako ang may gawa! Pinakalma ko ang nangangati kong palad...
"Hindi ko matukoy kung sino sa kanila! Magkamukha sila e!", mangiyak ngiyak na dagdag ni Pernando.
Bumuntong hininga ang Master. Halatang nagpipigil ng galit, tsaka niya kwinelyuhan ang lalaking malapit sa kanya. "Sabihin mong mali ako ng dinig! Magkamukha? Anong ibig sabihin nu'n?"
Napailing sa takot iyong kausap niya. "K-Kambal p-po ata s-sila.", nauutal niyang pagkompirma.
"Kambal? Ibig sabihin, magkadugo sila?", at tumawa si Green-hair nang pagkalakas.
Natawa rin ako, fuck! Hindi ko talaga mapigil tumawa. Kambal ko raw ang anghel na iyan?! Mga sira!
"Pwes wala nang usap usap! Patayin silang dalawa!", sigaw ni Green-hair.
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...