Maze 1: Lieutenants

1.3K 36 8
                                        




The pin on her uniform sparkles the name Lieutenant Gonzaga as she looks at herself in the mirror and saw the light scratch on her cheek.

It's nothing deep or deadly, just another day in the office, like what they say.

That's 2nd Lt. Jovelyn Gonzaga, 28 yrs. old.


"Jovs." sambit ng taong kakapasok lang sa kwarto niya habang suot suot din ang kaperahang uniform nito— except the pin on her uniform is engraved with Lieutenant Reyes.

"Mika, bakit hindi ka pa umaalis?" tanong niya.

Mika shrug. "Just saving some gas." tatawa-tawa nitong sambit.

Umiling na lamang si Jovs sa sagot ng kausap.

That's 2nd Lt. Mika Reyes, 27 yrs. old.

*****


JOVS

Pabalik na sana ako sa aking opisina para kunin ang ilang gamit ko, mahaba na ang araw at gusto ko nalang sanang mahiga sa kama ko pero nakasalubong ko si dad. Sumaludo naman ako as respect, he's not just my dad, he's the Admiral as well.

I idolize him when I was a kid, sobrang cool niya tingnan kaya sabi ko, pag laki ko ay magiging kagaya niya ako. Well, I wanted to become like him, maliban sa isang bagay.


"Nasaan ang kapatid mo?" tanong niya with a straight face like the usual.

Oh, and he's referring to Mika.

Sister— half sister to be exact.

"Bakit, sir? May kasalanan nanaman ba siya?" natatawa kong tanong kay dad. I call him sir kapag nasa crame out of respect, unless I feel like calling him so.

"Guess what?" I gave him a questioning look dahil sa sinabi niya. "Wala." at tumawa rin ito. Mika sure is a pain in the ass, well I won't exclude myself because we both are, mas nag-iisip nga lang talaga ako sa aming dalawa. "Nakita mo ba siya?" tanong nito.

Umiling naman ako. "Hindi ko siya napansin, sir. Bakit po?" usisa ko.

"Wala naman, may ipapasundo sana ako." Ibinulsa naman niya ang kanyang mga kamay. "May gagawin ka ba?"

"Wala naman, sir. Magrereport lang ako saglit kay Gen. Fajardo."

Tumango naman ito. "Kung sakaling makita mo ang kapatid mo, sabihin mo sunduin niya yung anak ni Lieutenant Racquel at pumunta ka sa office ko." bossy nitong tanong, as always. "May dala ba siyang sasakyan?" umiling ako kaya inabot niya ang susi ng kotse niya. "Kung hindi mo siya mahagilap, ikaw na sumundo. Is that clear?"

I sighed. "Sir, yes sir." sagot ko at sumaludo na.


Dad walked past me kaya nagtungo na rin ako sa opisina ni Gen. Fajardo para dalhin yung mga papers na kailangan niya.

Sinubukan kong tawagan si Mika ngunit hindi niya sinasagot ang phone niya ano pa nga ba? Nagpunta naman ako sa madalas niyang pinupuntahan, and there she is chit-chatting with her let me quote— "friend".



"Mika." tawag ko dito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakaupo sa lamesa, minsan talaga, hindi mo aakalaing nasa militar ang taong 'to. Yes, she's good pero hahanapin mo yung disiplina sa katawan niya.

"Hi, lieutenant." bati ni Nurse Dennise Lazaro sa akin.

"Hi, Den." tinanguan ko naman siya atsaka tinaasan ng kilay ang kapatid ko. "Wow, do you own this space ha?" tanong ko naman kaya inirapan niya ako. "Catch." sabay bato ko sa kanya ng susi ni dad.

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon