RachelNagkayayaan ang mga kaibigan ni Mika sa Jack's Pub. Ayoko na sanang sumama dahil halos parang ngayon nalang ulit siya sasama sa kanila but she insisted that I should go with her para maipakilala niya kao formally. Hindi namin alam how they'll take this announcement pero bahala na.
Nakita namin mula sa malayo na nagtatawanan sila. Ara's entertaining Dennise, habang si Kim naman ay nagkukwento lang din. Pinisil ko pa ang kamay ni Mika to try backing out pero nginitian niya lang ako at hinawakan ng mas mahigpit ang aking kamay.
Nang makarating kami sa table nila ay bigla silang natahimik. Inilingkis naman ni Mika ang kamay niya sa aking bewang.
Is it wrong for me to think that at time like this, I felt safe in her arms?
Tumingin naman si Mika sa akin at nginitian ako, saka ako pinakilalang girlfriend niya sa mga kaibigan niya. Ofcourse, I said hi to them kahit halatang napilitan ang kanilang mga ngiti ay ayos lang, naiintindihan ko naman e.
Si Dennise ang gusto nila para sa kanya.
"Oo nga pala, I haven't congratulated you yet. Congrats, Major." bati ni Beatriz sa akin kaya nginitian ko siya.
"Thank you, Bea."
"Bakit pa ba kasi niyayaya yan?" tanong ni Ara.
"Ako naman kasi nag-aya kay Mika." wika ni Kim.
"If you don't want me here, okay lang naman. Hindi ka na bata para magparinig, sergeant." Nginitian ko naman siya. "Ayoko naman sumama e, mapilit lang itong kaibigan niyo."
Napabuntong hininga naman si Mika. I can feel her disappointment. "Wanna go home instead?" tanong niya.
"Join your friends, babe. Uuwi na lang ako, I could take a taxi so no need na para ihatid ako." Tinapik ko naman ang balikat niya.
"You can stay, Major Daquis." sambit ni Den at ngumiti.
"Wag na, I'll let you guys catch up." hinarap ko naman si Mika at bumeso na dito. "Ako na mag-uuwi ng sasakyan, don't drink too much okay? Sa barracks ka na matulog."
"Fine. Hahatid na kita sa labas."
She walked me out at nanatiling nakatayo sa gilid ng sasakyan. She's staring sadly at me kaya tinawanan ko siya before giving her a peck. We bid our goodbye at dumeretso na ako sa aking unit.
Sumalampak ako sa aking couch nang makauwi ako. I hate how annoying people can be. Hindi ako sanay sa asta nila sa akin. Ganyang ganyan si Mika noon e, and I hated her for that.
"Nak, okay ka lang? Kumain ka na ba?" tanong ni mom at tumango naman ako. Kumain naman kami bago pumunta sa Pub dahil kung iinom si Mika, hindi pwedeng walang laman ang tyan niya.
"Hindi ako sanay na hindi ako ginagalang 'mi." sambit ko. Sa ilang taon ko sa serbisyo, I did my best para makuha yung respetong deserve ko.
"Alam mo naman yan anak, respect is earned."
"Tapos? Babawiin nila because mahal ko si Mika?" I chuckled. "It shouldn't work that way."
"At hindi lahat ng gusto mo, pwede." she smiled at tinabihan ako. "You see, anak, nasa sa tao yan is they'll respect you or not. Si Mika kilalang ganun, but she never did that to me, alam mo kung bakit?" umiling naman ako bilang sagot. "Kasi naiintindihan ko siya, I don't force things on her. Kung anuman ang turing niya sa akin, I earned that kahit hindi naman dapat. Tumawa pa ito. "We can't ask people para galangin ka, nasa sa kanila iyon, okay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/174268520-288-k55451.jpg)
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...