RachelBumaba ako ng kotse at huminga ng malalim. Nasa bahay ako ngayon ng admiral dahil gusto niyang pag-usapan ang mga bagay bagay. Since off niya, ako na ang nagpresintang pupunta dito dahil na din kay Jovs. Sinigurado kong nakaalis na si Mika, baka kung ano pang hindi maganda ang magawa ko kapag nakita ko siya.
"Major." bati sa akin ni admiral na nakaupo sa may salas at sumenyas naman itong umupo ako kaya't umupo ako sa may harapan niya. "Tulog pa si Jovelyn sa kanyang kwarto." panimula nito at tumango naman ako.
"Tungkol ho ba sa kanya ang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Sir, ito na ho ang kape niyo." sabay lapag ng kanilang maid ang isang kape-barako.
"Pakibigyan din ang ating bisita. What would you like?" tanong ni admiral.
"I'd like it creamy." sagot ko at umalis na rin ang kanilang maid.
Uminom naman si admiral sa kanyang kape at tumingin sa akin. "Actually, this isn't really about my first born. It's about Mika."
"Gusto niyo po bang layuan ko si Mika? Hin—" he cutted me.
"No. Sayo siya masaya, bakit ko naman kukunin iyon?" sabay ngiti niya at napabuntong hininga. "Ngayon ko lang naintindihan si Mika." panimula niya. "She's selfish." napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig.
"Excuse me? Paano siya magiging selfish kung halos ibigay niya na ang lahat?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Major, being selfish doesn't always mean na lagi mong inuuna ang sarili mo. It's all in our mind, the definition of selfish can go either way round. So here's a metaphor, nung kinuha niya yung mansanas at sinarili, pinagkaitan niya ako, she's selfish." Sabay tawa niya. "Nung hindi ko siya binigyan ng tubig dahil pareho kaming uhaw na uhaw, naging madamot ako, I am selfish. ow come to think of it, hindi ba't ganun ang nangyayari ngayon?" tanong niya.
"Sir, hindi ko kayo maintindihan." I was trying to digest things.
"She's being selfish, in a way na pinagkakaitan niya ang sarili niyang makasama ka." he sighed. "Pinagdadamot niya ang kasiyahan sa sarili niya." tumingin naman siya sa family picture nila. "Sometimes, being selfless is being selfish. She has broken up with you, diba?" tanong niya na tinanguan ko naman. "Did she really think na hindi siya obvious?" sabay tawa naman ni admiral at napailing. "Alam mo, matalino naman ang batang iyon sa labanan, pero tonta talaga sa pag-ibig. Haaay. Major, I want you to help both of them kung pwede lang naman. If you think this isn't too much to ask." sabay kamot niya ng kanyang batok.
"I—"
"I don't want you to get back with Jovs." seryoso niyang sambit. "You deserve happiness as well, major. Hindi mo na maibibigay yun ng buo kay Jovs, at lalong hindi mo na iyon makukuha sa kanya. I don't want to force you, I just want you to help Jovs until she's okay. She's still on the depressive side, and ayokong lamunin siya nun, mas matatagalan ang recovery niya. Yun lang ang hihilingin ko. Then go, remind Mika who her happiness is." nagde-cuatro naman siya at muling humigop sa mainit niyang kape. Napatingin naman din siya sa kanyang orasan. "You can wake Jovs up now and thank you, major." ngumiti naman siya. "Thank you, I trust you on this one."
Tumango naman ako. "I'm really sorry for causing this sa pamilya niyo, admiral."
"It's no one's fault, major. Or if there is, ako siguro, ako nagpadala sa kanila dun in the first place." he sighed.
"That's character development, admiral." sabay tawa ko at napailing naman ito. "Pupuntahan ko na po si Jovs." tumango naman siya.
Mabigat ang mga paa kong dinala ang aking sarili sa kwarto niya. Ang kwartong noon ay halos tambayan na namin makapaglambing lang. Ang kwartong saksi ng mga sandaling hindi na mababalikan.
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...