JovsDumating na yung military truck at isa-isa nang bumaba ang mga sakay. Excited akong makita si Rachel, mahigit isang linggo na rin ang lumipas. Nanlamig ako nang hindi ko makita si Rachel at Mika kaya naman sinilip ko pa ang laman ng truck.
Wala na.
Nilapitan ko si Ara para tanungin. Both dad and I were waiting for answers, hoping na it'e not bad as it seems.
Napalunok ako ng laway, nakayuko lang siya. "Tell me it isn't what I'm thinking." Nanginginig kong tanong. Parang gusto nang lumabas ng puso ko sa aking dibdib sa sobrang kaba.
She sighed at tiningnan ako sa mata. "No. They're pretty much alive." Sabay ngiti niya ng pilit.
"Where are they?" Tanong ni dad trying to keep his composure.
"Sir—" napaiwas naman ng tingin si Ara. "Nahuli po sila ng mga rebelde."
I saw how dad's hand clenched. "How was that even possible?"
"Sir." sabay saludo ni Private Leo. "Loaded po ang western part, but because of Major Santillan, we pushed through."
"Is this about that unread folder?" tanong ko sa kanila at tumango naman si Ara. Nabanggit sa akin iyon ni Rachel pero hindi na rin nga niya ipinilit pa dahil na rin sa sinabi nitong hindi mapagkakatiwalaang informants. Tiningnan ko si Santillan at nilapitan siya. "Konti nalang iisipin kong espiya kang hayop ka." sambit ko dito. "Why is it troops under your supervision always end up in a bad situation ha, Santillan." I opted not to include his rank, I meant no disrespect pero ang gago e. Hindi lang isa o dalawang beses to nangyari.
"Hindi mo binigay yung pinapabigay ko?" tanong ni dad at umiling ito. "Mag-uusap tayo in my office, Major Santillan." wika ni dad.
"Yes, sir." parang tupa nitong sagot.
"Look what you've done." gusto ko na siyang suntukin, sa totoo lang. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Ara. "Why? Bakit parehas sila? Hindi ba sila naghiwalay? Ano? Lahat kayo nasa isang lugar? Mika wouldn't do that." Ani ko dahil kilala ko ang kapatid ko. Hahatiin at hahatiin niya ang troop at lalong hindi iyon sasama sa leader.
"Lieutenant." napabuntong hininga naman si Ara.
Magsasalita pa sana siya nang tumunog naman ang isang phone. Agad kinapa ni dad ang bulsa niya at kinuha ang phone niya. Tumingin naman siya sa akin, isang unknown number. Sinagot naman niya iyon at hindi nga kami nagkamali na ang mga rebelde ang tumawag.
They were asking for money kapalit ng kaligtasan ng dalawa. Gusto na sana ibigay ni dad kahit sarili niyang pera, gustuhin ko man but I can't let him do that. He's being overpowered by his emotions, kailangan pa rin namin makipag-usap sa gobyerno.
I tried to calm him down but I guess emotions got the best of him. Tiningnan niya si Santillan kaya agad ko na siyang pinigilan, reminding him that he knows better.
Muli namang tumunog ang phone niya kaya ako na ang sumagot ng tawag dahil baka ano pa ang masabi niya.
"Hello?"
"Jovs?" rinig kong boses mula sa kabila.
"Mika, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. "Si Rachel? Are you guys perfectly fine?" usisa ko.
"She's, aray!"
"Mika? Huy."
"Bilisan niyo na dyan." sambit ng nasa background.
"Okay lang kami. If they asked for something absurd, waive it but please save your girl here." saka naputol ang tawag.
*****

BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Hayran Kurgu(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...