Maze 3: This is wrong

805 29 22
                                        




MIKA

Mag-aalas sais na nang pumunta ako sa infirmary para sunduin si Den. Naabutan ko naman doon si Lt. Rachel kasama si Lt. Racquel kaya binati ko naman silang dalawa.


"Tita." sabay yakap ko kay Lt. Racquel. I have grew fond of her, really. She looked after me in this cruel world dahil malayo si mom sa akin. And yeah, we call each other so casually. "Hindi niyo ho nasabi sa akin na maganda yung anak niyo." natatawa kong sambit at nginitian si Rachel na may halong pang-aasar. Inirapan naman niya ako. Napakasungit talaga, akala mo walang kasiyahan sa katawan e.

Tumawa naman si tita. "Nagkakilala na pala kayo." nginitian niya ako at pumaling kay Rachel. "Siya yung nakukwento ko sayo, nak."

"She's very different sa kwento mo, mom. I think you went overboard." poker face nitong tugon.

Tumawa lang ako at naupo sa lamesa. "Gusto nga akong maging manugang ni tita." nakangisi kong sagot sa kanya.

Sa halip na sagutin ako ay lumayas na lamang siya dala ang iilang folders, tumawa na lamang din si tita. "Pagpasensyahan mo na ang batang yan, ganyan talaga yan e."

"Nako, wala naman pong kaso sa akin yun, tita." sagot ko at tumawa.


Nagpaalam na rin ako sa kanya at nagtungo sa pwesto ni Den na nagliligpit na rin. Kinuha ko ang ilan niyang gamit para tulungan siya, hindi naman siya nagreklamo, kailangan naman talaga niya kasi ng tulong sa dami ng dala niya.


"Landi mo." bintang niya.

Natawa naman ako. "Selos ka naman." paratang ko din sa asal niya.

"Asa ka pa." sabay kurot niya sa tagiliran ko kaya napangiwi ako. "Wala kang kahihinatnan sa kalandian mo. Di mo gayahin yung ate mo."


Napatigil naman ako sa sinabi niya kaya nilingon niya ako with apologetic look. I am so disappointed sa narinig ko. I let out a sigh kaya narealize niya bigla ang nasabi niya. She knows very well that I hate comparison, lalo na kay Jovs, may it be positive or negative. I just don't. Magkakakiba ang tao, no need to compare.


"I'm sorry. I— I didn't—"

I cut her. "It's fine, Dennise." malamig kong tugon at binuksan ang pinto ng backseat para ilagay ang iba niyang gamit doon. "I think I'll have to pass tonight. Drive my car, sasabay nalang ako kay Jovs." Sabay abot ko ng susi sa kanya.

She pouted. "Pero, Mika."

Umiling ako. "Don't push it, Den. Mag-ingat ka." sambit ko.


Ibinulsa ko na ang kamay ko at nagtungo nalang sa free space dito para mag-unwind. Tinext ko na lamang si Jovs na itext ako kapag uuwi na siya.

*****


JOVS

"Sir, uuwi na po ako." paalam ko kay dad.

"Ang kapatid mo?" tanong niya.

"She'll be home, dad. Wala namang ibang pupuntahan yun." paalala ko. "Don't be too hard on her." Plain kong sambit kay dad, it's his fault anyways, tapos lagi niya pang pinupuna ang kapatid ko miski sa napakaliit nitong mga kilos.

"Am I?" tanong niya.

"You are, dad." I smiled at him. "Parehas lang naman kami ni Mika na pasaway, but you always tend to side on me, and you always go lighter on me."

Napailing na lang siya. "You both needed to be disciplined depending on the gravity of your misdeeds."

"Ayun na nga, dad. Have you heard her ever explained herself? She took the blame." ayoko man aminin to, but Mika always saved my ass back then. "She can't, because you won't believe her anyway." I smiled. "I'm going."



LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon