Jovs
It's been what? 3-almost-4 years simula noong bumalik ako at nalaman kong hindi na ako. She's pregnant, and I really am happy for them
Am I hurt? Konti.
May nararamdaman pa ba ako sa kanya? Wala na.
Pero sa loob ko, hindi ko pa rin lubos maisip. Patuloy tinatanong kung bakit hindi ako? Bakit hindi na lang ako? May kulang ba ako? Hindi ba ako sapat?
Napatingin ako sa kanila ni Mika, they look happy— happiest that I have ever seen them.
"You look so lost." sambit ng kasayaw ko ngayon. "Magiging tita ka na." she smiled at me, pero parang hindi bukal ang mga ngiting iyon.
"Ah, oo nga e." sagot ko. "Maswerte si Mika." kumento ko.
"Bakit? Kasi nasa kanya yung taong sana'y sayo?" muli siyang ngumiti, pero mapait na ang mga iyon at pilit.
"That's not what I meant, princess." sagot ko sa paratang niya.
Inayos naman niya ang kwelyo ng suot ko. "I'm tired, I'll go home."
"Hahatid na kita." wika ko.
Tumawa naman ito. "Kasama ko bodyguards ko, remember? Enjoy the night, Langga."
Sinamahan ko naman siya magpaalam kanila mamu at dad. Tahimik din siya habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan. Napabuntong hininga naman ito bago ako lingunin saka yumakap sa akin.
"Thank you." sambit niya.
"For?"
"For everything." she smiled before kissing my cheek. "Goodbye, lieutenant." sabay pasok na rin nito sa kanyang sasakyan.
I wave goodbye saka bumalik sa loob. I texted her goodnight at nagreply lang ito sa akin ng smiley.
*****
Relieve na ako as Gretch's personal bodyguard whenever she visits the Philippines, pero dahil nakasanayan ko na lamang din na samahan siya kapag nandirito siya, I always tell her na she could hit me up whenever she feels like.
Hindi naman siya nagtext after Mamu's birthday, hinayaan ko lang since hindi naman talaga ako nagtetext sa kanya unless she texted me first. It's been a week na wala siyang paramdam kaya naman sinubukan ko siyang tawagan ngunit cannot be reached ito, sinubukan ko din ang numero ng bodyguard niya— cannot be reached.
Agad akong nagdoorbell sa kanyang kwarto, nakailang ulit ako pero wala ring sumasagot kaya naisipan kong bumaba muli sa lobby para itanong kung lumabas ba ito. Wala naman kasi siyang sinabi sa akin.
"Miss, nakita niyo bang lumabas yung may-ari ng room 511? Ah, matangkad na may bodyguard kung lumalabas? Singkit din siya." tanong ko.
"Ah, wala pa po yung bagong buyer, bukas pa ang dating nila dito." sambit nung nasa frontdesk kaya napakunot ang noo ko.
"Bagong buyer?" tanong ko.
"Opo, iniwan na po nung dating may-ari yung susi kahapon lang po."
"Dala ba ang maleta niya?" usisa ko at tumango naman ito. "Thanks."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...