Mika
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ara habang nilalagay ang gamit namin sa military truck. Ginulo ko naman ang buhok niya para kunin ang kanyang pansin. Malungkot ang ngiting ibinalik niya sa akin kaya naman tumigil muna ako sa paglilipat.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot. Naniniwala ba siyang paniniwalaan ko siya matapos niya akong tingnan ng ganun? "Seryoso kasi, Ara. Para naman tayong iba dito e." nag-aalala kong tanong. "I can't let you join kung ganyan ka, ipapaiwan talaga kita dito." sambit ko.
Bagsak ang balikat niya nang ako'y kanyang lingunin. "Tangina, Ye, natatakot ako." she bit her lower lip. "What if I don't make it out? Maswerte na nga ako nung una e, kaso para naman akong tanga kung hindi ako sasama dahil dun."
Kinuha ko ang sumbrero niya at inayos muna ang buhok niya bago ipatong iyon. "Alam mo, Ara—" I sighed at hinawakan ang dalawa niyang balikat. "Okay lang na matakot ka. Okay lang na kabahan ka. Okay lang din kung ayaw mo dito, I mean, meron naman na dito lang naka-base diba? I could tell them kung gusto mo talaga."
Umiling naman siya. "Gusto ko ito, Mika. Helping our countrymen in need, sadyang natatakot lang ako."
Ibinaba ko naman ang sumbrero niya hanggang sa lebel ng kanyang mga mata. "There are other ways to help. Iiwan kita dito for this mission, ayokong sumabak ka sa labanan na ganyan ang mindset mo."
"Pero, Mika—"
"No." pagtutol ko. "Ayokong mapahamak ka, alam mong mas prone tayo sa disgrasya kung wala sa focus ang isipan natin." I tapped her cheeks naman nang mag-angat siya ng tingin. "Stay here, and that's an order."
She sighed. "I'm really sorry."
Hineadlock ko naman siya at kinutusan. "Kargo pa rin kita kapag napahamak ka, atleast nalaman ko. Sige na, help them."
Nagtungo na muna ako sa CR para maghugas ng kamay, bigla namang pumasok si Lt. Rachel at naghugas rin ng kamay.
"Ready?" tanong niya.
I smiled at her while looking at her through the mirror. "Ofcourse. Dapat lagi kang handa."
"Good to hear that, lieutenant." sabay ayos niya na rin sa pantalon niya. "Ang mata, bakit bumababa?" sabay tawa nito.
Gusto ko sana siyang hampasin pero baka mainis e. "Ang kapal ha." sabay irap ko.
Tumawa nanaman siya. "Guilty." at dumila pa!
I scoffed. "Nga pala, lieutenant, pinaiwan ko si Srgt. Galang. She's not—"
"And why did you do that without my permission?" pag-interrupt niya sa akin.
"She's out of focus, I can't let my friend go on sa battlefield na hindi buo ang loob niya."
Tumaas naman ang kilay nito. "Edi mahina siya."
That made me scoff. "Woah? Am I hearing that right?" I stood tall before her kahit commanding officer ko pa siya. "Hindi porket natatakot, mahina na. Iba ka, iba siya. Huwag na huwag mong ikukumpara ang tao kasi hindi tayo magkakapareho, may it be upbringing or character wise." I really hate it, kahit pa indirect ang comparison niya. "Mahina? Yung taong sinabihan mo ng mahina almost lose her life protecting civilians. 7 days sa ICU, 7 fucking days battling for her life." I lost my cool. "Fuck off, lieutenant."
Nagulat naman ako ng humalik siya bigla sa labi ko. "Ang init naman ng ulo. I'm sorry, okay? That wasn't what I meant. Halika na."
![](https://img.wattpad.com/cover/174268520-288-k55451.jpg)
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...