RachelKanina pa siya hindi nagsasalita dahil sa nangyari. I wanted to assure her, pero paano ko gagawin iyon? Kung sarili ko mismo pinagdududahan ko?
Hindi nararapat ang sagot na mahal ko siya, sa tanong na kung paano kung bumalik na ang kapatid niya. Alam ko namang kumplikadong bagay ang pinasok ko, at ngayo'y nahihirapan ako because a part of me wants Jovelyn back.
Hindi ako sure kung gusto ko ba ituloy kung anong meron sa amin, o closure dahil mayroon na akong bago.
Napatingin ako kay Mika na seryosong nagdadrive pauwi. Usapan naming sa unit niya ako matutulog, ngunit patungo sa unit ko ang tinatahak naming daan. Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong kailangan niyang huminga ngayon— huminga malayo sa akin at sa alaala ng kahapon.
I held her hand na nasa kambyo, napatingin siya sa akin at binigyan ako ng malungkot na ngiti bago muling ibalik ang tingin sa kalsada. I felt guilty nang ipagdaop niya ang aming mga kamay, na sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ay kaya niyang ipadama na natatakot siya na mawala ako.
I pursed my lip before biting it slowly. Mahal ko si Mika, at gusto ko lang naman makumpirma kung ang nararamdaman ko kay Jovs ay wala na ba talaga, o nagtatago lang dahil ako'y nasaktan sa kanyang pagkawala.
Tumigil na siya sa harap ng condo. Tiningnan ko siya at pinaharap sa akin. Her eyes are about to cry kaya naman nalungkot ako. She caressed my cheeks at humalik sa noo ko. I held her hand na nasa pisngi ko at tumingin sa kanyang mga mata.
Ngumiti siya, pero puno ng pait ang kanyang mga mata.
"Mag-ingat ka." Sambit ko at tumango naman siya. "Mag-ingat ka aking mahal."
Ngumiti naman siya. "Araw-araw, ikaw ay aking hihintayin." Marahan naman niyang inilapat ang labi niya sa aking labi. "I already risked everything just to be with you. Mahal kita, Rad. Mahal na mahal kita."
"Mahal din kita, Mika. In many ways, in many aspects."
Muli siyang ngumiti. "Akyat ka na, I'll see you sa office tomorrow?"
I nodded and gave her a warm kiss. "I love you, baby. I'll see you tomorrow."
Tumango siya at agad na umalis. hindi na nga rin kami nakapag-usap sa opisina nang makarating kami sa crame, hanggang sa pag-uwi ay parehas naming ayaw magsalita.
Dumeretso ako sa aking kama at sinalampak doon ang sarili ko. Kumuha ako ng unan at doon isinigaw ang inis na nararamdaman ko sa aking sarili. Naiinis ako dahil alam kong nasaktan ko si Mika, at mas lalong naiinis ako dahil hindi ko pa din maintindihan ang sarili ko, kung ano o sino ba talaga.
Nahiga ako ng maayos at tumingin sa kisame, tinext ko si Mika na mag-ingat siya at magtext or tumawag once she got home. Nakatanggap ako ng reply, jgh, at alam kong dito na natatapos ang gabi para sa amin.
Mika and I barely fight. Hindi ko alam kung bakit, is it because mature siya mag-isip kaysa kinikilos niya? O dahil alam namin parehas kung ano talagang pag-aawayan namin?
Baka nga yung pangalawa, alam namin, at iniiwasan namin ito.
Napaupo ako at hinila ang aking buhok sa sobrang inis. Parehas namin kailangan ng oras, oras para sa sarili namin para makapag-isip ng mga bagay-bagay.
I just hope this wouldn't drift us apart.
Mahal ko si Mika.
*****
Mika
"Kanina ka pa nakatulala dyan." Sambit ni Beatriz na nakaupo sa hospital bed. Ngayon kasi ang discharge niya at hinihintay nalang namin ang sundo niya. "Okay ka lang ba?"

BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfiction(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...