Maze 16: Get your head straight up

559 31 41
                                    


Mika

"Goodmoan— I mean, Goodmorning, lieutenant." bati ni Rad nang pumunta ako sa may dining at naupo sa silya. 

I gave her a bored look, maaga pa para humarot. Talaga tong babaeng to. "I feel tired." sabay dukdok ko ng aking ulo sa may lamesa. "Anong oras na ba?" tanong ko. 

"Alas onse na ho. Kanina pa kita ginigising for breakfast, ayaw mo naman tumayo." sagot niya. 

Paanong tatayo e hindi na nga ako makabangon dahil anong oras na kami natulog. "Inaantok pa ako." naramdaman ko namang may itinuktok siya sa ulo ko. "Aray naman." sabay himas ko rito. 

"Kakain na, umayos ka na ng upo." 


Sinunod ko naman ang gusto niya at kumain na nang tahimik. Nginuya ko maigi ang pagkain ko, nagco-contemplate pang maigi kung tama ba tong mga pinaggagagawa ko sa buhay. 

I really don't feel like going home yet kaya naman I stood up at kinuha ang phone ko para tawagan si Jovs. Since may spare key naman siya ay pakainin niya si Max. 

Just when I hit the end call button ay may naramdaman akong malilikot na kamay sa gilid ko. Jusko naman, Tenyente. Hindi ba ito napapagod?


"Rad, please. I'm tired." wika ko when she started giving me kisses. 

"Really?" Her hands were still scanning my body. 

My phone rung at nakita kong si Den iyon kaya agad kong sinagot kahit hinaharot pa rin ako ng kasama ko. "Hello, Den." my voice was ragged. 

"Hey, are you okay?" tanong niya. 

"I-Im fine." I stuttered. Rad was kissing my shoulder blades. "Napatawag ka?"

"Nagyayaya kasi sila Ara, Tagaytay daw." sambit nito. 

"W-what time?"

"Alis daw tayo ng 2 PM. Teka, sigurado ka bang okay ka lang? Your breathing sounded not so fine. Okay lang kung magpapahinga ka muna." bakas ang pag-aalala sa boses niya. 

I felt a smirk in my neck at bigla akong kinagat. "Aray!" sabay halik niya rito. Her kisses went up hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni Den at bigla akong napaungol ng mahina. 

"Tangina naman, Mika! Kung nakikipagharutan ka sana naman hindi mo na sinagot yung tawag!" sabay baba nito ng phone call. 

"Shit." wika ko at hinarap si Rad. Naihilamos ko na lamang ang palad ko sa aking mukha. "Look what you've done."

Tumawa naman siya at tinulak ako. "What? Gusto mo ba siya?" sabay tawa nito. 

"Wala ka na don." bored kong sagot and walked past through her. 


I texted Ara na lang na sasama ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko, sa condo na ako maliligo. Lalabas na sana ako ng kwarto ni Rad nang may biglang nagdoorbell. 

Shit. 

Walang pwedeng makakita sa akin. 


"Oh, hi!" masigasig na bati ni Rad. "Napadaan ka?" 

"Nga pala, bulaklak, para sayo." 


Holy fuck.

No. 

Sumaglit ako ng tingin dahil hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon. Out of all the people na pwede kong maisama sa kalokohan, bakit si Rad pa?

Shit. 

Shit. 

Shit.


"Thanks, Jovs. Gusto mo bang pumasok muna?" tanong pa ni Rad. 


Please no! Gusto ko nang umuwi and I can't do that.

I can't break her heart. 

Hindi ko naman lubos akalain na si Rad yung kinukwento niya sa akin. 


"Hindi na, Chel. May inuutos pa kasi sa akin si dad. Pero how about dinner later?"

"Sure, I'll see you later then. Bye. Ingat ka."


When I heard the door closed ay lumabas na ako, wearing what I was wearing yesterday kahit nanlalagkit ako suotin ulit itong maruming damit na ito. 


"Can I borrow your phone?" tanong ko kay Rad with a straight face.

"Why? May tatawagan ka?" tanong pa niya at umiling ako. Inabot naman niya iyon kaya binura ko ang convo namin, maging ang number ko. Clinear ko rin ang call logs niya, I don't want any connection sa kanya. "Hey! Bakit mo dinelete?!" 

"Alam mo ba kung ano yung gulong ginawa mo? Or gagawin? Tangina naman, Rad!" inis kong sambit at nasabunutan na lamang ang sarili. 

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan."

I scoffed. "Sigurado ka ba?"

"What? Are you jealous? Nagseselos ka ba na pumunta si Jovs dito? Please, walang tayo. Wala kang karapatan makaramdam ng kahit ano." 

No, hindi ako nasaktan sa sinabi niya pero ang kapal ng mukha niya para isipin ang ganung bagay. "Minsan talaga masyadong mataas tingin mo sa sarili mo noh?" natatawa kong sambit. "Ipapaalala ko sayo, you brought me in this situation. Lagi kang nandyan seducing me. Tangina mo." hindi ko na napigilan ang sarili ko. "At wala akong pakealam kahit ilang bulaklak pa ibigay sayo ni Jovs, kahit bigyan ka pa niya ng isang buong flower shop. Siya ang concern ko, hindi ikaw."

"Oh, so gusto mo si Jovs?"

Natawa ako nang malala. "Tangina, seryoso ka bang hindi mo alam?"

"Ang alin ba?!" sabay hataw niya sa balikat ko. "Kanina ka pa salita nang salita pero wala akong naiintindihan sa gusto mong sabihin!"

"You are fucking me and you're letting MY SISTER court you." sa sinabi ko ay natigilan siya. "Hindi mo alam na kapatid ko siya? The hell." 

"Pero—"

"Fine, wala kang alam." I shrug. "But this is it, I'm cutting ties with you. No more hookups, I can't let this game hurt my sister." wika ko.

"Mika." her voice sounded like she wants me to stop what I'm about to do, but no can do.

"Don't even try to bargain, lieutenant." sambit ko with a straight tone. "Get your head straight up, kung gusto mo kapatid ko, go. I won't meddle, pero pakiusap ko lang, make this the last hookup you're having kung balak mong magustuhan ang kapatid ko." I brushed my hair up. "Gosh, how stupid of me. I'm going." 


Hindi ko na siya pinagsalita pa at lumabas na ako ng condo niya. Agad akong nagtungo sa parking at kinuha ang aking sasakyan para bumyahe pabalik ng condo. 

Nagtatatahol naman si Max pagbalik ko kaya agad ko siyang niyakap. I told him kung gaano ako kagago and everything. 

Naligo ako, I scrubbed hard para mawala lahat. I hated myself, I was fucking yung taong gusto ng kapatid ko. Ghad, I hated every inch of me. If only I have known from the start ay hindi ko papasukin to. 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon