JovsMeron kaming friendy Airsoft battle sa platoon ni Mika. She was being her playful self at nakipagpustahan pa sa akin kaya naman pinaunlakan ko ang alok niya. The loser would need to do something outrageous, depende sa kung anong gusto ng mananalo kaya naman naghanap na sila ng mga ka-pair nila sa pustahan.
"Galingan mo ha." wika ni Mika at sinuntok suntok ako nang mahina sa balikat.
Napahawak na lamang ako roon at tumawa. "Okay, wag mong gagalingan. Kilala kita, kahit ikaw lang mag-isa makakalahati mo itong mga tao ko." sambit ko at umakbay sa kanya.
Nginitian niya lang ako. "Grabe namang papuri yan, I know you could do the same thing kaya wag ka nang pa-humble dyan." sabay gulo niya sa buhok ko.
I smiled at tinapik-tapik ang likod niya. "So paano ba yan? I'll see you sa venue at 15 hundred hours."
"Alright, lieutenant." Sabay salute niya at kindat. "Papakainin kita ng alikabok mamaya." Sabay ngiti niya nang malapad.
"Ge." I smiled back at bumalik na sa platoon ko.
Maaga ko silang pinakain para naman hindi mabigat ang pakiramdam nila mamaya. I was sitting sa isang bench nang may lumapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Uyy, may kailangan ka?" Tanong ko kay Rachel. "Kumain ka na ba? Gusto mo?" Sabay alok ko sa kanya ng tinapay.
Umiling siya. "Kakakain lang namin ni mom. Pwede ba kitang tabihan?" Tanong niya. Pinagpag ko muna ang uupuan niya kaya naman natawa siya. "Para kang sira." sambit pa niya bago ako suntukin nang mahina. "Thank you pala sa binigay mong bulaklak kanina."
"Actually may breakfast pa sanang kasama yun kaso male-late ka daw kaya binigay ko nalang kay tita. Nakakain ka ba bago pumasok?" Tanong ko sa kanya at sinandal naman niya sa balikat ko ang kanyang ulo. Pa-fall chos.
"Yeah, may hinahanap kasi ako kanina kaya natagalan bago ako nakapasok." Sabay tawa niya. "Nga pala," tumingin naman siya sa akin. "Hindi mo nabanggit sa akin na kapatid mo pala si Mika."
"Ha? Hindi ko ba nasabi?" Natawa ako. Remembering the days— oo nga, I always address Mika sa mga kwento ko sa kanya as kapatid ko. I never got the chance to tell her or to let them meet in person. "Sorry, paano mo nalaman?"
She shrug. "May pakpak ang balita." may inabot naman siyang energy drink. "I heard you'll be having a friendly match with Lt. Reyes, galingan mo. I'm rooting for you." she smiled at kinindatan ako.
Weird. "Thanks." I smiled at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko lalo na't humalik siya rito saka umalis. Weirder.
Lumapit naman sa akin si Beatriz. "Nice, didn't know you were seeing each other, lieutenant." pang-aasar nito kaya lalo pa akong nakaramdam ng pamumula ng mukha. "Nga pala, game na daw sabi ni Lt. Reyes."
Hindi ko namalayang nakarating na pala si Mika at ang platoon niya. Masyadong seryoso ang mukha, pakiramdam ko nga ay tototohanin niya ang sinabi niyang papakainin niya ako ng alikabok.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Mika.
"Naman, bakit hindi?" sabay ngiti niya nang tipid.
"Si Den noh? Hindi ka pa rin kinakausap?"
Umiling siya. "You know I hate chasing. Wala naman akong kasalanan."
Tinapik ko naman ang braso niya at isinuot sa kanya yung helmet na hawak niya. "Alam mo, may karapatan naman masaktan yung tao."
Napakamot na lamang siya sa kayang batok. "That's not it, Jovs." She sighed. "I'm so done of thinking what others would feel. Let me do me, let me do my shits."
BINABASA MO ANG
Labyrinthine
Fanfic(Completed) Second Lieutenants Jovelyn Gonzaga and Mika Reyes aren't just friends, training buddy and comrades; they were bound by something greater- blood. They're family, different mother but same blood. Both wielded a strong nature. Entering the...