Maze 7: You're making me crazy

646 28 11
                                    


MIKA 

Marahas kong ginulo ang buhok ko. "Badtrip!" inis kong sambit at napa-angat naman ako ng tingin. "Ano?" inis kong tanong sa mga taong nakatingin sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ara. 

Muli kong ginulo ang buhok ko saka idinukdok ang mukha ko aking mga braso. "Wag niyo ko pansinin, okay lang ako." wika ko. 

"Ah, baka meron." rinig kong sambit ni Kim. 

"PMS? Uso ba sa kanya yun?" saka sila tumawa kaya nag-angat ako ng tingin at natigilan sila. 

Nginitian ko sila. "10 laps sa oval mamaya."

"What the heck, Mika?" gulat na sambit ni Kim. 

"May reklamo? Gawin nating 20?" tanong ko. 

Agad namang tinakpan ni Ara ang bibig ni Kim. "Sabi nga namin e, mag-eexercise kami mamaya. Mukhang bumibigat na rin si Kim." 

Tinulak naman ni Kim si Ara. "Ano ba kasing problema? Kanina ka pa tulala dyan. Tapos kinakausap mo pa sarili mo. Ano? Sabihin mo lang kung malapit ka ng mabaliw nang masamahan ka namin sa psychiatrist."

Natawa na lamang ako saglit bago siya samaan ng tingin. At dahil sa harp ko sila ni ara nakapwesto ay inabot ko siya para batukan. "Tanga, may iniisip lang ako." wika ko. 

"Ano?" tanong ni Kim. 

Ngumisi si Ara. "Baka sino."

Inirapan ko na lamang sila. "Magsama kayong dalawa, aalis na muna ako." 


Tumayo ako at pumunta sa pwesto ni Jovs, wala siya doon kaya agad na rin akong umalis. Nasaan nanaman kaya ang taong yun? 

Napadaan ako sa library at agad kong naalala ang nangyari noong isang gabi. Dali-daling nag-init ang mukha. Shet, inaamin kong malandi ako at sanay naman ako pero jusko, ang hot naman kasi niya.


"Lieutenant." nanigas naman ata ako sa kinatatayuan ako dahil sa narinig. 

Lumunok ako ng laway bago siya lingunin. "Uy." tipid kong sagot. 

"Na-inform ka na ba about our meeting at 15 hundred hours?" 

Sa narinig ay nawala ang kaba ko. "Meeting? Wala pang nagsasabi sa akin." 

Tumango naman siya. "I see, baka nakalimutan niya lang. Anyways, don't be late. Ayoko sa mga nale-late."

Tumawa naman ako. "Bakit? Gusto ka ba?" 

Inirapan niya lang ako at hinampas ang dala niyang clipboard sa tyan ko. Aray ha. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo. I heard you're always late."

I scoffed. "Excuse me, time is precious. Hindi ako nale-late." inirapan ko siya. "Once lang." sabay iwas ko ng mata. 

She smirked at lumapit sa akin. "Huhulaan ko." 

"Wag na." sinimangutan ko siya.

"Hangover and a girl noh?"


Hinilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko. Tama siya e, pero that only happened once. Nilayasan ko na siya at rinig ko naman ang tawa niya. Ako daw annoying, hindi niya alam siya yung mas annoying. 

Nagstay na lamang ako sa desk ko at doon natulog muna, sakto naman ang gising ko para sa meeting. Pumunta ako sa conference room at naghihintay na nga sila doon. 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon