Maze 37: Take chances

566 25 61
                                    



Mika

"Lt. Reyes." Tawag ni Lt. Daquis kaya tumigil ako sa paglalakad. "Kakarating mo lang? Kumain ka na ba? Tara sa pantry." Paanyaya nito.

"Hindi pa. Sure." Sagot ko at agad itong umangkla sa braso ko at hinatak ako papaunta sa pantry. "Dahan dahan naman, hindi ka naman mauubusan ng ulam dun." Wika ko.

"Hinahabol ko lang yung isang lieutenant don, mukhang mabango e." Sagot nito at tumawa kaya tumigil ako sa paglalakad. "Uy bilisan na natin."

"Ayoko." Sagot ko. Aba? Tutulungan pa kitang ibugaw sarili mo? No way. "Sumakit tyan ko bigla. Ikaw nalang."

She pouted. "Dali na kasi! Nahihiya ako tanungin pangalan niya kahapon." Aba't nagkausap na pala kahapon?!

"Kapag mas may itsura pa ako dyan cancel mo na yan." Wika ko at tiningnan ako nito. "Ano?"

"Ang strict naman. Nanay ba kita?" Tanong jito at tumawa. "Dali na, Mika. Saka hindi dapat tayo bumabase sa itsura."


I sighed at muli ako nitong hinatak. Nang makarating kami sa pantry ay kumuha lang ako ng isang order ng spaghetti. Nandun pa yung crush niya, kumindat pa nga si tanga. Walang rango ang lahat sa akin pagdating kay lieutenant. Not on my watch.


"Hey, iba ata ihip ng hangin? You don't like to eat here ah." Sambit ni Bea at naupo sa tabi ko. "Hindi na mukhang spaghetti yang food mo. Para mo nang minurder yan." Tiningnan ko lang siya ng masama at binalik ang tingin dun sa lieutenant. Bigla naman niyang napansin si Lt. Daquis. "Ah, I see. Selos." Sabay tawa nito.

"Gago. Hinatak-hatak ako papunta dito para lang makita yang lalaking lumaklang ng glutathione." Sambit ko na napahalakhak si Beatriz.

"Awee. Wag na selos." Sabay tawa nito.

"Tigilan mo ako, de Leon. Baka gusto mong isaksak ko sayo itong hawak kong tinidor." Ngumiti ako ng pilit.

"Lieutenant, easy naman tayo dyan." Sabay ibinaba niya ang kamay kong hawak ang tinidor na nakatutok sa kanya. "I told you, you should make your move. Wala yan, madali pang bawiin yan." Pagkumbinsi nito sa akin.


Tumingin naman ako sa kanila at tumatawa na sila nung tenyente niyang hilaw. Tumayo ako at naupo sa tabi ni Lt. Daquis saka tiningnan ng blanko ang kaharap niya. Kilala ko to e, hindi ko lang talaga matandaan kung sino at saan ko siya nakilala.


"Ah." Prang kinabahan naman siya bigla. Natakot ba siya dahil kapatid ko ex nito? O dahil sa ngiting binigay ko sa kanya? "Ma-ma-ma-uuna na ako, Lt. Rachel." Sabay karipas nito nang alis.

"Mika." Sabay tingin sa akin ni lt. Daquis.

"Wala akong ginawa ha." Paghuhugas kamay ko. "Psh, duwag." Sabay tayo ko.

Tumawa naman siya. "Nagseselos ka ba?" sabay ngisi nito. At nabilaukan si Beatriz, bwisit siya.

"Lieutenant, try mo magkape. Para naman kabahab ka sa mga sinasabi mo." Sabay iling ko.

Tumawa naman ito. "Fine, hindi na kita isasama next time."

"As if I care." Sambit ko.


Pero sandali lang kasi! Bakit ba siya nagmamadali?! Hindi pa ako ready. Hindi pa ready yung puso ko. I'm still torn.


"Oo na, alam ko naman na kahit ganyan ka ayaw mo pa ring palitan ko ate mo." Sambit niya.

No. Ako kasi dapat.

"Tenyente, okay lang. sinabi ko na yun sayo diba?" Inabutan ko naman siya ng tinimpla kong Milo. "Oh, bigay mo dun sa kausap mo kanina, mukhang walang energy e."

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon