Maze 10: Cookies and Cream

677 26 43
                                        




Jovs

Gaya ng napag-usapan ay nagkita kami ni Rachel sa kung saan may unli seafoods. It's around Pasay, malapit lang naman din or wala namang malayo din kung gugustuhin mo talaga.

She was wearing a white shirt at ripped jeans. Kahit ano atang suotin ng babaeng to, she would never fail to amaze me. She's beautiful in any aspects naman e, at wala namang makakapagkaila ng bagay na iyon.


"Hi." maikli kong bati na may ngiti sa labi. "Kanina ka pa?" tanong ko dahil naghanap pa ako ng parking space kanina.

Tumingin naman siya sa kanyang wristwatch. "Nope, not really." sagot niya. "Tara? Nagugutom na ako." nakapuppy eyes pa siya kaya paano ko tatanggihan iyon diba? Balak ko sanang dumaan muna sa kabilang store, but okay.

"Sobra ka bang na-stress sa mga ginawa mo?" tanong ko, trying to initiate conversation.

She pouted, ah— can I just take her home at alagaan? "Medyo, I had deadlines to meet tapos nagkapatong-patong pa yung dapat ko gawin." wika niya.

Inakbayan ko naman siya kaya agad niyang kinurot ang tagiliran ko. "Aray naman." reklamo ko at siniko niya naman ako kaya tinanggal ko na iyon. "Para namang hindi tayo friends niyan e!" angal ko.

Tumawa naman siya. "I know your intentions, Jovs." pinisil naman niya bigla ang pisngi ko. "And that's one of the reasons I won't let you treat me how you treat other girls." sabay kindat niya.

I smiled. "So, payag ka na?" ngumisi ako.

"Table for?" tanong bigla ng nag-assist.

"For two." sagot ko at agad naman niya kaming pinaupo sa isang pwesto. Binalik ko naman kay Rachel ang tanong ko kanina. "Ano na? Payag ka na?" nakangisi ako habang naghihintay ng sagot niya.

"It's your choice and not mine to begin with."

"Kasi kung hindi ka pa naman handa, okay lang. Makakapaghintay naman ako. I mean, I still want to know you more din naman. Sa nangyari sayo within the years na wala tayo sa buhay ng isa't isa." tiningnan ko naman siya nang taimtim. "But you surely aged well. Mas gumanda ka, honestly speaking."

Tumawa naman siya at inabot ako para hampasin, ang hilig manakit ha? "Mas lumandi din, ganon."

Napataas naman ang isa kong kilay. "What?"

She smiled. "Wala. Alam mo, bahala ka sa buhay mo. It's not my job to fall for you, it's your job to make me." Tumayo naman siya. "Alam mo, hindi lalapit sa atin yung seafoods. Tumayo ka na rin dyan at kumuha ng kakainin mo."


Tumango na lamang ako at napabuntong hininga. Minsan inaalala ko paano ko ba napasagot ang taong to. Efforts? Sure, she'll loved that pero the way she talks, everything— everything seems new. Hindi na siya yung nakilala ko noon, but I still wish to have her.

Tumayo ako at kumuha na rin nga ng pwedeng i-grill. We had random talks all through out our time together. Napatingin ako sa aking wristwatch, we've been grilling for quite some hours. If there's one thing that hasn't changed? It's her appetite, napakalakas pa rin niya kumain!


"Anong oras na, may dala ka ba? Hatid na kita." sambit ko, tutal may pasok pa kami bukas.

Napatingin rin siya sa kanyang wristwatch. "Woah, didn't really notice the time. I had fun tonight." 

I smiled. "Mukha nga, ang dami mong nakain e." natawa na lamang kami parehas. 

"Aba, bastos ng bibig mo din e noh?" iiling-iling niyang sabi bago ako kurutin. "Tara na." 

LabyrinthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon